"Venice,"
Agad akong humarap sa kanya, nakapikit pa rin siya pero nag sasalita siya kaya lumaki ang mata ko. "Khaliel? Ayos ka lang ba?"
Inalis ko ang bimpo sa noo niya at nilapat ko ang palad sa noo niya para I check. Hindi na siya masyadong mainit kompara kanina kaya binalik ko ulit ang bimpo sa noo niya. Hindi na din siya nag sasalita kaya umupo nalang ako sa tabi niya habang hinintay siyang magising.
"Ang gwapo mo naman crush kahit tulog." sinuklay ko ang buhok niya na pinagmasdan lang siya habang pikit ang kanyang mga mata.
Ang gwapo niya pagmasdan.
Hindi ko namalayan na nakahiga na pala ako sa kama niya habang ang kamay ko ay nasa buhok niya pa din. Tanaw ko ang matangos niyang ilong mula sa gilid kaya kinuha ko ang kamay ko na nasa buhok niya at ginawa kong unan. Tahimik ang paligid kaya medyo naramdaman ko na parang may sumabit sa taas ng mata ko, habang pinagmamasdan siya ay hindi namalayan na nakatulog na pala ako.
Dahan-dahan kong binuksan ang mga mata ko nang marinig ang tunog ng pintuan kaya nang mabuksan ko ang mata ko ay nakita ko siyang papunta sa kama. Nag mamadali akong bumangon at nilibot ang tingin sa paligid bago ko binalik ang tingin sa kanya. Gulat na tiningnan ko siya nang lumapit siya sa kama at umupo sa dulo nito. Inayos ko ang buhok ko dahil alam kong magulo ito.
Nasa kama niya pa rin ako na nakaupo habang siya ay nasa dulo. Tiningnan ko ang kumot na nakapatong sa katawan ko kaya inalis ko kaagad ito bago ko siya tiningnan na pinagmasdan lang din ako. "Kanina ka pa pumunta dito?" mahina niyang tanong.
Hindi ko naman pwedeng sabihin na ngayon lang dahil nakatulog ako. "Anong oras na? Sorry, hindi ko namalayan na nakatulog na pala ako dito."
Umalis ako sa kama at tumayo. Tiningnan ko siya na seryoso na tumingin sa akin bago siya tumayo at humarap sa akin. "Seven, Venice."
Lumaki ang mata ko na inabot na pala ako ng gabi dito, at isa pa ilang oras akong nakatulog sa kwarto ng lalaki. "God, ginising mo sana ako. Okay ka na ba? Bakit ka lumabas?" humakbang ako papunta sa kanya para maabot ang noo niya.
I tiptoe para maabot ang noo niya kaya nang lumapat ang palad ko sa noo niya ay ngumiti ako dahil hindi na siya mainit. "Maayos na ako, Venice." hinawakan niya ang kamay ko para alisin sa noo niya at hindi na binitawan pa 'yon. Dinala niya ako sa labas habang hawak niya ang kamay ko at kaya hindi ako nakapalag.
Tahimik kaming lumakad papunta sa kusina niya na hindi nagsasalita. Nang dumating kami sa tapat ng lamesa ay huminto siya at hinatak ang isang upuan bago ako hinila para maupo. Sumunod ako sa kanya na gulat siyang tiningnan. Tumingin ako sa kanya na tahimik na kumuha ng mga plato at nilapag 'yon sa lamesa. "Hoy! Umupo ka nga dyan ako na." tumayo ako nang maalala na may sakit pala siya.
Tumingin siya sa akin habang kakalagay niya lang ng plato kaya napatigil siya. "Maayos na nga ako, Venice. Umupo ka dyan," utos niya sa akin kaya sumimangot ako na sumunod sa kanya.
Pinag krus ko ang braso ko nang maupo siya, may pasta na nasa lamesa. "Nag luto ka ba?"
"In-order ko lang 'yan, kumain ka na o papakainin kita?"
"Ano ba 'yan! May sakit ka na nga nang lalandi ka pa!" sabi ko at inabot ang sandok ng kanin bago nilagyan ang plato ko.
Tumingin ako sa kanya na ngumiti kaya tinaasan ko siya ng kilay. Nang mapansin niya 'yon ay kaagad siyang sumeryoso at umiwas ng tingin kaya nag patuloy ako sa pag kuha ng pagkain sa lamesa.
Tahimik akong kumain at hindi na din naman siya nagsasalita. Matapos ay ako ang nag hugas ng mga plato, hindi pa siya pumayag kaya pinagalitan ko siya dahil ayaw makinig.
"Okay ka na ba dito mag-isa?" tanong ko nang umupo ako sa sofa katabi niya. "I-I mean, maayos ka na ba?"
Tumango siya at humarap sa akin. "Thank you, Venice. Salamat sa pag-aalaga." mahina niyang sabi kaya kinilig ako pero tinago ko lang.
"Ano ka ba! Wala 'yon, ikaw naman! Uuwi na ako ha?" tumayo ako na ngumiti sa kanya at tinuro ang pinto.
"Pwede ka naman dito na matulog, kung gusto mo lang," lumaki ang mata niya at nag panggap na parang hindi niya sinabi iyon bago tumayo. "Good night, Venice,"
"Good night, Khaliel see you tomorrow."
"Tomorrow? Pupuntahan mo ako dito bukas?"
"Bakit, ayaw mo ba?" tumaas ang kilay ko.
Ngumiti siya at yumuko bago niya pinulupot ang braso niya sa akin kaya nagulat ako sa ginawa niya. Gulat ang mukha ko na nasa dibdib niya pero hindi ako gumalaw dahil gusto ko ang ginagawa niya, gusto ko ang mga yakap niya. "Gusto, gusto kitang makita bukas."
Ngumiti ako at binalik ang yakap sa kanya, hindi gumalaw ang ulo niya na nasa balikat ko kaya ngumiti ako lalo. "I love you," bulong ko sa kanya.
Hinawakan niya ang balikat ko at hinarap niya ako, lumaki ang mata niya na nakangiti na kunot ang kilay. "What did you just say?"
Ngumiti ako sa kanya bago tinuro ang pinto na dapat at kanina pa ako andun. "I mean, I need to go," sabi ko at tumalikod sa kanya.
Narinig ko ang pag tawa niya kaya nahiya ako, sumunod siya sa akin hanggang sa makarating ako sa pintuan bago ko 'yon buksan. "Good night." yumuko ako nang nasa labas na ako ng pintuan niya habang hawak ng kanang kamay niya ang pinto.
"Good night. I love you too, Venice." sabi niya na nakangisi kaya nag mamadali akong tumakbo papunta sa unit ko dahil hindi ko kaya ang kaba na nararamdaman ko dahil sa sinabi niya.
Nang makapasok ay agad akong pumasok sa kwarto at humiga, pinagsisipa ko ang hangin na tumili dahil sa nangyari kanina. Gustong-gusto ko ang pagka yakap niya sa akin kahit na hindi naman kami. Hindi pa.
"I love you!" paulit-ulit kong sabi sa sarili ko na tumili.
Kinabukasan ay maaga akong gumising, pagkatapos kong kumain ay dumeresto agad ako sa unit niya bago pumasok. Naka bihis na ako kaya pagkatapos pumunta sa kanya ay papasok kaagad ako. I-che-check ko lang siya kung okay na siya ngayon dahil kahapon nawala naman ang lagnat niya. Kumatok ako paulit-ulit sa pintuan niya dahil hindi siya nag bukas. Hanggang sa tumambad nalang sa akin ang naka tuwalya niyang katawan kaya nag mamadali akong tumalikod.
"Bakit ka ba ganyan?! Mag bihis ka nga." nakatalikod kong sabi kaya narinig ko siyang tumawa.
"Gusto mo naman," bulong niya pero narinig ko. "Good morning!" sabi niya kaya dahan-dahan akong humarap. "Ano 'di ka ba papasok?"
Dahan-dahan akong pumasok sa unit niya habang siya ay dumeresto sa kwarto, umupo ako sa sofa para hintayin siya na maka balik. Nang makabalik siya ay may suot na siyang damit kaya tumayo ako at hinarap siya. "Bakit ka naligo? Baka bumalik 'yung lagnat mo."
"Mas gusto ko nga dahil inaalagaan mo ako, eh. Papasok ka ba ngayon?"
"Hindi ba obvious? Naka uniforme nga ako, 'diba?"
Pinasadahan niya ako ng tingin mula ulo hanggang sa tuhod bago siya nagpakawala ng buntong hininga. "School girl ka na ngayon, ha? Hindi ka na ba club girl?"
"Ano?!" nakakunot noo kong tanong.
"Nothing. Let's eat breakfast?"
"Tapos na akong kumain, aalis na ako kaya kumain ka ng marami. Uminom ka pa rin ng gamot dahil naligo ka, at huwag ka munang umalis." tinuro ko siya bago ako tumiyad para abutin ang noo niya pero bago ko maabot 'yun ay hinawakan niya ang palapulsuhan ko.
"I'm okay, Venice." seryoso ang mukha niya na humawak sa palapulsuhan ko.
Tahimik ako na binawi ang kamay ko pero hindi niya pinakawalan at hinila ako papalapit sa kanya kaya lumaki ang mata ko nang nakalapit. "Bitawan mo ako. Ma la-late na ako, Khaliel." seryoso kong sabi sa kanya.
Tumingala ako sa kanya kaya nag tama ang mga namin, pinasadahan niya ng tingin ang bawat parte ng mukha ko kaya napalunok ako nang tumigil siya sa labi ko. "Hahalikan kita dyan, eh." tumawa siya bago niya binitawan ang palapulsuhan ko at lumayo ako sa kanya.
"Hindi mo kaya," I tease him.
Humawak siya sa bewang niya at umiling na natawa. Gusto niya pala ng landian, ha! "Gusto mo yata ma try." ngumiti siya.
Dahan-dahan siyang lumapit sa akin kaya napaatras ako, gulat na tiningnan ko siya bago niya hinila ang kamay ko at niyakap ako ng mahigpit. Nagulat ako nang dumampi ang labi niya sa noo ko kaya tumingin ako sa kanya. "Sagutin mo na kasi ako," bulong niya sa taenga ko kaya agad itong nag init bago ako bumitaw.
"Paano kita sasaguti-" tumigil ako nang tumunog ang cellphone ko kaya nang tingnan ko ay tumunog ang alarm. Oras na para umalis na ako dahil kung hindi ay ma la-late na ako. "Alis na ako, Khaliel mamaya nalang." sabi ko at nag mamadaling pumunta sa pintuan na hindi na siya pinasagot pa
Nang dumating ako ay halos lahat ng classmates ko ay andito na. Umupo nalang ako sa tabi ni Chris dahil wala pa naman ang professor namin para sa unang subject.
"Ba't ang tagal mo?" tanong ni Mikka ng maupo ako.
"Nag usap pa kami ni crush." bulong ko na nakangiti kaya agad siyang natawa.
Ayaw nila na maniwala kahit na ilang beses na ding sinabi ni Shane sa kanila pero ayaw pa rin. Gusto yata nilang ma meet si Khaliel na kasama ako para maniwala sila, eh.
Nang uwian ay dinala ko ang laptop ni Chris dahil pupunta daw siya sa unit ko para tapusin ang project namin. Hindi tuloy ako makakapunta kay Khaliel mamaya dahil pupunta si Chris!
Dumeresto lang ako sa unit ko at hindi na dumaan pa sa kanya. Nagugutom ako kaya nag order nalang ako ng pagkain bago nag bihis. Pagkatapos ay nag linis muna ako ng loob ng bahay dahil nakakahiya naman na makalat ang unit, pupunta pa naman dito si Chris.
"Tagal mo, ha! Kanina pa ako nag hihintay sa 'yo." pinapasok ko siya nang makarating siya sa unit.
"Sobrang init, sis! Ano ka ba alas dos pa naman, oh." tumingin siya sa relo niya bago umupo sa sofa.
"Anong oras ka ba uuwi?"
"Pauuwiin mo na 'ko agad? Okay ka lang ba? Kakarating ko lang, oh. Baka alas seite na, dito muna ako."
Alas seite? Hindi na ako makakapunta kay Khaliel kung ganun. "Tatapusin na natin 'to ngayon para makauwi ka na." tumabi ako sa kanya at ngumiti.
"Sure ka ba? Hindi naman 'to matatapos ngayon, sis! At isa pa, bakit atat na atat lang pauwiin ako, ha?" kunot niyang sabi.
"Pupunta ako kay crush." sumandal ako sa sofa at ngumiti.
"Gago ka talaga, sa'n naman ba 'yung gig nila?"
"Walang event si Khaliel dahil may sakit siya, sa bahay niya ako pupunta okay?"
Tumawa siya at umiling, pinabayaan ko lang siya dahil alam ko na akala niya binibiro ko lang siya. "Halika na nga, tapusin na nga natin 'to."
Nag tulungan kami hanggang sa umabot ng alas singko, hindi pa din namin matapos-tapos kaya napag desisyonan muna namin na mag pahinga. Kumuha ako ng pagkain bago ako bumalik para may ma kain-kain naman kami para hindi magutom dahil sa dami pa naming tatapusin.
"Masakit mata ko, Chris." sabi ko at hinubad ang sinuot kong salamin dahil kanina pa ako nakatutok sa screen ng laptop.
"Ano bukas nalang? Pagod na din ako, eh." tumawa siya at sumandal sa sofa.
Gumaya ako sa posisyon niya pero nang tumunog ang cellphone ko ay umayos ako ng upo. Pupunta pala ngayon si Mikka kaya nag chat siya kaya nang matapos kong mag reply ay agad akong bumalik sa dating posisyon.
"Papunta na siya?"
Tumango ako at hinilot ang ulo ko.
Tumunog ang doorbell kaya sinabihan ko si Chris na buksan muna dahil andyan na si Mikka, nakapikit lang ako bago ko marinig ang malakas na sigaw ni Chris kaya napatayo ako sa upuan.