Nakikita lang ako ng mga tao tuwing elekyon pero nag susuot ako ng mask para hindi makilala. Dati, ang alam nila ay anak ako ni ate Myrna dahil naging malapit ako sa kanya pero paraan lang 'yon para ma protektahan ako ni papa sa mga kalaban niya. Hindi ko nga din alam bakit pa niya ginawa 'yon e... hindi naman ako kasali. Pero kalaunan ay nakilala din ako nang 'yung mga nakakilala sa akin simula bata pa ako ay sinasabi sa ibang mga tao. Lalo na at nasasali na ako sa mga news ni papa tuwing may interview siya, proud na proud siyang ipagmalaki na mag may anak siyang mabait pero shempre palabas lang 'yun. Hindi talaga ako mabait.
Huminga ako ng malalim bago bumaba ng Van, may mga tao na tumingin sa akin pag baba ko dahil may kasama akong mga bodyguards sa likod ko. Pumunta kaagad ako malapit sa stage kung saan may mga lamesa sa gilid, wala pang umupo dahil medyo maaga pa naman kaya ako ang unang umupo doon. Tiningnan ko ang mga taong tumingin sa akin pero hindi ko sila pinansin dahil hindi naman sila ngumiti sa akin, hindi siguro nila ako nakilala dahil sa mask na suot ko.
"Pa." tumayo ako nang lumapit si papa sa pwesto ko kaya hinubad ko ang suot kong mask.
Kaagad ay binuksan niya ang mga braso niya sa akin kaya ngumiti ako bago yumakap sa kanya. "Natutuwa ako na nakarating ka, Zahara." pag ngiti niya sa akin.
Kumalas ako sa kanya matapos niyang akong yakapin bago lumingon sa lalaking nasa likod niya. Mukhang isang Mayor ito dahil na mumukaan ko siya. "Ito pala ang anak mo, Elias."
"Ito nga, Alfred si Zahara ang nag-iisa kong anak." proud na sabi niya na kaagad humarap sa akin. "Si Alfredo anak, isang Mayor."
"Hello po." sabi ko at kumaway.
Kumaway lang din siya sa akin bago ngumiti, umupo ulit ako nang maupo sila silang dalawa na mag katabi sa gitna dahil mag sisimula na daw. Ngumiti ako nang pumunta ang babae sa gitna na sa palagay ko ay magiging emcee ngayon, naiinip na akong mag hintay kung kailan natapos dahil gusto ko nang umuwi.
"Happy fiesta, San Rafael! Magandang gabi sa lahat at lalong lalo na sa mga mahal namin na bisita," tinuro niya ang pwesto kung saan naka upo ang mga bisita. "I am honored to announce that our fiesta ng San Rafael will be memorable as the iconic band will open the night with their hit songs. Excited na ba kayo makilala sila?" malawak siyang ngumiti bago nag patuloy. "Actually, isa itong surpresa para sa lahat ng andito dahil masasaksihan natin ang bandang kina aliwan ng marami ngayon!"
Kumabog ang dibdib ko nang 'di ko inaasahan. Parang excited ako na kinakabahan kung sino ang bandang mag pe-perform ngayong gabi. Imposible naman na ang eclipse ang pupunta dito e... Ang layo nun.
"Sino kaya 'yan?" rinig ko sa gilid kaya binalik ko ang tingin sa stage.
"Taga San Rafael ready na ba kayo?!" pag sigaw niya. "Ladies and gentlemen let's all welcome the band, Eclipse!"
Halos mawalan ako ng hininga ng marinig ang pangalan ng banda. Kasabay ng pag tayo ko ay ang pag tunog ng gitara sa bago bumukas ang takip na kurtina sa stage at nakita ko kaagad ang limang lalaki na nakatayo hawak ang kanila-kanilang instrumento. Khaliel is here.
"Happy Fiesta, San Rafael!" pag sigaw ni Jeff.
Hindi ako maka lakad na imbis kanina pa sana ako tumakbo para hindi makita ni Khaliel, pero paano nangyari na nakatingin na pala ako sa mga mata niya habang siya ay seryoso ang mukha. Galit ba siya sa akin? Nag tataka ba siya bakit ako andito? Alam na niya ngayon na kilala ko ang mga Corvero dahil andito ako sa San Rafael.
Pinanood ko silang kumanta habang ako ay hindi nawala ang tingin ko sa kanya. Hindi ako maka alis-alis sa kinatatayuan ko dahil sa kaba na nararamdaman ngayon. Natapos nalang silang kumanta pero nanatili pa din ako sa kinatatayuan ko at hindi gumalaw.
"Venice."
Bumalik ako sa sarili ko nang tinawag ako ni Auntie kaya lumingon ako sa kanya. "A-A-Auntie," gulat akong napatingin.
"Umupo ka, kanina ka pa nakatayo. Hindi ka ba nangangawit dyan?"
Umupo ako ng dahan-dahan bago ko tiningnan ang mga lalaking nasa stage na ngayon ay bumaba na para puntahan ang mga tao. Paano na ako ngayon haharap kay Khaliel kung tatanungin niya ako kung bakit nag sisinungaling ako sa kanya na hindi ko kilala si Elias Corvero at kung bakit ako andito.
"Happy Fiesta! Happy Fiesta!" paulit-ulit na sigaw ng mga tao sa paligid ko.
Tiningnan ko ang pag upo nila matapos silang makipag interact sa mga tao na nasa paligid bago ulit mag salita ang emcee.
"Wow! Nagustuhan niyo ba ang kantahan ng Eclipse?"
"Yes!
"Yes? Alright, pero bago pa natin sila marinig ulit ay tawagin muna natin ang pinakamamahal na Congressman ng San Rafael na si Elias Corvero!"
Pumalakpak ang mga tao except sa akin. Ang mata ko ay tumingin sa mga mata ni Khaliel nang mag tama ang mata naming dalawa, nasa kabilang lamesa lang siya kasama ang mga ka banda niya.
Ngumiti siya bago nag iwas ng tingin at napunta iyon sa harap ng stage. Hindi ko makita ang tanong sa mga mata niya kaya natatakot ako na baka sabihin ni papa ang pangalan ko sa maraming tao at marinig ni Khaliel.
"Magandang gabi, San Rafael! Grabe para naman tayong nasa isang concert dahil sa kantahan ng minamahal nating mga bisita, na bumiyahe pa talaga ng ilang oras para mapag bigyan lang tayo ng magagandang kanta. Alam niyo naman ako, hindi talaga mahilig sa mga ganitong pa kantahan pero nang makita ko ang anak kong si Venice na andito ngayon," tinuro niya ang pwesto ko kaya gulat akong tumingin sa kanya. "Na tuwang-tuwa habang nakikinig ng mga kanta sa bahay ay napaisip kaagad ang inyong Congressman na mag imbita kaagad ng ganitong banda sa fiesta ng San Rafael."
Para akong na buhusan ng malamig na tubig nang matapos si papa mag salita. Nag tama ulit ang mata namin ni Khaliel bago ako umiwas dahil sa takot na makita ang tanong niya sa mga mata na hindi ko masagot. Nang bumaba si papa ilang minuto ay nag simula na kaagad sila sa mga activities, kasabay nun ay ang pag lapit nila Khaliel sa pwesto namin kaya mas lalo akong kinabahan.
Ang kamay ko ay puno ng pawis habang papalapit sila sa pwesto namin. Ayoko naman na mahalata kay papa pero hindi ko talaga kaya na humarap kay Khaliel sa ngayon dahil alam kong galit siya sa akin.
"Happy fiesta, Congressma!" sabi ni Jeff kay papa bago sila nag shake hands.
Ganun din ang ginawa ng ilang members kay papa at sa ibang mga tao pa lamesa habang abala ang emcee sa pag bibigay ng instructions para sa activities na gagawin. "Thank you, thank you sa pag punta. Sa susunod ulit." ngumiti si papa na kausap ni Jeff.
Nakayuko lang ako sa gilid katabi ni Auntie dahil nasa dulo naman ako ng lamesa habang si Auntie naman ang nasa tabi ko. Tumayo si papa at lumapit siya kay Auntie kaya napatayo din si Auntie dahil sa pag lapit ni papa sa kanya.
Tumingala ako at tiningnan si papa na tinawag si Jeff kaya umiwas ako ng tingin. "This is my wife, Christal, Jeff at siya pala 'yung naki-pag usap sa inyo noong isang araw buti nga at pumayag naman kayo."
"Oh, ikaw pala 'yung sabi ng manager namin nice to meet you po, ma'am. By the way, I'm Jeff ma'am. "
"Naku natutuwa ako dahil pumayag kayo dito, sana ma imbita namin ulit kayo."
"Oo nga pala, Jeff. My only daughter, Venice hali kayo ipapakilala ko kayo dahil mahilig din 'tong batang 'to sa mga kanta."
Tumingala ako at nakita ko ang pag lapit ni Khaliel sa pwesto ko kaya tumingin ako kay papa. Sa oras na 'to ay wala na akong kawalan pa kundi ang bumitaw nalang sa kanya dahil alam kong hindi din naman niya ako matatanggap. Isa akong anak ng Corvero at hindi niya 'yon gusto dahil ayaw niya sa mga Corvero. Ngayon, tatayo ako at mag pa-panggap na ngayon ko lang siya nakilala.
Tumayo ako at inabot ang kamay ni Jeff na kanina pa nakalahad sa akin. "Hello Venice, nice to meet you, again."
"Mag kakilala kayo ng anak ko? Naku bakit ngayon niyo lang nasabi."
"Magka-"
"Nanood po kasi ako ng concert nila, pa." pag putol ko sa sinabi ni Ralph na nasa likod ni Jeff.
Gulat na tumingin si Jeff sa akin pero hindi ko 'yun pinansin. Si Khaliel na tahimik lang sa gilid habang nakikinig sa usapan habang ang mata niya ay nasa stage. Bakit hindi na siya tumingin pa sa akin ngayon, galit na ba siya dahil sa pagsisinungaling ko sa kanya? Hindi na nagtanong si papa pa tungkol sa sagot ko, buti nga lang ay nag paalam kaagad sila kaya nakahinga ako ng malalim.
Nang matapos ay kaagad na nag pa hatid ako sa bahay, hindi na din ako nag paalam pa kay papa dahil may kausap pa din siya. Nag lakad-lakad ako sa kwarto dahil hindi mapakali sa nangyari, paano ako mag papaliwanag nito kay Khaliel na ngayon ay alam niya na kung sino talaga ako. Matapos kong mag bihis ay kinuha ko ang cellphone at binuksan ang convo namin. Hindi ako nag reply sa huli niyang chat at wala na din siyang dinagdag pa kaya nag dadalawang-isip ako kung mag so-sorry ba ako sa kanya.
Namamaga pa tuloy 'yung mata ko dahil sa kakaiyak, paano ba naman parang binugbog ako sa sakit nang makita ko si Khaliel na hindi na tumingin pa sa akin kahit na nasa harapan pa niya ako. Ngayon pa talaga ha! Akala ko ay ako ang unang maka pagsabi sa kanya na anak nga ako ng mga Corvero pero naunahan niya ako. Wala nga talaga akong kawala kundi tanggapin na hindi talaga kami pwede dahil ayaw niya sa papa ko at alam ko din naman na ayaw din ni papa na magkaroon ako ng boyfriend.
Matagal ko nang tanggap na dito talaga kami pupunta, kahit mahal ko na siya pero hindi talaga pwede kaya mas lalong masakit dahil hindi ko ma ipag-laban. Paano ko ba ilalaban kung ayaw na din ni Khaliel sa akin. Napakalaki ng kasalanan ko sa kanya pero tinanggap ko na hindi niya na ako gustuhin pa.
Hindi ko alam kung paano ko siya kakausapin, nahihiya ako sa kanya at nasasaktan ako. Kung sinabi ko kaya noon pa na anak nga ako ng politikong hindi niya gusto, tatanggapin niya kaya ako?
khaliel_cruz
Mag-uusap tayo.
Tumunog ang cellphone ko habang nasa sofa naka upo. Nag dadalawang isip ako na tingnan kung re-replyan ko ba siya. Natatakot ako na baka sabihin niya sa akin na iiwas na siya, iiwan niya na ako. Iiwanan na talaga ako ni Khaliel.