CHAPTER 34

2207 Words
Dahan-dahan akong lumabas sa kwarto niya, alam kong nasa kusina siya dahil sa ingay na nanggaling doon kaya tumakbo ako papunta sa pintuan para umuwi. Nang makalabas ako ay kaagad na pumasok sa unit ko bago ko ginulo ang buhok ko dahil sa nakakahiya na ginawa ko kagabi. Tama nga si Chris, kakausapin ako ni Khaliel hindi para bitawan niya ako ngunit kakausapin niya ako dahil gusto niyang maayos lang kami sa isa't isa. Naligo muna ako bago ako nag bihis. Hindi ko alam kung papasok ba ako ngayon dahil mukhang late na yata ako. Ang mga bote sa lamesa ay andun pa rin at hindi pa nalinis kaya nilinis ko muna bago ako lumabas para puntahan siya. Hindi na ako kumatok pa dahil ako na mismo ang nag bukas ng pintuan niya. Sabi naman niya dati kung pupunta ako ay hindi na ako kakatok pa dahil alam ko na naman ang passcode niya. Nang makapasok ako ay kaagad akong pumunta sa kusina. Nakangiti siyang lumingon sa akin habang abala sa lamesa. "Anong gusto mo, Venice?" "Ikaw lang." nakangiti kong sabi sa kanya bago ako umupo kaya tumawa siya. "Madami yata ang niluto mo?" "Andito ka. Akala ko nga hindi ka babalik, paano ko na uubusin 'yan." May bacon, toasted bread, omelette, pancakes at kape sa lamesa. Mahilig din siya sa kape kaya nagka-intindihan kaming dalawa. Wala naman akong balak na pumunta dito dahil sa kahihiyan na ginawa ko, pero nagugutom na ako at wala na akong mga stock sa bahay kaya wala akong choice. Umupo siya sa tapat ko bago siya ngumiti. Binigyan niya ako ng bacon sa plato ko, ako na ang kumuha pa ng iba dahil nakakahiya kapag siya pa ang gumawa. May kamay naman ako. "Thank you, Khaliel." sabi ko nang iabot niya sa akin ang kape. "Hindi ka papasok? Hindi ka din pumasok kahapon." Umiling ako bago inabot ang kape sa lamesa. "Ikaw, wala ba kayong gig? Pupunta ako mamaya sa market dahil wala na akong stocks. Nakiki-bahay na nga ako, oh." tumawa ako sa kanya bago kumain ulit. "Sasamahan kita, Venice. May bibilhin din ako." "Ha? May makakakita sa atin?" "Hindi na 'yon importante." pag sagot niya. Natahimik kami pagkatapos nun. Patuloy pa rin akong kumakain hanggang sa nabusog ako kaya hindi na ako nag dagdag pa. "Khaliel," tumingin ako sa kanya. "Hmmm? "Gusto mo pa rin ba ako? You know, sobrang komplekado ng sitwasyon natin." Seryoso siyang tumingin sa akin, tumigil siya sa pagkain at tinuon ang atensyon sa akin. "Ilalaban kita, Venice. Ang importante naman gusto natin 'yung isa't isa 'diba? Alam ko naman 'yung pinasok ko, kakausapin ko ang papa mo," "Hindi pwede. Hindi siya papayag Khaliel kapag ganun. At isa pa, alam kong ayaw din ng pamilya mo sa pamilya ko." Nakita ko ang lungkot sa mga mata niya, hindi man niya sabihin pero naramdaman ko na malungkot siya. Ang malungkot niyang mata ay napalitan ng ngiti bago siya nag salita. "Sinagot mo na ba ako? Bakit parang tayo na, Venice?" ngumiti siya at pinanliitan ako ng mata. Tumawa ako bago ko inikot ang mata ko. "Hindi. Gusto mo na bang sagutin kita ngayon?" "Papayag naman ako. Gusto ko nang maging sa 'yo." tumango-tango siya na ngumiti. Gusto ko din namang maging sa 'yo. Naisipan ko na malapit na pala 'yung birthday niya, may plano ako na sagutin siya sa araw na 'yon. Isang linggo lang naman din 'yon. Wala na akong pakialam kung ayaw ni papa, hindi niya ako mapigilan dahil mahal ko si Khaliel. Kung malaman man niya, sigurado ako na magagalit siya pero gaya ni Khaliel, ilalaban ko din siya. Nang matapos kaming kumain ay pumunta kami sa sofa. Naisipan namin na mamayang hapon nalang kami pupunta doon sa mall. Nanood kami ng palabas habang kumain ng chips. Naka sandal ang ulo ko sa balikat niya habang pinanood ang nakakaiyak na palabas sa malaking tv. Ewan ko din bakit 'yan ang pinanood namin, sa dinami-dami ba naman ng palabas ay 'yun pa ang napili naming panoorin. "Mas pinili niya kasi ang pangarap niya, sayang lang sila eh... Perfect na sana kung hindi umalis ang babae, 'no?" tumingin ako sa kanya nang mag tanong. "Pero hinayaan naman siya ng lalaki dahil pangarap niya 'yon. Pinili nilang maging malaya dahil masyado pang maaga para mag settle sa isa't isa. Kung ako din 'yon, mas pipiliin ko ding pakawalan siya dahil pangarap niya 'yon, eh." "Pero babalik pa naman siguro sila sa isa't isa, 'no?" "'Yun kung mahal pa nila ang isa't isa." hinaplos niya ang buhok ko dahil ang isang braso niya ay nasa likuran ko. "Ikaw ba, pipiliin mo ba ang pangarap mo kaysa sa mahal mo?" pag tanong ko sa kanya. "Oo. Ikaw naman 'yung pangarap ko, Venice." Hinampas ko ang balikat niya at umayos ako ng upo. "Seryoso nga, Khaliel." "Seryoso nga, Venice. Pipiliin ko 'yung pangalawang pangarap ko dahil natupad na naman 'yung isang pangarap ko kaya ikaw naman ang tutuparin ko." "Talaga ba? Ang corny nun, ha! Yakapin mo nga ako." binuksan ko ang braso ko bago ngumiti, ngumiti naman siya bago niya ako binigyan ng mahigpit na yakap. "I love you." bulong ko taenga niya nang mayakap niya ako. Dahan-dahan siyang bumitaw at tumingin sa mga mata ko. Seryoso ang mukha niya na tumingin sa akin bago niya hinawakan ang kamay ko. "Mahal mo na ako?" "Parang," umiwas ako ng tingin na nakangiti. "Sinagot mo na ba ako?" nakangiti niyang sabi. "Hindi pa, pero gusto ko lang ipaalam sa'yo na pareho tayo ng nararamdaman." "Talaga?" Tumango ako bago niya ulit ako niyakap. Nang hapon ay nag bihis ako dahil pupunta kami ng mall para bumili. Hindi naman siguro kami ma-i-issue nito. Sumakay kami ng taxi papunta doon. Naka suot siya ng sombrero kaya nag suot din ako. Nang makarating kami doon ay pumasok kaagad kami para makabili, sobrang init pa sa labas pero kaya naman. Nag grocery muna kami bago pumunta sa mga karne, sinabi ko sa kanyang magluto kami ng sinigang na hipon pero naalala ko na hindi pala siya kumakain ng ganun. "'Wag nalang, hindi din naman ako marunong mag luto." tumawa ako bago tiningnan ang mga isda. Sa huli ay bumili siya ng hipon kahit hindi daw siya kumakain ay ipagluluto niya ako. Nang bumalik kami sa unit ay nakasalubong namin si Jm, isa sa mga ka banda niya sa lobby. May binigay lang sa kanya at kaagad naman umalis pagkatapos. "Saan ka magluluto? Marunong ka palang magluto?" tanong ko sa kanya habang nasa elevator kami. "Nag aral ako magluto. Saan mo ba gustong magluto?" "Pupunta ako sa bahay mo." "Hihintayin kita." Siya ang nag dala sa mga binili ko. Hindi naman ganun kadami ang binili ko dahil linggo-linggo na ako pumunta sa mall para bumili. Nang ibigay niya sa akin ang binili ko ay ngumiti ako sa kanya bago pumasok sa unit. Ang saya niya kasama, masaya pala mamili kapag may kasama ka lalo na kung gusto mo 'yung kasama mo. Nasanay naman ako na bumili mag-isa dahil ayoko naman abalahin si Chris o kaya si Mikka dahil bibili lang naman at kaya ko naman kung mag-isa pupunta. Matapos kong ayusin lahat ng binili ko ay narinig ko ang pag tunog sa cellphone ko na nasa lamesa. Tiningnan ko ang pangalan sa screen kaya ngumiti ako bago sinagot. "Hello, Shane! How's my inaanak, ha?" "Inaanak talaga? Ayaw mo na ba sa kaibigan mo?" "Shempre gusto, pero mas gusto ko 'yung inaanak ko 'no? Excited na ako na lumabas siya." "Ang sama mo talaga, Venice 'no? Na crush-back lang ng crush mo, ang sama mo na sa akin. Ano nang update sa inyo?" "Anong update? "Sinabi ni Chris nalasing ka daw kagabi, anong nangyari sa inyo, ha?" "Ayos lang kami, Shane. Kwento ko nalang kapag pumunta ako dyan sa weekend, ha?" "Bakit ka nag mamadali, hindi ka naman ganyan. Kwenento mo nga 'yung buong detalye sa tawag dati kahit na ayoko na makinig tapos ngayon, hindi na? May date kayo, 'no?" "Anong date? Hindi 'no! Maaga pa akong papasok bukas dahil absent na ako ng dalawang araw, Shane. Bye, mommy!" "Bye, ninang! Sabi ni Baby." tumawa siya bago pinatay ang tawag. Mamaya nalang siguro ako pupunta kay Khaliel alas singko pa naman. Nag linis muna ako ng bahay bago ako nag bihis dahil pinag pawisan ako. Malapit na mag alas sais nang matapos ako kaya dumeresto agad ako sa unit ni Khaliel. Nang buksan niya ay napangiti ako nang makitang sinuklay niya ang basa niyang buhok. Sumunod ako sa kanya sa kusina, naka hiwa na ang mga sangkap na gagamitin niya lahat. "Alam mo pa'no 'to lutuin?" tanong ko bago tinuro ang mga sangkap. "Pinag-aralan ko para sa 'yo." sabi niya sabay ngumiti. Nag simula siyang mag init ng tubig, nag uusap kami kung anong isusunod dahil hindi ko din alam paano lutuin. Nag hintay pa ako ng ilang minuto nang malagay niya na 'yung mga gulay. Tiningnan ko lang siya paano niya gawin 'yung niluto niya dahil gusto ko din matuto. Naamoy ko na 'yung lasa ng niluto kaya natatakam ako na tikman 'yon. Kahit hindi siya kumakain ng hipon ay pinagluto niya ako dahil gusto ko, hindi ko naman siya pinilit na magluto pero dahil gusto ko, ginawa niya. "Wow, pwede ko ba tikman?" nakangiti kong sabi sa kanya nang pinatay niya na ang apoy. Kinuha niya ang sandok bago siya kumuha ng sabaw at hinipan iyon. Nakangiti ako na nag hihintay sa kanya dahil kinikilig ako. "Mainit, Venice." sabi niya nang iabot sa akin ang sandok. Dahan-dahan niyang inabot sa bibig ko ang sandok bago ko tinikman ang sabaw. Nakatayo siya sa harapan ko hawak ang sandok sa kamay habang nag hihintay sa reaksyon ko. Ngumiti ako bago tumango-tango nang maramdaman ang lasa ng niluto niya. Sakto ang lasa ng sinigang, hindi masyadong maasim hindi din masyadong maalat. "Almost perfect, Khaliel. Almost perfect." sabi ko sa kanya. Nakangiti siya sa sinabi ko bago nilagay ang sandok sa gilid. "Talaga?" "Oo, sayang bawal ka pala. Masarap ka magluto, first time mo magluto?" "Hindi naman. Pero first time ko magluto ng sinigang na hipon." pag amin niya. "So, nakaluto ka na ng ibang pagkain?" "Pasta lang." humawak siya sa countertop na nakapamewang habang ako ay naka krus ang mga braso na nasa harap niya. "Masarap din 'yung pasta na niluto mo." pag komento ko. Kumuha siya ng bowl bago niya nilagyan 'yun ng niluto niya. Pinagmasdan ko lang siya na mag lagay bago niya ibigay 'yun sa akin. "Kaya mo bang ubusin 'to?" Tumango ako dahil isang bowl lang naman 'yun at kayang-kaya ko 'yung ubusin. "I mean... lahat medyo madami." Lumaki ang mata ko na tiningnan ang niluto niya dahil hindi ko 'yun mauubos. Agad na binawi ko 'yung sagot ko kaya natawa siya. "Hindi, 'no! Ito lang muna." tinaas ko ang bowl na bigay niya bago ako umupo sa mataas na upuan sa likuran ko. Tumabi siya sa akin habang humihigop ako ng sabaw. Tiningnan ko siya nang mapansin na pinagmasdan niya akong kumain na hindi nag sasalita. "Ano? Bakit ka nakatingin sa akin? Gusto mo ba tikman?" tinaas ko ang bowl at ngumiti sa kanya para inggitin siya. "Masarap?" tanong niya. "Oo, gusto mo ba?" excited na tanging ko sa kanya. "Pwede?" ang mata niya na nasa mata ko ay dahan-dahan na lumipat pababa sa mga labi ko kaya lumaki ang mata ko. "Ano? Sabi mo allergic ka, bawal ka dito kumuha ka ng ibang kakainin mo." Hindi niya inalis ang mga mata niya sa labi ko kaya nilagay ko ang bowl pabalik sa lamesa. Nang bumalik ang mata ko sa kanya ay kaagad na nagulat ako nang hinawakan niya ang batok ko at ang labi niya at nasa labi ko na. Hindi ako nakagalaw sa ginawa niya kaya dahan-dahan akong pumikit nang maramdaman na gumalaw siya. Hindi nag tagal ay unti-unti kong binabalik ang halik na binigay niya sa akin bago ako tumayo at pinulupot ang nga kamay ko sa leeg niya. Sa pangalawang pagkakataon ay naramdaman ko ulit ang mga paru-paro na nasa tiyan ko nang hindi siya tumigil na mahalikan ako. Kinabahan ako masyado baka saan mapunta 'tong halikan nang binuhat niya ako at inupo sa countertop habang patuloy siya sa pag halik sa akin. Ang kamay niya ay nag lakbay na sa likod ko habang hindi ko pa rin inalis sa leeg niya ang dalawang kamay ko. Bumilis ang galaw ng labi namin na parang naubusan na ako ng hininga kaya bumitaw ako. Hinahabol ko ang pag hinga ko nang tingnan ko ang mga niya na nakatingin sa akin. Inayos niya ang buhok kong nakaharang bago ko inalis ang kamay ko leeg niya. "Ang ganda mo." sabi niya na nakangiti. Nahihiya tuloy ako dahil amoy sinigang 'yung bibig ko. Napansin ko ang binti ko na naka yakap na pala sa mga bewang niya kaya nag mamadali ko itong binaba. Hindi ko napansin ang pag lagay ko dun, ah! Tiningnan niya ang bawat parte ng mukha ko bago niya ako binuhat pababa. "Thank you." "Para saan?" mabilis niyang sagot. "Sa..." pag halik? "pagbaba mo sa akin." umiwas ako ng tingin sa kanya dahil sa hiya. "Masarap nga ang sinigang." sabi niya na natatawa bago niya ako ninakawan ng halik ulit.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD