CHAPTER 26

1951 Words
"'Yun ang sabi sa akin, Venice. Nag enjoy ako sa Cebu..." mahina niyang sabi. "And yes, maganda ka nga." Ngumiti ako sa kanya bago tumingin siya sa akin habang naka sandal siya sa sofa. "Alam ko Khaliel, maganda naman talaga ako kaya nga gusto mo ako 'diba?" pinatong ko ang mga binti ko sa sofa. "Gihigugma tika hindi lang gusto, Venice." ngumiti siya sa akin. "Paulit-ulit naman ang good morning, Khaliel! Malapit na mag alas nuwebe, oh." Tumawa siya bago umayos ng upo, umusog siya para makalapit sa akin bago niya kinuha ang kamay ko. "I like you, Venice and I will always say that to you." "Like mo nga ako? Talaga ba? Hindi mo pa ako love?" nakangiting tanong ko sa kanya at natawa kami pareho. "I love you!" sagot niya at hinalikan ang kamay ko kaya naramdaman ko ang pag kabog ng dibdib ko at ang mga paru-paro sa tiyan ko nang lumapat ang init ng labi niya sa kamay ko. "Mahal mo na agad ako? Grabe naman talaga ang ganda ko no?" tumawa ako bago kinuha ang kamay ko mula sa kanya. "Ikaw ba? Mahal mo na ba ako?" seryoso niyang sabi kaya umayos ako ng upo. "Crush nga kita!" tumawa ako kaya natawa siya. "Okay, crush mo nga ako." "'Diba aalis kayo para sa Us tour niyo? Kailan kayo aalis?" Kinuha niya ang kamay ko at pinag lalaruan iyon, pinabayaan ko lang siya habang nakaharap ako sa kanya. "Bukas pa 'yon, Venice. Bakit gusto mo bang sumama?" Umiling ako. "Hindi. Kailan naman kayo babalik?" Ngumiti siya sa akin at hinawakan ang baba ko kaya nagulat ako sa ginawa niya. Lumaki ang mata ko na tumingin sa mga mata niya at nag hihintayin sa susunod niyang gagawin. "Bakit? Ayaw mo ba na umalis ako?" Inalis ko ang mukha ko at umiwas ng tingin dahil unti-unti na pumunta ang mata niya sa mga labi ko. "Hindi ah! Tinatanong ko lang." Tumawa siya at tumayo, "Alright, Venice uuwi na ako. Mag aayos pa ako ng gamit." Tumayo ako at sumunod sa kanya na palabas habang nakangiti, tumigil siya sa pintuan at humarap sa akin. "Three weeks akong wala dito, Venice huwag kang masyadong uminom ha?" paalala niya. Umiling ako, "Hindi na kami umiinom," sabi ko at ngumuso na parang bata. He chuckle and give me a pat. "Pero hindi kita pinag bawalan, Venice. Ginawa mo ba dahil sa akin? 'Diba sabi ko sa 'yo kung masaya ka gawin mo basta 'wag mo lang pababayaan ang sarili mo." Ngumiti ako sa kanya dahil sa sinabi niya, concerned pala siya sa akin, ha! "Hindi ko ginawa dahil sa 'yo, Khaliel 'wag kang assuming, ha!" Tumawa siya at hinila ang kamay ko kaya napunta ako sa kanya, binigyan niya ako ng mahigpit na yakap kaya bumilis ang t***k ng puso ko. "Hindi ako assuming, Venice. Anong gusto mong dalhin ko sa 'yo pag balik?" sabi niya habang nakayakap pa rin sa akin, hindi ako yumakap sa kanya pero nanatili lang ako sa posisyon namin. "Chocolates, Khaliel more chocolates!" sagot ko. Bumitaw siya sa pagka yakap sa akin at hinawakan ang kamay ko at tumingin sa akin na nakangiti. "My baby wants more chocolates?" Kinuha ko ang kamay ko na tumawa. "Anong baby ka dyan! Mag ayos ka nga ng gamit mo!" tinulak ko siya kaya tumawa at binuksan ang pintuan. "'Yung chocolate ko, ha!" "Noted, Venice!" sabi niya at kumaway bago siya umalis sa pintuan kaya sinarado ko. Nang masarado na ay para akong baliw na tumatakbo sa loob at sumigaw sa kilig. Hindi pa rin nawala ang mga paru-paro sa tiyan ko at ang saya na nararamdaman kanina. Umagang-umaga ay pumupunta siya dito para landiin ako at gusto ko naman. Baby pala ha! Nagpatuloy ako sa pag susulat hanggang sa natapos na tanghali na, hindi ako pupunta kay Shane dahil matutulog ako mamaya. Wala naman akong gagawin bukas kaya naisip ko na mamasyal bukas dahil binigyan ako ni papa ng pera kaya gagamitin ko 'yon. Nagising ako na hapon na, alas kwarto na kaya bumangon kaagad ako at nag ayos. Dinala ko ang labahan ko sa labas para ipa laundry bago ako sumakay ng elevator para bumalik. Nang pumasok ako sa elevator ay nakasabay ko ang isa sa mga kabanda ni Khaliel kaya yumuko ako. Tabi ko siya sa loob at hindi ako nag sasalita o kahit na lingunin man siya ay hindi ko ginawa. Alam ni Jeff na natulog ako sa bahay ni Khaliel at kahit na hindi niya ako kilala ay alam kong nasabi na ni Khaliel sa kanila dahil sa paraan na pagkasabi ni Jeff. Nang bumukas ang elevator ay pinauna ko siyang lumabas bago ako, hininaan ko lang ang lakad ko hanggang umabot siya sa pintuan ni Khaliel at kaagad na nag bukas iyon. Hindi sana ako tutuloy at bumalik nalang dahil andyan si Khaliel at makikita nila ako, pero hindi ko na 'yon magagawa pa dahil nakita na ako ni Khaliel. Hindi ako tumingin sa kanila at deritso-deritso lang ako na lumakad papunta sa pintuan ko. "Venice." tawag niya nang nag pindot na ako ng passcode. Lumingon ako sa kanya at nasa labas na siya ng pintuan kasama ang ka banda niya. Kumaway ang lalaki sa akin kaya ngumiti din ako sa kanya. Lumapit si Khaliel sa pwesto ko na nakangiti. "Ipapakilala kita kay Jeff, okay lang ba sa 'yo?" Tumango ako at tumingin sa pintuan niya kung saan ang lalaki, kinuha niya ang kamay ko kaya sumunod ako sa kanya. "This is Venice, Je." sabi niya at binitawan ang kamay ko. "Hello Venice, Jeff." sabi niya at inabot ang kamay niya sa akin. Agad kong kinuha iyon at pagkatapos ay ngumiti ako sa kanya. "Nice to meet you, Jeff," sabi ko na nakangiti. Walang ibang tao sa paligid kundi kami lang, kaya pwede lang na mag usap kami total hindi naman kami ma-i-issue dito. "Ikaw pala 'yung sinabi ni Khaliel sa akin, balita ko fan ka ng Eclipse. Thank you sa pag supporta, Venice." Ngumiti ako at tumingin kay Khaliel na nasa gilid ko. "You're welcome," ang totoo naging fan ako dahil kay Khaliel. "Una na ako." turo ko sa pintuan ko dahil gusto ko nang umalis. Ngumiti ako kay Khaliel at kay Jeff, tumango sila at ngumiti kaya nag mamadali akong umalis at binuksan ang pintuan ko. Hindi pa naman kami pero pinakilala na niya ako sa mga ka banda niya, ha! Nang lunes ay maaga akong pumunta sa bahay ni Shane para I hatid ang pinabili niya bago ako pumasok. Lumipad na si Khaliel kahapon para sa kanilang Us tour at hindi kami nag kita dahil maaga ang lipad nila kaya nag chat lang siya sa akin. Nakikinig ako ng leksyon ni maam nang umilaw ang cellphone ko kaya agad kong pinulot, nakita ko ang message na galing kay Khaliel kaya binaling ko ang atensyon doon. khaliel_cruz Landed safely. Are you at school? Good luck! zhravenice_corvero Mamaya ka na, ha? Ingat ka dyan. "Miss Corvero, are you listening?!" nagulat ako sa taas ng boses ni ma'am kaya napa angat ako ng tingin. "Hoy, phone mo tago mo." bulong Mikka sa akin kaya kaagad kong nilagay sa bag ko. "Yes, ma'am!" Umiling siya at bumalik sa pag di-disscuss kaya nakinig ako sa kanya dahil baka tawagin niya ako. Kasalan talaga 'to ni Khaliel, eh... Nang maka uwi ako ay tsaka ko lang kinuha ulit ang cellphone ko, umupo ako sa sofa at pinatong ko ang dalawa kong binti habang naka sandal sa sofa. Tiningnan ko ang chat ni Khaliel kung nag reply ba siya dahil hindi ko na na check pa kanina. khaliel_cruz Sent a photo. Nag iingat ako para sa 'yo, Venice. Miss mo na ba ako agad? Nag send siya ng isang selfie picture niya kaya nag react ako, natawa ako sa joke niya dahil ang corny o ewan ko ba kung joke 'yon. zhravenice_corvero Joke ba 'yan?! Hindi kita ma miss, baka ikaw miss mo na ako:( Matapos kong mag reply ay nag bihis ako dahil hindi naman siya naka online, kumain ako habang kausap si Shane dahil tumawag siya kanina pagkatapos kong mag bihis. "Wala siya dito 'no." "Ano na ba kayo? Hindi pa rin naniwala 'yung isang babae at isang parang babae?" tanong niya na natatawa. "Hindi eh! Ayoko naman na ipakita ang Convo namin 'no para maniwala sila, bahala sila basta sinabi ko na." "Ipakilala mo kasi si Khaliel sa kanila para maniwala talaga. Swerte mo girl ha, si Khaliel na 'yan!" "Paano ko naman sila ipapakilala. Eh... hindi pa nga kami 'diba? Tsaka hindi kami gaano ka close para lang basta sabihan ko siyang I meet up sila Chris, no?" umiling ako at natawa nang ma imagine kung papayag ba kaya si Khaliel na ma meet 'yung kaibigan ko. "Bahala ka, Venice basta support lang ako sa 'yo ha?" Naligo ako matapos dahil sobrang init, matapos ay nanood ako ng live nila Khaliel sa Tv dahil may live sila na nasa hotel kaya pinag connect ko ang cellphone at tv para mas malaki. Nasa kama sila habang naka harap sa camera, tiningnan ko lang siya na nasa likod ni Jeff kaya nakatitig lang ako sa kanya habang nakikinig sa sinasabi ni John. "zha-zhra Venice underscore Corvero, ewan ko pa'no basahin 'yan! Basta she's watching!" pag basa ni Rex ng comment kaya napangiti ako nang makita si Khaliel na ngumiti. "A Corvero?" tumango-tango si John na may hinahanap sa screen. "Hello Venice!" sabi niya at kumaway. "Say hi, Khaliel, to Venice!" utos niya na tumawa. Nakita ko siyang nag dalawang isip kung babati ba siya o hindi pero sa huli ay bumati din siya. "Hi!" hindi ko alam kung para sa akin ba 'yun dahil wala naman siyang sinabi na pangalan. "Hello po, Rose!" pag basa ni Rex ng comment. Nang matapos silang mag live ay nakita kong may message na si Khaliel sa akin, dali-dali ko iyon na binasa bago nag reply. khaliel_cruz Baka ikaw miss mo na ako dahil nanood ka ng live:( zhravenice_corvero Say hi for me, Khaliel! Hindi mo binanggit ang pangalan ko:( khaliel_cruz ily:( Araw-araw naman kitang binabanggit sa utak ko, Venice. 'Wag ka nang magtampo:( zhravenice_corvero May I love you na? Akala ko ba crush mo lang ako? 'Yung chocolate ko, ah? Hindi na siya nag online pa pagkatapos nun dahil siguro nag rehearsal na sila kaya naintindihan ko na hindi naman sa akin niya ibibigay ang lahat ng oras niya.Napaisip ako na paano kapag nalaman niya na ako nga ang anak ng congressman at hindi na niya ako papansinin. Natatakot ako kapag sa oras na lalayo siya ay tsaka ko naman malalaman na hindi na pala crush lang 'yung nararamdaman ko sa kanya? Natatakot ako, natatakot ako na baka umalis siya at hindi ko na siya makakausap ulit dahil sa pag sisinungaling ko. Kaya naisip ko na sabihin sa kanya kapag makabalik na siya dito at kung lalayo man siya ay hindi ako ganun masasaktan dahil alam kong paghanga lang ang nararamdaman ko sa kanya. Sa ngayon. "Hoy! 'yung bibig mo, Chris! Pangalan mo Christian pero 'yung bibig mo hindi?" sabi ko sa tawag dahil pinagmumura niya ang isang teacher namin dahil sa binigyan daw siya ng tres. "Nakakainis kasi! Pero okay lang, Midterm pa naman!" pag bawi niya. Kanina pa talaga siya gusto kaming kausapin pero may katawag ako kanina eh si Shane at nag chat pa si Khaliel na bigla nalang din nawala. Matapos niya akong kausapin ay nakita kong nag react si Khaliel sa message ko at may bago siyang message ulit kaya agad kong binuksan. khaliel_cruz Bawal ba sabihin na mahal kita, Venice? Doon naman tayo papunta 'di ba? zhravenice_corvero Pwede naman. I love you nga din, eh!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD