CHAPTER 30

1932 Words
"Venice!" Agad akong tumakbo dahil sa lakas ng sigaw niya. Hawak niya ang bibig niya at lumaki 'yung mata na parang nakakita ng multo. Hindi ko makita kung sino ang taong nasa labas dahil si Mikka lang naman ang hinintay namin pero nag tataka ako kung bakit ganun ang reaksyon ni Chris. "Sino ba-" natigil ako nang makita kung sino ang andito. Ang lalaking naka suot ng salamin, green sweater ay nasa pintuan ko ngayon nakatayo. "Khaliel?" tanong ko nang makita siya. "Omg, totoo nga," napasinghap si Chris na tumingin sa lalaki. "Anong ginagawa mo dito?" "May kasama ka pala," tumingin siya sa akin na nakangiti. "Hi, I'm Khaliel." nilahad niya ang kamay sa kaibigan ko kaya napatingin si Chris doon. "Chris." masaya niyang tinanggap ang kamay ni Khaliel bago siya tumingin sa akin na lumaki ang mata. "Venice!" nagulat ako nang makita sa likuran ni Khaliel na nag tataka ang itsura. Kasabay nun ay ang pag lingon din ni Khaliel sa kanya kaya nagulat siyang tumingin sa lalaki. Gulat siya dahil ang akala niya mga biro ko lang 'yung mga pinagsasabi ko sa kanila, pero hindi. "Pumasok ka muna," nakangiti kong sabi kay Khaliel pero nag dadalawang isip siya na pumasok kaya hinatak ko ang kamay niya papunta sa loob. Gulat ang dalawang kaibigan ko sa ginawa pero hinayaan ko sila dahil andito si Khaliel. "Busy ka ba." "Hindi naman, patapos na din kami." sabi ko nang maupo kasama siya. Ang dalawang kaibigan ko ay dahan-dahan na lumapit sa pwesto namin bago sila umupo sa isa pang sofa sa gilid. "Hindi mo kasi ako nireplyan kaya pumunta na ako dito." mahinang sabi niya na sakto lang na maririnig. "I'm sorry, hindi ko kasi tiningnan 'yung phone ko kanina lang. Oo nga pala, si Mikka at Chris mga kaibigan ko." tinuro ko ang dalawang tao na naka upo lang na parang bata na pinagalitan. "Sorry, hindi ko naman alam na pupunta ka dito na andito sila." "It's okay, Venice." Narinig ko ang mahinang pag ubo ni Chris kaya napatingin ako sa kanya. Tumingin siya sa isang kamay ko na hawak pa rin ang kamay ni Khaliel kaya dali-dali ko itong inalis dahil sa hiya. Hindi ko pala naalis 'yung kamay ko kanina lang. "Si Khaliel, kilala niyo naman siya 'diba?" "Mag ano kayo?" "Ha?" "Kayo na ba?" Excited si Chris na nagtanong habang si Mikka ay nag hihintay lang na sumagot si Khaliel. Hindi ko naman pwedeng sabihin na kami na dahil hindi naman kami at walang kami. Close lang kami at nag yayakapan sa isa't isa pero hindi pa talaga official na kami na. "Hin-" "Kami na. Pasensya na, ngayon niyo lang ako nakilala." gulat na tumingin ako sa kanya pero nakangiti lang siya sa akin habang hawak ang isang kamay ko. Nakita ko silang tumango-tango lang, hindi ko naman alam na sasabihin 'yon ni Khaliel sa harapan nila. "Wow, congrats." nakangiti na sabi ni Chris. "Don't worry, hindi ko pababayaan si Venice kung 'yun ang inaalala niyo-" "Naku! Ano lang, okay na kami sa'yo dahil gusto ka naman ni Venice kaya aalis muna kami, ha?" tumingin siya kay Mikka. "Tara na," tinapik ni Chris si Mikka na pinipigilan lang niya ang ngiti bago kinuha ang mga gamit. Nang makatayo na si Mikka ay ngumiti sila sa akin bago nag paalam kaya kaming dalawa ni Khaliel nalang ang natitira sa loob. "Walang tayo, Khaliel kaya 'wag kang ano dyan." inirapan ko siya at umusog kaunti. Narinig ko ang pagtawa niya kaya liningon ko siya. Tumaas ang dalawang makapal na kilay niya at parang may sinasabi ang mata niya sa paraan ng pag titig niya sa akin. "Ayaw mo ba sa akin?" "Gusto," ngumuso ako at pinatong ang dalawang tuhod ko sa sofa bago humarap sa kanya. "Papayag ka ba na liligawan kita, Venice?" seryoso siyang inabot ang kamay ko kaya kinabahan ako. "Pwede kang humindi, Venice kung ayaw mo." Tiningnan niya ako nang madiin, parang umalis lahat ng mga bagay sa paligid ko at siya nalang ang natira. Lumilipad ako kasama siya sa mga ulap kung saan nawala ang takot ko dahil kasama ko siya. "Pumapayag ako." mabilis kong sagot. Hindi ako mag dadalawang-isip kapag tinanong niya ako, hindi man sigurado na mahal ko na siya pero sigurado akong gusto kong maging sa kanya. Gustong-gusto ko siya at sapat na 'yun para pumayag ako. Ngumiti siya at hinigpitan ang kapit sa kamay ko. Umayos ako ng upo nang dinala niya ang kamay ko sa labi niya. "I love you, Venice." Para namang kami na dahil may I love you na. Liligawan ba niya ako, o ano? "Sabi ko na nga ba mahal mo ako, eh!" ngumiti ako sa kanya kasabay ang pag iling ko. "Mahal kita, Venice. Hindi pa ba halata?" Nagulat ako sa pag sagot niya dahil hindi ko 'yon inaasahan, sigurado ba talaga siya sa akin? Humarap ako sa kanya para lang makita ang mukha niyang seryoso na nakatingin sa akin. Parang tumigil ako sa paghinga nang makitang dahan-dahan na lumalapit ang mukha niya sa akin bago ako tumingin sa mga labi niyang mapupula habang hinihintay siyang makalapit. Kumabog ang dibdib ko nang maramdaman ang pagtama ng mga ilong naming dalawa kaya tumingin ako sa mga mata niya. Wala siyang sinabi at tanging mababasa ko lang ay ang mga mata niyang nangugusap, na para bang nagtatanong kung papayag ba akong mahalikan. Hindi nag dadalawang isip na ipinikit ko ang mga mata kasabay na naramdaman ang mainit niyang labi sa labi ko. His lips is like a cotton that I would always want to touch. Kinuyom ko ang kamay ko nang naramdaman kong gumalaw siya kaunti, patuloy na kumabog ang dibdib ko at mas lalo pa itong kumabog nang gulamaw ang labi niya sa labi ko. Naka pikit pa rin ako habang mahina siyang gumalaw na para bang iniingatan niya ang aking labi sa paraan ng pag halik niya. Hindi ko binalik ang halik na binibigay sa akin dahil hindi ko alam kung paano ko gagawin sa kanya 'yon. Hindi naman sa hindi marunong dahil may naging ka halikan din ako dati sa bar pero isang beses lang 'yon. Hindi man siya ang unang lalaki na nahalikan ko pero parang pakiramdam ko ay iba siya, iba ang halik niya na binigay sa akin. Dahan-dahan na humiwalay ang aming mga labi bago ko unti-unti na binuksan ang mga mata ko. Nakita ko siyang seryoso na tumingin sa mga mata ko habang patuloy pa rin ang pag kabog ng dibdib ko. Inabot niya ng dahan-dahan ang buhok na nasa mukha ko at dahan-dahan na nilagay sa likuran ng taenga ko kaya pinabayaan ko lang siyang gawin iyon. Pinagmasdan ko ang itim niyang mata bago ko ma kumpirma na ang nararamdaman ko sa kanya ay hindi lang basta paghanga, ngunit mahal ko na rin siya. "Are you okay?" Bumalik ako sa sarili nang makita ang nag tataka niyang mukha, huminga ako ng malalim bago ako tumingin sa kanya na hawak na ang isang kamay ko. "I'm sorry, hindi ko napigilan," Hindi ko alam ang isasagot ko dahil kinabahan ako sa nangyari. Mahal ko na nga siya at sigurado na nga ako doon. "I-I'm okay." umiling ako. Huminga siya ng malalim bago niya binitawan ang kamay ko at umayos ng upo. "I... I want to... try to kiss you kanina kaya ginawa ko." paliwanag niya. Natawa ako sa sinabi niya, para siyang bata na nag papaliwanag sa akin. Iisipin ko tuloy na ako 'yung first kiss niya. "Liligawan mo talaga ako, Khaliel?" nakangiti kong sabi. "Liligawan kita hanggang sa sasagutin mo ako, Venice hmm?" "Pa-pag-iisipan ko muna." nauutal kong sabi bago ako umiwas ng tingin sa kanya. "Let's order food? O mag luluto ako? Anong gusto mo?" "Ikaw ang gusto ko," nakangiti kong sabi. Nagulat siyang tumingin sa akin, tinawanan ko lang siya at sinabing mag order nalang kami dahil ayokong mapagod siya. Habang nasa lamesa kami kumakain ay marami akong tinatanong sa kanya, sinasagot niya naman ako. "Buti nga naging kapitbahay kita. Bakit ka pala dito tumira, pwede ka naman sa pinakataas na floor?" "Kasi andito ka." mabilis niyang sagot kaya tumawa ako. "May naka kuha na sa gusto kong unit at isa pa masyadong mataas, natatakot ako sa height." "Same pala tayo! Takot ako sa height kaya dito nalang ako." malaki ang ngiti ko habang kumakain kaharap niya. Habang kumakain kami ay hindi nawala ang pag nakaw ko ng tingin sa mga labi niya, lumapat 'yan sa labi ko kanina... Parang gusto ko ulit siyang halikan ngayon, ha! Matapos kaming kumain ay nag paalam siya na uuwi dahil may rehearsal daw sila bukas, may gig sila ngayong linggo pero hindi niya sinabi sa akin kung saan kaya hindi ko nalang din tinanong. Tatlong araw nalang ay uuwi ako sa bahay, tawag ng tawag si Auntie sa akin kung uuwi ba talaga ako. Maaga akong nakarating sa bahay dahil maaga lang din akong sinundo ng Van na pina punta ni papa. Sinabi niyang ipa-pa-sundo daw niya ako kaya pumayag nalang din ako. Napag-isipan ko na pagkatapos ng fiesta ay kakausapin ko si Khaliel tungkol sa akin. Ayoko nang may itatago pa sa kanya dahil kapag mag tagal pa ay mas pala siyang magagalit sa akin kapag hindi ko pa sinabi. "Za, andito ka na." nakangiti na salubong sa akin ni ate Myrna. "Hello po, ate umuwi ba si papa?" Umiling siya habang may hawak siyang baso sa kamay, nag aayos pa siya ng pinag kainan dahil maaga pa naman at sa palagay ko ay kakatapos lang nilang kumain. "Hay nako, Za. Alam mo naman ang papa mo, may mga kailangan pang ayusin para bukas ng gabi. Kumain ka na ba? May pagkain pa dito upo ka muna." "'Wag na po, ate. Aakyat muna po muna ako sa taas, tapos na din po akong kumain." Sa bahay ni Khaliel ako kumain, maaga akong pumunta sa bahay niya dahil mag pa-paalam ako na hindi ako makakauwi mamaya at bukas, kaya pinag luto niya ako ng pancakes sa umaga bago ako pumunta dito. "Sige, Za." sabi niya bago ako pumunta sa taas. Malinis pa rin ang silid ko at parang hindi ito pinakialaman. Umupo ako sa kama bago ko kinuha ang cellphone na nasa bag ko at hinanap kaagad ang pangalan ni Khaliel. khaliel_cruz Sent a photo. See you! Nakakunot ang noo ko sa sinabi niya dahil alam niya naman na hindi kami magkikita mamaya dahil hindi pa ako uuwi. Naka zoom ang mukha niya sa picture at naka nguso kaya napangiti ako. zhravenice_corvero See you? Wrong send ka ata, Khaliel. Sino kaya'ng babae ang kinakausap mo, hmmm... khaliel_cruz Kausap ko siya ngayon. Napangiti ako kahit na nag tataka sa sinabi niya. Nag bihis kaagad ako at bumaba, hindi ko na siya nireplyan pa at nag react lang ako. Nang maka-baba ay naabutan ko si Auntie sa sala kaya lumapit ako sa kanya. "Oh, andito ka na, Za. Buti naman maayos ka nakarating. Sasabihin ko sa papa mo na andito ka na, busy kasi siya ngayon para bukas." "Uuwi po ba siya ngayon, Auntie?" umupo ako sa sofa at pinag krus ang dalawang paa. "Naku, bukas pa ang uwi niya, Za. Baka bukas na din kayo mag kikita." "Ganun po ba... babalik nalang muna po ako sa itaas, Auntie." Bumalik ako sa itaas at humiga bago ko kinuha ulit ang cellphone ko. Na mi-miss ko agad si Khaliel, ha. Bakit ganito. Nawala tuloy ang pagod ko sa byahe habang tinitingnan ang bago siyang story. Isa iyong black and white picture ng gitara at sa gitna ng gitara ay may naka sulat na, don't worry, baby.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD