CHAPTER 33

1027 Words
"Venice." boses nang lalaking nasa pintuan. Ayokong tingnan ang mga mata niya dahil nahihiya ako sa kanya. Paano ba kasi ako umabot dito! Ang naalala ko lang ay naligo ako sa banyo bago ako nag bihis ng malaking damit at cycling dahil sobrang init at nakatulog na ako. Kumapit ako sa kumot nang dahan-dahan siyang lumapit sa kama niya. Hindi ko alam kung anong itsura ko pero alam kong magulo ang buhok ko. Paano ko ba sasabihin sa kanya na aalis ako. "Gising ka na? Masakit ba 'yung ulo mo? Uminom ka muna." Tiningnan ko ang pag upo niya sa gilid nang kama. Inabot niya ang isang basong tubig sa akin kaya napatingin ako doon. Paano ba niya kayang gawin 'to sa akin kung galit siya? Huminga siya nang malalim bago tumayo at nilagay ang baso sa maliit na lamesa sa gilid. "Venice," bumalik siya sa pag upo. Hindi ako nag salita sa kanya kahit na tumango ay hindi ko ginawa. Nakatingin ako sa mata niyang mukhang hindi nakatulog kagabi. Hindi ko din makita na galit siya dahil pareho lang din ang trato na binibigay niya sa akin. "Hi-hindi ka na galit s-sa akin?" mahina kong tanong sa kanya na sa palagay ko ay narinig niya. Seryoso ang mukha niya pero ang mga mata niya ay nag tatanong kung bakit 'yun ang tinanong ko sa kanya. "Bakit naman ako magagalit ako sa 'yo, Venice?" "Dahil nag sinungaling ako sa'yo." "Sinabi mo din 'yan kagabi sa akin," mahina siyang natawa sa akin. "Venice, akala ko ikaw 'yung galit sa akin... Kaya gusto kong makipag-usap sa'yo." Seryoso siya sa sinabi kaya nakinig ako sa kanya. Hindi ko maalala ang pinag gagawa kagabi kaya wala akong kaalam-alam sa nangyari. Tumayo siya at bumalik ulit sa lamesa kung saan naka lagay ang baso at inabot ulit 'yun sa akin. Nang iabot niya sa akin iyon ay kaagad kong tinanggap dahil kanina pa din ako gustong uminom ng tubig. Tiningnan niya ako na uminom at hindi niya inakala na mauubos ko 'yung isang baso na bigay niya sa akin. "A-anong ginawa ko kagabi?" mahina kong tanong nang iabot ko ang baso sa kanya. "Hindi mo naalala?" tumaas ang dalawang kilay niya na tumingin sa akin kaya umiling ako sa kanya. "Galing ako sa gig kagabi. Naabutan kitang nasa pintuan ko kumakatok alas onse ng gabi, umiiyak ka dahil hindi ko binuksan ang pintuan. Nang makita mo ako kaagad kang yu-" "Tama na!" pag putol ko sa sinabi niya dahil naalala ko na. Naligo ako kagabi dahil sobrang init pagkatapos umuwi ni Chris. Nag bihis ako nang malaking T-shirt at cycling dahil sa sobrang init kahit na naligo ako. Lumabas ako sa unit ko at nag punta sa pintuan ng unit ni Khaliel at kumatok. Nang makita ko siya ay umiiyak ako bago ako tumakbo para yakapin siya. "Galit ka ba sa 'kin? I'm sorry, I'm sorry. Hindi mo ba ba ako gusto?" parang bata kong sabi sa kanya. "Venice, uminom ka? Bakit hindi ka pa natulog? Saan ka ba galing?" "Sa bahay ko." tinuro ko ang pintuan ko. Dinala niya ako sa unit niya at pinaupo sa sofa. Nilagay niya ang mga gamit niya sa sahig bago niya ako tabihan. Nakita ko ang pag-alala sa mga mata niya bago niya hawakan ang mukha ko. "Bakit ka uminom, may problema ba?" Umiling ako sa kanya. "Wala, galit ka sa akin, eh. Hindi mo na ako gusto dahil nalaman mong kilala ko ang mga Corvero at anak ako ng politiko. Ayaw mo na sa 'kin." umiyak kong sabi sa kanya. Umiling siya bago hinawakan ang kamay ko at dinala iyon sa mga labi niya. "Mag-uusap tayo bukas, ha? Matulog ka muna, Venice. Gabi na at nag suot ka pa ng manipis at maikling damit. Nag alala ako sa 'yo dahil nasa labas ka paano nalang kung hindi ako dumating at may ibang taong gagawa ng masama sa 'yo, ha." hinalikan niya ang noo ko bago siya tumayo at binuhat ako papunta sa kwarto. "Hindi ka galit sa akin?" sabi ko sa kanya nang ihiga niya ako sa kama. "Hindi ako galit sa 'yo, mahal." sabi niya bago ulit ako halikan sa noo. "Matulog ka muna, ha? Mag-uusap tayo bukas." "Hindi ka talaga galit sa akin?" tanong ko matapos kong maalala ang nangyari kagabi. Tumawa siya at hinawakan ulit ang kamay ko. "Alam ko, Venice alam ko. Kilala na kita noon pa kung sino ka. Hindi ako galit sa 'yo, galit ako sa sarili ko dahil nagalit ka sa sarili mo." "Alam mo kung sino ako dati pa?" parang bata kong tanong sa kanya. Tumango siya at ngumiti. "Napanood ko 'yung video mo." "Bakit mo ako tinanong kung kilala mo naman pala ako?" "Gusto kong ikaw ang mag sabi sa akin, Venice. Hindi naman ako marunong magalit sa 'yo." ngumiti siya sa akin bago niya inayos ang buhok kong magulo. "Mag ayos ka na muna, ha. Nag aalala ako sa 'yo kagabi dahil baka anong mangyari sa 'yo sa labas. Nag suot ka pa ng manipis na damit at wala ka pang suot na bra." Umiwas siya ng tingin bago tumayo. Gulat na tiningnan ko ang sarili bago ko napagtanto na wala nga akong suot na bra! Agad kong tinakpan ang dibdib ko bago ako tumingin sa kanya na gulat ang itsura. "Wala akong ginawa sa 'yo, kung 'yon ang tanong mo." sabi niya na nag iwas ng tingin. "Gago, lumabas ka muna nakakahiya, Khaliel!" sabi ko sa kanya bago tinakpan ng kumot ang sarili. Narinig ko siyang tumawa bago kinuha ang baso at lumabas. Nakakahiya dahil nakita niya ako ng walang suot na bra. Paano kaya ako lalabas dito kung lalabas man ako para umuwi ay maaabutan ko naman siya sa labas. Hindi nga pala ako nag suot ng bra kagabi! God, Venice! Tiningnan ko ang itsura ko sa malaking salamin. Ang buhok ko ay magulo na parang hindi sinuklay ng ilang araw. Tiningnan ko ang katawan ko, masyadong kita nga ang kurba ng dibdib ko. Buti nga lang ay may suot pa ako, paano nalang kung nahubad ko ito kagabi. Hindi naman ako mag aalala dahil alam kong wala siyang gagawin sa akin.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD