"'Wag mo nang kausapin kasi, Chris. Masasaktan ka lang." sabi ni Mikka na hawak si Chris sa braso.
Nakatambay kami sa bench habang nakatingin sa lalaking may kasamang babae na papunta sa room. May girlfriend na nga talaga siya. Straight pala! Umiling si Chris at nag acting na naiiyak kaya tinawanan namin ni Mikka.
"Joke lang! Kayo naman akala niyo naman ubos na 'yung lalaki ko. Relax! Sa ganda kong 'to mauubusan ng lalaki? Sino ba naman sila para pag luksaan ko 'diba?"
"Correct ka dyan!" sabi ko at sumangayon naman si Mikka.
"Uuwi na tayo? Ang init pa, oh kung mag lalakad ka. Wala ka pang dalang payong. Ikaw kasi ba't di ka nag dala?"
"Nakalimutan ko nga e... at tsaka malay ko ba na ganito ka init ang paligid? Tara na sasakay nalang ako."
Sumakay ako ng trycicle matapos kong mag paalam kina Chris at Mikka, malalakad lang naman pero sa sobrang init ay hindi ko kaya. Habang nasa daan ay tumunog ang cellphone ko, nang makita ko ang pangalan sa screen ay kaagad na lumaki ang mata ko.
God, tumawag si Khaliel sa akin.
Huminga ako ng malalim bago ko sinagot. First time niyang tumawag sa akin ever kaya magiging first call 'to namin. "Hello?" simula ko.
Tahimik ang paligid at tanging pag hinga niya lang ang naririnig ko. "Hello Venice?" sa malalim niyang boses ay bumalot sa taenga ko.
Mahina ang boses niya at mukhang galing pa siya sa tulog dahil mukhang pagod ang kanyang boses. "Bakit ka napatawag?" tanong ko sa kanya.
"Pwede bang dumaan ka sa Drugstore?"
"Ha? Anong gusto mong ipabili?"
"Miss. Sa'n ka bababa?" tanong ni Kuya driver kaya napatigil ako nang lumagpas na pala ako.
"Ah, kuya sa drugstore po ako."
"Masakit 'yung ulo ko, pwede bang-"
"Okay, okay gets ko na!" sabi ko bago ko pinatay nang makita ko na ang Pharmacy sa gilid. "Sa tabi lang po!" sabi ko at inabot kaagad ang bayad bago bumaba.
"Gamot para sa sakit ng ulo po, Miss." sabi ko pagkadating ko sa pharmacy.
Binigyan niya ako ng Bio flu dahil para sa lahat daw 'yon kaya 'yon nalang ang binili ko. Matapos kong bumili ay kaagad na sumakay ako pabalik para mabigay kaagad kay Khaliel ang gamot at maka inom na siya. Nang makarating ako sa building ay kaagad na sumakay ako ng elevator at nag mamadali na lumakad nang huminto sa floor kung saan kami nakatira. Humarap ako sa pintuan niya at nag doorbell para mabigay kaagad sa kanya ang gamot pero kahit ilang beses na kong pinindot ay hindi niya binuksan.
Hinanap ko ang pangalan niya para I chat dahil ilang minuto na akong nakatayo dito sa labas.
khaliel_cruz
Kung hindi ko mabuksan, you can enter the code dahil baka makatulog ako.
Birthday ko.
Nang mabasa ko 'yun ay kaagad na nilagay ko ang birthday niya at nang mag bukas 'yun ay agad akong pumunta sa kwarto niya. Suot ko pa rin ang uniforme nang pumasok ako sa kwarto niya dahil hindi pa ako naka bihis nang dumeresto kaagad dito. Tahimik ang buong paligid ng bahay niya at mukhang nakatulog nga siya.
Dahan-dahan kong binuksan ang pintuan niya at sumilip, nakita ko siyang naka kumot na tulog. Pumasok ako sa loob at tiningnan siyang tulog habang pinag pawisan kahit pa ay malakas 'yung AC niya sa kwarto. Umupo ako sa gilid ng kama at nilagay ko ang bag ko sa baba bago ko pinagmasdan ang tulog niyang mukha. Dahan-dahan kong inabot ang noo niya dahil puno ito ng pawis, nang lumapat ang palad ko sa noo niya ay kaagad ko itong binawi dahil sa sobrang init.
"Nilalagnat ka?" pag tanong ko sa kanya kahit na alam ko naman na hindi siya sasagot.
Kinuha ko ang kumot na nakapatong sa kanya dahil sobrang init niya, naka suot lang siya ng puting t-shirt at halos basa na ito lahat. Hindi pa din siya gumising kahit na niyugyog ko na siya. Humanap ako ng tissue para punasan ang basa niyang noo, ayoko naman na tanggalin ang damit niyang basa dahil tulog siya.
"Hoy, andito na ako gising na."
Matapos kong punasan ang noo niya ay pinagmasdan ko ang labi niyang maputla, ang matangos niyang ilong hanggang sa umabot ako sa makapal niyang pilik mata at makapal na kilay. Hindi ko napigilan ang sarili ko at sunuklay ang itim niyang buhok, wala na siyang pawis ngayon kaya nawala na ang basa sa mukha niya. Dahan-dahan kong sinuklay ang buhok niya habang tinatawag ko ang pangalan niya para gumising.
Nakayuko ako habang nasa gilid ako ng kama niya, pinag patuloy ko ang pag suklay sa buhok niya hanggang sa napansin kong unti-unti na dumidilat ang mata niya kaya natigil ako sa ginagawa ko. Ang kamay ko ay naka pwesto pa rin sa buhok niya habang pinagmasdan ko ang pag bukas ng mata niya na kaagad tumama sa mata ko. "Khaliel," bulong ko bago ko tiningnan ang kamay kong nasa buhok niya at kaagad na inalis 'yon.
Medyo pula ang mata niya na tumingin sa akin, nilibot niya ang mata niya sa paligid at bumalik ulit sa akin. Agad akong tumayo at kinuha ang tubig na nasa lamesa at gamot na binili ko sa kanya at inabot 'yon. "Ito na, ito na. Inumin mo 'to." utos ko sa kanya.
Gumalaw siya kaunti at tiningnan ang sariling katawan na wala nang kumot dahil inalis ko. Nilagay ko ulit ang tubig sa lamesa at ngumiti sa kanya. "Pinag pawisan ka kanina kaya inalis ko, hindi mo naman sinabi na may lagnat ka pala. Bumangon ka na para inumin na 'to at maging maayos ka na, kumain ka na ba?"
Tumango siya sa akin at dahan-dahan na umupo, tutulongan ko sana siya pero bago pa 'yon ay nakaupo na siya. Inabot ko ulit ang gamot at binuksan iyon bago ko inabot sa kanya na agad niya naman kinuha. Kinuha ko ang baso at inabot sa kanya at nang matapos na siyang uminom ay nag salita siya.
"Kanina ka pa?"
"Ngayon lang. Kumain ka na ba? Mag bihis ka muna, sobrang basa ng damit mo."
Tumango siya sa akin at akmang aalis na siya sa kama ay agad kong pinigilan. "Dyan ka na, dyan ka na! Ako na kukuha ng damit mo baka matumba ka pa."
Hindi niya ako napigilan nang pumunta ako sa cabinet niya at nag hanap ng damit. Hindi ako makahanap ng damit niya dahil halos mga pulo ang laman kaya nang mapansin niya ako ay nag salita siya. "Nasa kabila, Venice."
Agad kong binuksan ang kabilang cabinet at nag hanap ako ng manipis na damit bago bumalik sa kanya. "Okay na ba 'to?" tinaas ko puting damit sa kanya.
Agad siyang tumango kaya inabot ko sa kanya 'yon, pumunta ako sa gilid ng kabilang kama para kunin ang bag ko at lalabas dahil mag bibihis siya pero pinigilan niya ako. "Can you help me?" sabi niya kaya lumaki ang mata ko na nilagay ulit ang bag ko sa baba.
Sumunod ako sa kanya at pumunta sa kabilang pwesto ng kama kung nasaan siya. Nilagay niya ang damit sa gilid ng kama bago dahan-dahan na hinubad ang damit niya kaya umiwas ako ng tingin ng naagat 'yon. "Can you help me, Venice?" ulit niya.
Agad na lumaki ang mata ko na tumingin sa kanya, tumingin lang ako deresto sa mukha niyang nakatingin sa akin habang ang damit niya ay nasa dibdib pa lang. Tinulungan ko siyang iangat ang damit niya hanggang sa mahubad na 'yon. Kinuha niya ang damit sa gilid bago ang mata ko napunta sa hubad niyang katawan na kaagad kong inalis.
"Pinatulong mo pa talaga ako, may kamay ka naman." sabi ko at binato sa kama ang basa niyang damit.
Inayos niya ang bagong suot niyang damit at humarap sa akin. "Masakit 'yung braso ko."
"Bakit anong nangyari?" umalis ako sa tapat niya at pumunta ulit sa kabilang pwesto bago ko kinuha ang bag ko.
"Nag buhat ako ng malaking maleta kahapon para ayusin."
Ayan na naman siya sa palusot niyang hindi niya malusutan.
"Kumain ka na ba? Uuwi na ako kung kaya mo na, babalik lang ako dito mamaya. Mag bibihis lang ako."
Tumingin siya sa akin bago niya tiningnan ang suot ko. "Hindi ka pa umuwi? Hindi ka pa kumain?" nag alala niyang tanong.
"Tinatanong kita niyan, wag mong ibalik sa 'kin. Kakain ako pag uwi ko."
"Sinagot ko na 'yan, Venice. May pagkain sa labas kumain ka na anong oras na."
Inutusan mo kasi ako.
Akmang tatayo siya pero agad ko siyang pinigilan dahil baka mahilo siya, hindi ko pa naman alam kung maayos ba siya. "Mag pahinga ka nga dyan. Sobrang init mo, pag balik ko dadalhin kita ng bimpo mag hintay ka lang dito." utos ko sa kanya kaya kumunot ang noo niya sa akin. "Ano?" pag tanong ko dahil hindi niya ako sinagot.
"Inutusan mo ba ako, Venice? Kaya ko ang sarili ko kaya kumain ka na dun."
"Wow, ha wala akong sakit. Ikaw 'yung may sakit kaya makinig ka sa akin." tinaasan ko siya ng kilay.
"At mag ka-kasakit ka kapag hindi ka nakinig sa akin, Venice." pag sagot niya sa akin. "I'm older than you kaya makinig ka, Venice."
"Fourty-seven na ako, Khaliel kaya makinig ka din sa akin." naka pambewang ko na sabi sa kanya kaya napangiti siya.
"You're just twenty, second year. Venice you forgot?" he chuckled.
"Aba, aba saan mo naman nalaman 'yan?" pinanliitan ko siya ng mata bago umupo sa tabi niya.
"Hindi na 'yon importante. Anong oras na Venice, kakain ka ba?" tumingin ako sa mata niya bago napunta ang mata ko sa labi niya. "Sige na, Venice." mahina niyang sabi.
Narinig ko pa ang pag tawa niya nang sinarado ko ang pintuan kaya uminit ang taenga ko doon.
Hindi ako sumunod sa sinabi niya na dito kakain dahil agad akong lumabas para pumunta sa unit ko. Parang pinigilan ko ang pag hinga ko nang makarating sa loob ng unit dahil bumilis ang pag hinga ko. Sa sobrang kilig na rin siguro kaya ganun ang naging reaction ko dahil sa kanya.
Nag bihis ako at pagkatapos ay nag hanap ng makakain, nang matapos kumain ay tiningnan ko ang sarili sa salamin at ngumiti. Para akong baliw na ngumiti sa salamin kaya kinuha ko nalang ang cellphone ko na nasa bag, alas tres pa naman at siguro ay natulog ulit siya ngayon. Nag dala ako ng chocolate na binigay niya sa akin bago ako bumalik sa unit niya, hindi na ako nag doorbell pa dahil alam ko na naman ang passcode niya at mukhang tulog nga siya ngayon.
Pumasok ako sa kwarto niya at tiningnan siya at tama nga ako dahil mahimbing ang tulog niya kaya nag hanap ako ng bimpo para ilagay sa noo niya. Hindi ko naman alam paano siya pagagalingin dahil kapag ako 'yung may lagnat ay umiinom lang ako ng gamot at ayos na ulit.
Nang malagyan ko ng bimpo ang noo niya ay umupo ako sa tabi niya, pinagmasdan ko ang pagtulog niya bago ko napag desisyonan na lumabas dahil kakainin ko ang chocolate. Umupo ako sa sofa habang kausap si Shane sa kabilang linya, sinabi ko sa kanya ang nangyari at kilig na kilig naman siya nang I kwento ko.
Bumalik ulit ako sa kanya para I check siya, mahimbing pa rin ang pagtulog niya pero mainit pa rin ang katawan niya. Napatingin ako sa nag vibrate na cellphone sa gilid ng kama kaya tiningnan ko 'yon. Tumawag si Rex sa kanya kaya pinabayaan ko lang dahil ayoko naman na gisingin siya. Nang napatay ang tawag ay lumaki ang mata ko nang makita ang lock screen niya sa cellphone, kinuha ko talaga ang cellphone niya para matingnan ng maayos ang litrato.
Ang kuha na picture noong New Year sa veranda at ang ka-una-unahang litrato naming dalawa ay naka lagay sa lock screen niya. Kinilig ako nang tiningnan ang mukha naming nakangiti habang nakaharap sa camera, pinigilan ko ang kilig ko dahil baka magising pa siya kaya binalik ko ang cellphone sa lamesa.
"Venice," mahina niyang sabi kaya nagulat akong lumingon sa kanya.