Sabado ngayon at sa huling tatlong linggo na nandito ako sa loob ng unit at lalabas lang kung mag a-aral ay parang akong nakulong sa sobrang inip sa loob. Minsan ay dumadalaw kay Shane kasama si Chris dahil busy din si Mikka kaya kaming dalawa ang palaging naroon.
Hindi ako aalis dito sa loob ng unit dahil uuwi na si Khaliel mamayang alas tres ng hapon, ngayon ay alas dyes pa kaya nag linis ako ng bahay. Sa huling linggo ay palagi kaming nag cha-chat ni Khaliel kapag may oras siya dahil nga may tour sila at busy sa rehearsal. Palagi niya akong nilalandi kahit na huli ako ng reply dahil hindi naman tugma ang oras naming dalawa pero kahit na ganun ay okay naman kami.
Matapos kong mag linis ay lumabas ako para bumili ng makakain, nagugutom ako matapos mag linis kaya napag desisyonan kong kumain. Nang bumalik ako sa taas ay naka tanggap ako ng tawag galing kay Auntie kaya umupo ako sa sofa at nilagay ang pagkain na binili ko at sinagot iyon.
"Hello Auntie?"
"Venice, pinapaalala lang ng papa mo sa susunod na linggo, ha? Baka makalimutan mo."
Sa susunod na linggo na pala ang fiesta April 1 kaya uuwi muna ako sa San Rafael dahil 'yun ang napag usapan namin ni papa. "Opo, Auntie uuwi po ako pakisabi nalang kay papa."
Matapos 'yun ay pinatay ko ang tawag bago kinuha ang pagkain sa lamesa. Pina play ko ang music habang naka sandal sa sofa na kumakain, bumili ako ng pizza at dalawang milkshake. Humiga ako sa sofa at nag scroll-scroll sa phone ko, wala akong magawa sa mag hapon kung andito lang ako dahil mamaya pa naman ang uwi ni Khaliel kaya may ilang oras pa na hihintayin ko siya.
"Ang sabi mo uuwi si Khaliel, bakit ka andito?" sabi ni Shane na hinihimas ang tyan niyang lumalaki na.
Pinag krus ko ang braso ko at sumandal sa sofa. "Mamaya pa siya at naiinip na ako sa loob ng bahay. Hello po, Auntie!" dumaan si Auntie bumati ako.
Napag desisyonan kong pumunta kay Shane dahil hindi ko maubos-ubos ang binili kong pagkain dahil parang busog ako. Sa sobrang inip ay pumunta nalang ako sa bahay nila.
"Buti na pa dalaw ka, Venice."
"Hay nako, ma. Magulo talaga 'tong utak ng babaeng 'to ang sabi hindi siya pupunta tapos ngayon andito na."
"Naiinip lang po sa bahay, Tita buti nga at wala kayong lakad ngayon kaya may pupuntahan ako."
Sa bahay nila Shane ako kumain, nang mag alas dos ay umuwi lang din ako dahil dadating na si Khaliel. Nang makarating ako sa unit ay kaagad akong nag bihis dahil pinag pawisan ako galing sa labas. Hindi pa siguro dumating si Khaliel dahil hindi naman siya na chat sa akin na nakalapag na sila.
khaliel_cruz
Hey, nasa condo ka lang?
May chat siya sa akin 2 mins ago kaya lumaki ang ngiti ko, nakalapag na pala sila, ah! Agad akong umayos ng upo nag type para replyan siya.
zhravenice_corvero
Yep!
Ilang minuto pa matapos niyang mag seen ay narinig ko kaagad ang pag tunog ng doorbell kaya nag mamadali akong tumakbo papunta sa pinto. Nang buksan ko ay nawala kaagad ang ngiti ko nang makita ko si Chris na malaki ang ngiti sa akin.
"Ano? Bakit parang na dismaya ka nang makita ako?"
"Wala! Pumasok ka na nga! Ano bang ginagawa mo dito?"
"Wow, galit yarn? May dala akong inumin, oh! Inom tayo dahil broken si ako." sabi niya at tinaas ang dala niyang inumin na naka lagay sa supot na sa palagay ko ay binili niya lang sa baba.
"Ang pangit naman ng timing mo, Chris!" umupo ako katabi niya bago niya nilabas ang alak.
"Kumuha ka ng baso." utos niya kaya tumayo ako para pag bigyan siya.
"Alas dos pa Chris umiinom ka na? "
"Hindi na kasi tayo nakapunta sa bar kaya dito nalang!" sabi niya pagka abot ko ng baso.
Tiningnan ko lang siya na uminom, kinuha ko cellphone ko at tiningnan ko kung may reply na ba si Khaliel dahil seneen niya naman ako kanina. "Oh, ikaw naman." sabi niya at inabot ang baso sa akin.
Tiningnan ko lang ang baso na inabot niya dahil wala akong plano na uminom ngayon, dadating si Khaliel maya-maya lang at makikita niyang umiinom ako. "Ayoko, at tsaka ba't ka kasi broken? Pwede ka naman masaktan sa susunod na linggo na, 'wag lang ngayon okay? Sasamahan pa kita sa bar buong gabi kung gusto mo."
"At ba't ba kasi aligaga ka? Nagbago ka na talaga, Venice." pag iyak niya kaya tumawa ako.
"Ano ba kasi 'yun, Chris?"
"'Yung crushmate ko nakita kong may jowa na bosit! Para akong nahimatay nung hinalikan niya ang babae sa harapan ko, akalain mo sa harapan ko talaga!"
"Sabi ko naman sa 'yo, wala kang pag-asa dyan! 'Wag ka nga uminom iuwi mo nalang 'yan!"
Ininom niya ang binigay niya sa akin dahil hindi ko inabot, sumandal siya sa sofa kaya tiningnan ko siya sa bawat galaw niya. Ang tagal niya umuwi, dadating na si Khaliel ngayon. "Siya lang 'yung gusto ko, Venice! Pero kung hindi talaga pwede, wala naman akong magagawa 'diba?" pag tanong niya.
"Ewan ko sa 'yo, basta sa 'kin crush niya na ako."
"Ayan na naman siya!" nag patuloy siya sa pag inom at umayos ng upo. Inabot niya sa akin ang kaka lagay niya lang kaya tumingin ako doon. "Uminom ka kung totoo na crush ka talaga niya." sabi niya.
"Ayaw mo ba talaga maniwala? Bahala kayo." inabot ko ang baso na inabot niya sa akin at ininom kaagad 'yon.
Bigay ng bigay pa siya sa akin kaya napadami ako, hindi ko namalayan na paubos na pala 'yung bote sa kakabigay niya sa akin. "Umuwi ka na nga, Chris!"
"Uuwi na nga! Bukas ulit ha? Pakilala mo ako sa Khaliel mo kung totoo ba siya." pag tawa niya at tumayo.
Medyo hindi naman ako natamaan sa alak na inimom ko dahil matagal akong malasing. Hinatid ko siya hanggang sa elevator bago ako bumalik sa loob at nag mamadaling kinuha ang cellphone.
khaliel_cruz
Where are you?
Pauwi pa ako, umuwi akong bahay.
Ten minutes pa ang chat niya sa akin, akala ko kanina ay andito na siya pero dumaan pa pala siya sa bahay nila. Buti na lang dahil andito din si Chris kanina nakita pa siya kung nagkataon.
zhravenice_corvero
Nasa bahay nga.
khaliel_cruz
Galit ka?
zhravenice_corvero
Hindi.
khaliel_cruz
Tipid mo mag reply ngayon.
Hindi ko namalayan na sa kakahiga ko sa sofa ay nakatulog na pala ako. Nang gumising ako ay naamoy ko kaagad ang alak sa bibig ko kaya pumasok ako sa banyo at naligo. Pinulot ko ang cellphone ko habang nag to-toothbrush. Alas singko na pala ako nagising at napahaba pala ang tulog ko dahil na rin siguro sa alak na ininom namin ni Chris.
khaliel_cruz
Andito na ako sa labas.
Venice?
Hey.
Nang mabasa ko ay kaagad akong tumakbo sa kwarto at nag bihis, inayos ko ang itsura ko bago lumabas ng unit ko at pumunta sa tapat ng pinto niya. Huminga ako ng malalim at inamoy ang sarili kung may natitira bang baho ng alak. Nang nag doorbell ako ay maya-maya bumukas kaagad ang pinto at bumungad sa akin ang nakangiting mukha ni Khaliel.
Tumingin siya sa akin na nakangiti kaya ngumiti ako, hindi ko napigilan ang sarili at kaagad na yumakap sa kanya. Bukas pa ang pinto at hindi ko naramdaman ang pag balik ng yakap sa akin kaya kumalas ako. Nakita ko ang gulat na mukha ni Khaliel na tumingin sa akin, hindi siguro siya nag expect na yayakapin ko siya. "I miss you!" sabi ko sa kanya na nakapulupot pa rin ang kamay ko sa bewang niya.
Dinala niya ako sa loob habang ganoon pa rin ang posisyon namin, narinig ko ang pag sarado ng pinto at hindi kalayuan sa pinto ay niyakap niya ako pabalik kaya ngumiti ako dahil sa kilig. "Akala ko ba hindi mo ako na miss?" mahina niyang sabi sa taas ng ulo ko.
"Sabi mo na miss mo ako, kaya na miss rin kita." sabi ko na parang bata.
"Naka inom ka ba, Venice? Saan ka ba galing?" kumalas siya at tiningnan ang mukha ko.
"Naligo... sa bahay lang ako, no!"
Hinawakan niya ang kamay ko at dinala ako sa sofa, umupo kami doon habang hawak niya ang kamay ko. Hindi ko alam ang nangyari sa akin pero hindi ako nahiya na gawin ko sa kanya ang pag yakap kahit na alam ko ay hindi naman ako lasing.
"Uminom ka ba? At pagkatapos naligo ka?" tanong niya na nakatingin sa mata ko.
Tumango ako at kinuha ang kamay galing sa kanya. "Kaunti lang, sinamahan ko lang si Chris dahil broken."
"Who's Chris?" seryoso ang mukha niya.
"A friend? Gago bakla 'yon, Khaliel!" hinampas ko siya at natawa.
Wala namang kami pero ganito na ako ka clingy sa kanya, hindi din naman siya nag re-reklamo sa ginawa ko at basta nalang din akong pinag bigyan. Hinayaan niya lang ako na mayakap siya kahit na alam namin pareho na hindi pa naman ganun kalalim ang nararamdaman namin para sa isa't isa. Para sa akin hindi pa ganun.
"Naamoy ko 'yung alak galing sa 'yo." sabi niya.
"Naligo ako at nag toothbrush ako, no! Hoy, asan na 'yung chocolate ko?" pag iba ko ng topic dahil nahihiya ako.
"Hoy? May pangalan ako, Venice," Sabi niya at tumayo kaya sinundan ko siya ng tingin.
Inamoy ko ang sarili ko nang wala siya, nasa bibig ko pa rin talaga ang alak kahit na nag toothbrush naman ako. Nag halo ang toothpaste at alak sa bibig ko kaya nahiya ako doon. Nang makabalik siya ay may paper bag siyang dala sa kamay bago umupo sa tabi ko. "Here. Para sa 'yo." pag abot niya at nilagay ang malaking paper bag sa sofa.
Hinawakan ko 'yon at tiningnan dahil ang laki naman kung chocolate lang. "Akin 'to lahat?"
Tumango siya at ngumiti, "Sa'yo yan lahat, Venice." pag ulit niya.
Tiningnan ko ang laman ng paper bag at nagulat ako dahil klasi-klase ang chocolate na andun. May malaki at maliit kaya hinarap ko siya dahil andami, isa lang naman ang pinadala ko. "Sa 'kin talaga 'to? Bakit ang dami? Sure ka ba?"
"Sure ako pati feelings ko para sa 'yo, sure din 'wag kang mag alala." ngumiti siya at sumandal sa sofa bago pinag krus ang braso.
"Sus... humirit ka pa talaga, sabi ko naman sa 'yo crush lang kita."
"Edi crush, crush din naman kita." umiwas siya ng tingin at ngumiti kaya tiningnan ko siya na nakangiti din.
"Sa 'kin na 'to ha, sure na. Thank you, crush!" nag pa-pacute ako sa kanya bago kinuha ang malaking chocolate na parang laptop ang laki nito bago ko tinaas. "Magkano 'to?"
"If you're planning to pay 'wag mo nang tanungin, Venice. Binili ko 'yan para sa'yo." seryosong sabi niya.
"Wow, talaga? Kahit na hindi ko sinabi sa'yo?" ngumiti ako bago ko nilagay sa loob ulit ang chocolate na kinuha ko.
"Kahit hindi, kumain ka na ba? I'll order food."
Umiling ako at umayos ng upo. "Hindi pa pero sa bahay na ako. Pero kung gusto mo talaga akong makasama dito nalang ako total miss mo naman ako, 'diba?"
Tumayo siya bago hinawakan ang baba ko kaya nagulat ako sa ginawa niya, tiningnan ko lang siya na nakatingala sa kanya na gulat ang mukha. Lumakbay ang tingin niya galing sa mata ko at napunta iyon sa labi ko, nakita ko ang pag basa ng labi niya bago niya ako binitawan.
"Ang ganda mo," sabi niya bago pumunta sa pinto ng kwarto niya.
"Gusto mo lang talaga akong halikan, eh!" sigaw ko mula sa sofa.
Tumigil siya sa pag bukas ng pinto bago siya sumagot. "Kung pwede!" tumawa siya bago pumasok sa kwarto.
Nang lumabas siya ay tumabi siya sa akin habang busy na nag hahanap ng o-orderen, pina suggest niya ako kung anong gusto kong kainin kaya nang natapos ay nag kwentuhan kami sa nangyari sa tour nila hanggang sa dumating 'yung order.