CHAPTER 32

1098 Words
Ayoko, ayokong kausapin siya dahil iiwasan niya ako.Mas okay na kapag ganito, nakikita ko siya kahit na hindi niya ako kausapin. Alam kong ito na ang huling pag-uusap niya sa akin, natatakot ako na baka hindi ko na siya maka-usap pa. Hindi ko siya ni replyan at humiga sa sofa. Napagod akong pumasok kaya napag desisyonan kong hindi nalang muna papasok. "Samahan mo ako please..." Nang gabi ay tinawagan ko si Chris, gusto kong uminom para mawala ang iniisip ko. "Saan naman, Venice? Bakit 'di ka pumasok, ha?" "Kwento ko nalang sa'yo, okay! Punta ka dito bumili ka din ng alak, ha! Babayaran ko lang pagdating mo dito. Bye, Chris love you!" Agad kong pinatay ang tawag bago ako nagtungo sa veranda. Sana ay wala siya dito para hindi niya ako makita na umiyak. Napansin ko ang hangin na lumapat sa balat ko kaya sumandal ako sa pader at tumingin sa mga ilaw ng building sa harapan ko. Maya-maya pa ay narinig ko ang pag tunog ng gitara pero wala siya sa labas. Tiningnan ko ang kabilang veranda, bukas ang pintuan pero hindi ko siya nakita. "Kung ako ay papalarin na ako'y iyong mahal na rin pangakong ikaw lang ang iibigin magpakailanman," pag kanta niya. Oo, Khaliel. Mahal na kita pero paano ko sasabihin sa 'yo na mahal kita kung ayaw mo na sa akin? Masaya na ako Khaliel na malaman na mahal mo din ako. Pero, mamahalin mo pa rin ba ako kung galit ka sa akin? Ako handa akong sumugal basta para sa 'yo. "Di kita pipilitin sundin mo pa'ng iyong damdamin hayaan na lang tumibok ang puso mo... para sa akin." patuloy siya sa pag kanta kaya nakikinig ako. Hindi naman siya lumabas kaya hindi kami magkikita. Patuloy siya sa pag kanta hanggang sa natapos. Huminga ako ng malalim bago ko narinig ang pag lagay niya ng gitara sa gilid bago siya lumabas. Nag tama ang mata namin ng mga ilang segundo bago ako umiwas ng tingin. Ano, sasabihin niya na ba na tapos na kami kahit hindi pa kami nag sisimula? Walang emosyon ang mukha niya na nakatingin sa akin. Para kaming hindi mag kakakilala at walang pinagsamahan sa malamig na tingin na binigay niya sa akin. Dali-dali akong pumasok sa loob bago pa siya mag sasalita sa harapan ko. Naiwan ko siyang bakas sa mukha niya na may gusto siyang sabihin pero ayoko, ayokong pakinggan pa 'yon. Malungkot na umupo ako sa sofa bago ko sinandal ang likod ko sa sofa bago ako huminga ng malalim. Masakit pa rin isipin na hindi kami nag papasinan dalawa. Gustong-gusto ko siyang kausapin pero natatakot ako kung ano man ang bibitawan niyang salita. Napansin ko ang pag ilaw ng phone ko sa gilid kaya dali-dali ko itong pinulot. khaliel_cruz Bakit umiiwas ka, Venice? Let's talk. Agad kong nilagay ang cellphone pabalik sa lamesa. Pinag krus ko ang braso ko nang marinig ko ang pag tunog ng doorbell. Kinabahan ako na buksan iyon dahil baka si Khaliel ang pumunta. Sinilip ko muna para ma sigurado bago ko buksan, nasa labas si Chris. Ngumiti ako nang mapansin na binili niya ang pinabili kong alak sa kanya. "Bakit ka nakangiti?" tinaasan niya ako ng kilay. "Wala. Dumating ka kasi!" Pumasok siya at naupo sa sofa. Kinuha ko ang bote ng alak na nakangiti bago ko binuksan. "Anong chicka?" pinag krus niya ang mga binti niya bago sumandal sa sofa. "Wala naman. Gusto ko lang uminom." umiwas ako ng tingin sa kanya. Tumango-tango siya bago ako tumayo at kumuha ng baso. Nang bumalik ako ay naabutan ko siyang naka sandal sa sofa habang abala sa phone niya. "Sinong kausap mo?" tanong ko sa kanya nang makalapit. "Wala. Bakit 'di ka pumasok?" "Pagod ako. Umuwi akong bahay kanina pa ako nakauwi." pag sagot ko sa kanya. "And then? Bakit ka iinom? Pwede naman 'yung kapitbahay mo nalang isama mo." mahina siyang natawa. Sinimulan kong lagyan ang baso bago iabot sa kanya, hindi naman siya nag dadalawang-isip na tanggapin 'yon. Pagkatapos niya ay ako naman ang uminom. Naka ilang inom pa ako bago ko inabot sa kanya dahil tiningnan niya ako na kunot ang noo dahil hindi ko na siya nabigyan. "Anong problema mo? Nag away ba kayo ng kapitbahay mo s***h crush?" Napatingin ako sa kanya bago ko iabot sa kanya ulit ang baso na agad niyang ininom. Huminga ako ng malalim bago ako sumandal sa sofa at pinag krus ang mga braso. "Wala naman. Hindi ko na kasi pinansin si Khaliel. Nalaman niya na kasi na anak ako ng politiko. 'Diba kwentuhan naman kita nun nung isang araw about dun?" "Mahirap talaga mag mahal 'no? Lalo na kung may kulang sa'yo," umiling siya na mukhang nalungkot. "Mahal mo na ba siya, Venice? Ang hirap kapag ganyan 'no? Paano kaya kung kakausapin mo siya at ipaliwanag sa kanya." humarap siya sa akin. Ngumiti ako sa kanya at umiling. "Para ano pa, Chris? Ang sabi niya kasi sa akin, mag uusap daw kami pero hindi ko siya nireplyan pa dahil alam ko na kung ano 'yung gusto niyang sabihin." "Pero mahal ka niya, Venice. Alam kong maintidihan ka niya, kausapin mo baka sakaling maayos niyo. Pero... paano kung ayos naman sa kanya 'yon? Na... okay lang kung nag sinungaling ka sa kanya. What if gusto ka niyang kausapin para ayusin 'yon, Venice?" "Ayos na ako, Chris. Ayoko din siyang madamay sa gulo ng politiko. Alam mo naman, ayaw din ni papa na magkaroon ako ng boyfriend ngayon. Na gi-guilty nga ako dahil pumayag ako na mag paligaw kay Khaliel, eh." Nagulat ako sa hampas niya sa balikat ko kaya humarap ako sa kanya. "Gago, nasa ligawan na agad kayo?" "Tinanong niya kasi ako kaya... pumayag ako. Gusto ko naman siya at gusto niya din ako, why not?" tumaas ang dalawang kilay ko sa kanya. Nag kwentuhan kami ni Chris habang umiinom. Pinababa ko siya nang maubos ang isang bote na binili niya at bumili ng bago. Medyo natamaan ako sa binili niyang alak dahil medyo matapang. Umabot kami ng alas nuwebe nag kwentuhan habang umiinom. Medyo pumipikit na 'yung mata ko nang ihatid si Chris sa pintuan nang maubos namin 'yung limang alak. Napuno tuloy ng tawanan ang silid ko kanina dahil sa kwentuhan namin ni Chris. Natuwa naman ako nang medyo nawala 'yung problema ko dahil sa kanya. Nagising nalang ako sa sakit nang ulo ko kinabukasan. Nakita kong pamilyar ang silid na kaya hindi ako gumalaw nang napag-tanto kung kanino itong bahay. Nawala ang antok ko nang maramdaman ang pag bukas ng pintuan kaya kinabahan ako kung anong gagawin ko.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD