Ngumuso ako sa kanya dahil inubos niya ang bigay ni Khaliel sa akin. "Shane naman."
Ngumisi siya at lumapit sa akin, nilagay niya ang tupperware sa gilid bago niya hinimas ang tyan niya. "Thank you, ninang Venice!" ngumiti siya.
Bumaba kami para kumain ako, naabutan ko si Tita na nag luluto para sa tanghalian at binigyan niya ako ng pagkain para mauna na akong kumain, dahil sinabi kong hindi pa ako kumain dahil inubos ni Shane ang salad na dala ko. Nag stay ako sa kwarto ni Shane hanggang sa mag ala-una, nag paalam ako sa kanya bago ako pumunta sa coffee shop para puntahan si Mikka.
zhravenice_corvero
Hindi ako nakakain ng salad:(
Nakaupo ako sa bakanteng upuan sa coffee shop kung saan nag ta-trabaho si Mikka, nag order ako ng isang iced caramel macchiato habang nag scroll-scroll sa social media. Nasa loob pa si Mikka, kanina lumapit siya sa akin nang mag order ako pero bumalik lang din.
khaliel_cruz
Why?
zhravenice_corvero
Inubos ng buntis.
Kahit friends na tayo tipid mo pa rin mag reply crush:(
khaliel_cruz
Buntis ka?
Agad kumunot ang noo ko bago natawa, naging buntis pa ako ngayon ha. Ano ba Khaliel, ikaw lang ang gusto kong makabuntis sa akin.
zhravenice_corvero
Oo, ikaw ang ama.
Jk! 'Yung friend ko inubos. Pahingi ako ulit:(
Hindi siya nag reply sa chat ko at nag react lang, kinilig na siguro sa sinabi ko. Tumawa ako bago inubos ang ininom ko na nasa lamesa. Hinanap ko si Mikka para mag paalam bago lumabas sa coffee shop at umuwi ng unit. Tumingin muna ako sa pintuan niya bago ako ako pumasok sa unit ko.
Nag bihis ako bago ako humiga sa sofa, nag basa ako ng mga kaso na para sa oral namin, sa susunod na linggo pa naman 'yun pagkatapos ng Valentines Day pero gaya ko na matagal maka gets ay kailangan kong dahan-dahanin na basahin 'yun. Maya-maya pa ay narinig ko ang pag tunog ng doorbell kaya bumangon akoag nilagay ang mga papel sa lamesa. Nagsuot lang ako ng short at malaking T-shirt ngayon, wala naman akong hinintay na dumating ngayon kaya kailangan kong malaman kung sino ang nasa labas.
Pagdating ko sa pinto ay kaagad kong binuksan ang pinto, lumaki ang mata ko nang tumambad sa akin ang nakangiting mukha ni Khaliel Cruz sa harapan ko. "Anong ginagawa mo dito?" tumingin ako sa labas baka may mga tao at makita pa siya dito na pumunta sa unit ng babae.
Nakita ko ang pag angat ng dala niya na nasa kamay kaya napatingin ako doon. "Sabi mo dalhan kita?"
"Wow, naman grabe ka na, neighbor ha! Iisipin ko na talagang type mo 'ko eh..."
Kinuha ko ang dala niyang tupperware at binuksan iyon. Nakatayu lang siya sa labas kaya pinapasok ko siya bago ako pumunta ng kusina at kumuha ng kutsara. "Akala ko ba umalis ka?"
"Kakabalik ko lang!" sigaw ko nang dumistansya ako para pumunta ng kusina.
Nang bumalik ako ay nakita ko siyang naka upo na at binabasa ang papel ko na nasa lamesa. Umupo ako sa tabi niya at pinag krus ang paa ko at kumain.
"Pol Sci student?" tumaas ang kilay niya na tumingin sa akin.
Tumingin ako sa kanya habang nakasubo ang kutsara sa bibig ko, tumango ako bilang sagot bago niya binalik ang tingin sa papel. "You're studying political behavior?"
Tumango ako sa kanya bago dinamihan ang kinain para hindi na ako makasagot sa kanya, baka tanungin niya ako tungkol sa mga Politika e wala naman akong alam dahil hindi ko naintindihan 'yun.
"What are your thoughts with the Corvero's history, since ka apelyido mo sila?" bahagyang tumaas ang kilay niya sa akin na nakangiti.
"I don't know, hindi ko alam 'yung history nila. Hindi ko sila kilala," pag sisinungaling ko sa kanya.
Tumango-tango siya bago binalik ang papel sa lamesa at sumandal sa sofa bago pinag krus ang braso. "Hindi mo talaga sila kilala?" tanong niya na nakatingin sa mata ko.
Ayokong mag sinungaling sa kanya pero aalis siya kapag sinabi kong anak ako ng mga Corvero. Umiwas ako ng tingin bago nilagay ang kinain ko sa lamesa at humarap sa kanya. "Bakit intresado ka sa kanila?"
Umayos siya ng upo at tumingin sa akin, "Wala lang," ngumiti siya bago tumayo. "I have to go." he sighed.
Tumayo din ako gaya ng ginawa niya bago ko siya hinarap, "Aalis ka na? Grabe ka naman ayaw mo ba na makasama ako?"
Lumakad siya papunta ng pinto kaya sinundan ko siya. "May rehearsal pa kami, hmm..." humarap siya sa akin bago ginulo ang buhok ko.
Nakanguso ako sa ginawa niya kasabay ang pag sayaw ng mga paru-paro sa tiyan ko. "Okay," tanging sagot ko bago siya tumawa at binuksan ang pinto. Nakatayo lang ako sa pintuan habang pinanood siyang pumupunta sa unit niya. Nang sinarado ko ang pinto ay hinawakan ko ang ulo ko kung saan niya pwenesto ang kamay niya. "Grabe kinilig ako!" sabi ko bago pumunta sa sofa at kinuha ang pagkain na hindi ko pa naubos.
"Happy Valentines sa mga walang jowa!" sigaw ni Mikka sa amin bago niya kami binigyan ng bulaklak tig isa.
Lagi siyang nag bibigay tuwing Valentines ng handmade flowers, gumagawa siya kapag may oras siya para ibigay sa amin. "Exchange gifts?" nilabas ni Chris ang isang rose na pula na galing sa likod niya bago niya inabot sa amin.
"Wow! May pa ganito ba? Grabe ako lang yata walang binibigay sa inyo." sinabi ko bago sininghot ang bulaklak. "Thank you so much!"
"Ano ba okay lang, pambawi ko 'yan sa'yo ha!" sabi niya at hinampas ako.
"Thank you..." niyakap ko siya bago ako yumakap kay Mikka.
Nang makauwi ako ay dumiretso ako sa mall para bumili ulit ng stocks dahil ubos na 'yung laman ng ref ko. Bumalik ako sa unit mag alas singko na ng hapon kaya nang makarating ay inayos ko kaagad ang pinabili ko bago ako naligo. May gig mamaya sila Khaliel malapit sa plaza kaya pupunta ako, sasamahan naman ako ni Chris dahil nasabihan ko na siya na pupunta ako. Alas otso ay pupunta na ako doon para magkita kami, usapan namin ay alas siete ay andun na kami pero sabi ko marami pa akong gagawin at alas nuwebe pa naman ang simula nun.
Nag bihis ako ng white sexy knitted dress bago ko kinuha ang two inches heels at tinali ang buhok bago ako lumabas ng kwarto. Tinawagan ko si Chris ng alas seite na pupunta na ako dahil natapos na din naman akong kumain. Nakarating ako sa venue alas seite y medya kaya hinanap ko kaagad si Chris, hindi ko pa siya ma contact kaya umupo nalang ako sa gilid habang hinintay siya na tatawag.
Nakita ko ang mga babaeng may dalang papel na may naka sulat, tiningnan ko ang sulat nila at karamihan ay hihingi ng pick. Hindi lang naman ang Eclipse ang pupunta dito kundi madami din, nakalimutan ko pang mag dala ng papel para hihingi ng pick kay Khaliel. Palagi akong nanghingi ng pick sa kanya sa chat pero tatawanan niya lang ako o kaya hindi nag re-reply. Nakita ko ang babaeng may hawak ng dalang bondpaper na may sulat na Khaliel pick me to have your pick! kaya nilapitan ko siya baka sakaling papayag kung hihingin ko o kaya bibilhin nalang.
"Hi! Sa 'yo 'yan? Dalawa?"
Lumingon siya sa akin na naka kunot ang kilay bago siya bahagyang ngumiti nang makita niya ako nang buo. "Hi. Sa kaibigan ko sana pero hindi pupunta."
Nice.
"Pwede ko bang bilhin 'yan? Naiwan ko kasi 'yung sa 'kin pwede ba?"
Lumaki ang ngiti niya at umiling, tiningnan niya ang dala niyang bondpaper at parehas lang ang nakalagay nun. "Sayo nalang, hindi ko na pababayaran." ngumiti siya bago inabot sa akin ang bondpaper.
"Talaga? Thank you so much..." sabi ko sa kanya na nakangiti bago ko kinuha ang but papel.
"Hoy! Venice! Kanina pa kita hinahanap sa'n ka ba pumunta?" nagulat ako sa boses na nanggaling sa likod ko kaya lumingon ako habang nasa harapan pa ang babaeng kausap ko. "Sige, mauna na ako ha. Thank you," sabi ko at ngumiti naman siya bago umalis. "Ikaw ang sa'n ka nag punta. Kanina pa kita tinatawagan."
Lumapit siya sa akin habang tinupi ko ang papel na hawak ko kaya napatingin siya doon. "Ano naman 'yan? Membership ng fansclub?"
"Nakita mong papel nagtatanong ka pa." pinasok ko ang papel sa bag ko bago hinila si Chris para pumunta sa gitna. "Ikaw kasi saan-saan ka nalang nag pupunta."
Umupo kami sa bench, madilim ang langit na mukhang uulan ngayon at wala pa namang bubong 'tong venue dahil nasa labas lang. Nilabas ko ulit ang papel bago ko pinakita sa kanya.
"Khaliel pick me to have your pick?" deritso-deritso niyang sabi. "Sigurado ka ba? Ano namang gagawin mo sa pick niya?"
"Ano pa ba? Lalagay ko sa wallet ko para 'di mawala." tinupi ko ulit ang papel at tumayo dahil nag dagsaan na ang mga tao sa gitna kahit hindi pa man nag sisimula.
"Tara na baka hindi ka niya makita sa dami ng tao, kung pina tarpaulin mo sana 'yan para sigurado."
Humanap kami ng pwesto kung saan makikita lang ang stage, inayos ko ang itsura ko habang hindi pa sila nag sisimula. Ilang minuto pa ang nakalipas bago nag announce ang emcee kung sino ang dadating. Nag tilian kami matapos nag paalam ang emcee at tinawag ang unang banda na mag pe-perform. Sumabay kami sa kanila kahit na hindi ko naman masyado silang kilala pero naririnig ko na ang mga kanta nila.
Nang lumabas na ang Eclipse ay sumigaw ako at tinaas ang papel na hawak ko. "Hoy, videohan mo ako ha pag mapansin niya ako!" sabi na naka ngiti.
Nasa likod ko si Chris at nasa harapan niya ako, nakita ko ang babaeng may ari ng papel na hawak ko sa hindi kalayuan sa gilid namin na sumisigaw at tinaas ang papel na hawak niya.
"Autumn nights, I confine myself in galleries of us just because I miss you you don't have to remind me of the pains of circumstance that demand our distance."
"And I'll be right here in case you need to talk I'm just a call away from you" Jeff sang.
"Why can't we be together, baby? Why does it take so long? Why can't we be together, baby? Should we keep holding on even when hope seems gone?" he sang.
"Hindi! Dapat maging tayo, hindi pwedeng hindi magiging tayo!" Sabi ko at tinaas pa ang papel para mapansin niya.
"Sabi crush lang eh!" hinampas ako ni Chris kaya natawa ako.
"I don't wanna lose this I hunger for your kiss, Can I get a piece of your affection? In all of the madness, baby I just wanna be with you" kumanta ulit siya na sinabayan ko dahil sa ganda ng boses.
Tiningnan ko lang siya na masayang ngumiti sa maraming tao, gustong-gusto kong kantahan niya ako ng kantang 'yan sa harapan ko at makikinig ako hanggang sa makatulog.
Kung pwede lang kitang itago sa bahay ko para wala na akong kaagaw sayo itatago kita. Hahayaan mo ba na tumibok ang puso ko sa'yo kahit na hindi na ito paghanga lang? Kung dadating ang araw na masasabi kong hindi lang paghanga ang nararamdaman ko sa 'yo, pananagutan mo kaya ang nararamdaman ko? Sa nakaraang buwan parang mas lumalim pa ang nararamdaman ko sa 'yo lalo na at pinapansin mo na ako at parang magkaibigan na tayong dalawa. Sa ngayon hindi ko pa masabi na mahal na kita, basta ang alam ko ay crush na crush kita Khaliel Zravix Cruz.
Nakisabay lang kami sa kantahan hanggang sa matapos at kumanta ulit ng isa pa. Matapos ang kantahan ay nagsalita sila at nag pasalamat bago maki pag interact sa audience kaya tinaasan ko pa ang papel ko. Nawa'y mapansin.
"Sa mga hindi pa umamin dyan, amin na hangga't wala pang alas dose at magka love life pa!" sabi ng leader.
"Hello po, wow thank you po dito." sabi niya nang may inabot sa kanyang paper bag kaya tinanggap niya.
"Khaliel pick her daw." sabi ni Jeff na naka ngiti.
Tinaasan ko ang papel baka sakaling ako ang nakita nila, hinanap ng mga mata ni Khaliel ang mga sulat sa paligid na nakangiti hanggang sa umabot siya sa gilid at nag tama ang mata namin.