Kinuha ko ang cellphone ko at nag scroll-scroll habang nakahiga sa sofa dahil sa hindi makatulog. On pa rin ang tv dahil manood ako ng video ng Eclipse sa concert nila noong nakaraang araw, mabuti nalang at may full video sila na pinost.
Lumabas ako para bumili ng ice cream sa convenience store sa baba dahil nag crave ako. Hindi pa rin umuwi si Khaliel at halos isang linggo ko na siyang hindi naka usap, hindi na din ako nag chat pa sa kanya dahil alam kong busy siya sa rehearsal at sino ba naman ako para replyan niya 'diba?
Sumakay ako ng elevator alas nuwebe na nang gabi, naka suot ako ng pajama at t-shirt na green habang dala ko ang phone sa kanang kamay nag hihintay na mag bukas ang pinto ng elevator. Nang tumunog na ay agad akong lumabas, may iilan pang tao sa labas ng lobby kaya dumiretso nalang ako sa labas at pumunta sa convenience store sa gilid. Namili ako ng flavor bago ko iyon dalhin sa cashier. Matapos kong bayaran ay kaagad akong bumalik.
Nakita ko ang pag hinto ng itim na van sa labas bago ko nakita ang manager nila kaya lumiwanag ang mukha ko nang makita 'yun. Naka uwi na siya kaya kaagad akong pumasok sa loob dahil baka makita niya ako. Naka ngiti ako nang nasa elevator hawak ang ice cream sa kamay ko dahil sa wakas ay makikita ko na ulit siya.
Parang isang taon ko nga siyang hindi nakita dahil sa sobrang pagka miss ko sa kanya, ah!
Nag mamadali akong pumasok sa loob bago ako kumuha ng kutsara at pumunta sa veranda, malamig sa labas at kalain ako ng malamig na pagkain pero bahala na. Baka sakaling pupunta siya doon at makikita niya ako kaya nang makarating ay agad kong binuksan 'yun. Umupo ako sa upuan at tumingin ako sa kabilang veranda habang kumain.
Halos maubos ko na ang ice cream pero hindi pa din siya dumating at baka natulog na siya dahil pagod pa siya galing sa byahe. Nang maubos ko ang kinain ko ay kaagad akong bumalik sa loob dahil hindi ko kaya ang lamig sa labas. Nag toothbrush ako bago pumasok sa kwarto at humiga. Tiningnan ko ang oras at malapit na mag alas dyes kaya nilagay ko ang cellphone sa gilid at natulog nalang.
Nagising ako sa tunog ng phone ko kaya inabot ko 'yun. Tumambad ang pangalan ni Shane sa screen kaya sinagot ko. "Hello, good morning, Shane!" maligayang bati ko sa kanya.
"Good morning! Pupunta ka ba dito sa bahay mamaya?"
Sabado ngayon kaya wala akong pasok, wala din naman akong gagawin dito kaya pupunta ko nalang siya. "Uh... yes, why?"
"Pwede bang bilhan mo ako ng mangga, 'yung malapit sana sa university mo. Tapos hanapin mo 'yung nanay sa pinakadulo na mag titinda, dun ka bumili."
Nakangiti ako sa pag kasabi niya dahil parang ayaw niyang bumili sa iba, nasanay na siya na palaging binibilhan ni Chris tuwing umuuwi kami at dediresto siya kay Shane para ibigay 'yon. "Okay po, Mama Shane! Pwede bang mamayang alas dyes na ako pupunta dyan?"
"Alas nuwebe na, Venice ano tulog ka pa ba? Pabili din ako ng bagoong, ha?"
Tiningnan ko ang orasan at totoo nga na alas nuwebe na pala nang umaga ako nagising. Bumaba ako sa kama habang hawak ko pa rin ang phone ko sa taenga dahil nasa kabilang linya pa rin si Shane. "Ah okay punta ako mamaya eleven, okay? Bye ligo muna me!"
"'Yung pinabili ko ha?"
"Noted ma'am!"
Pinatay ko ang tawag bago ako pumunta ng banyo at naligo. Nakakatamad din magluto kaya naisipan ko na mag order, dahil alas nuwebe na at baka hindi ko na mahabol 'yung nag titinda ng mangga dahil hanggang tanghali lang sila.
Matapos maligo ay binuksan ko ang cellphone ko at nag hanap ng pagkain para ipa deliver ko nalang dito. Nagulat ako sa pag pop up ng message sa taas at pangalan ni Khaliel ang andun kaya lumaki ang ngisi ko.
khaliel_cruz
Kumain ka na?
Wow, naman! Talagang good morning kapag ganito ang tanungan niya sa akin, kailan pa ba kami ganito? Parang nung isang araw ay hindi kami nag uusap tapos maypa ganito na siya?!
Nakangiti ako na nag type ng reply sa kanya.
zhravenice_corvero
Hindi pa, pero gusto kitang maging breakfast.
Jk! Kakagising ko lang.
Hindi nawala ang ngiti ko na nag hihintay sa reply niya, at dapat lang na mag reply siya dahil siya ang tanong. Maya-maya pa ay nag react siya ng haha bago ko nakita na typing siya.
khaliel_cruz
I have salad here.
Gusto mo ba? Medyo madami, dala ko 'to kahapon galing sa bahay.
Agad akong nag reply dahil gusto ko din na puntahan siya at hindi lang salad ang kumunin ko pati siya dadalhin ko dito.
zhravenice_corvero
Oo, gusto kita.
I mean gusto ko ng salad.
He just react haha and like, sinabi niyang kunin ko daw kaya matapos akong nag bihis ay agad akong pumunta sa labas ng pintuan niya at nag doorbell. Tumambad sa akin ang malaking ngiting mukha ni Khaliel. Taray ha nag level up na talaga kami dahil ngumiti na siya kapag nakikita ako, hindi gaya ng dati na seryoso siya.
"Kailan ka umuwi?" tanong ko sa kanya kahit na alam kong kagabi pa siya naka uwi.
Pinapasok niya ako sa loob kaya pumasok ako gaya ng lagi niyang ginagawa kapag andito ako. "Last night. May lakad ka ba?"
Napansin niya siguro na naka bihis at ligo ako, siya kasi nakasuot lang ng faded pants at t-shirt habang ang buhok niya ay magulo pa. Sumunod ako sa kanya sa kusina kung saan siya papunta, nakita kong may mga gamit pa siya na hindi naayos dahil mag kalat sa sala niya.
"Sa kaibigan ko lang,"
Tumingin siya sa akin bago siya pumunta sa refrigerator niya at nilabas niya dun ang tupperware na puti. Pinagmasdan ko lang siya na bumalik sa lamesa habang naka tayo lang ako malapit sa lamesa na naka hawak sa ulo ng upuan.
Nilagay niya ang tupperware sa lamesa at tumingin sa aparador kung saan ang may mga madaming tupperware, pumunta siya sa akin para dumaan kaya umusog ako para makadaan siya pero pareho kami ng pwesto na pinuntahan kaya tumigil ako bago ako lumipat sa kaliwang pwesto pero sumabay ulit siya sa akin. Tumawa kaming dalawa bago ko siya binigyan ng malaking space.
Tiningnan ko siyang abutin ang aparador at kinuha niya doon ang puting tupperware bago siya bumalik sa lamesa. Linagyan niya 'yun nang tahimik bago niya sinarado. "Tikman mo." sabi niya bago inabot sa akin ang kutsara.
Maraming lettuce ang salad kaya 'yun ang kinuha ko, ngumiti ako sa kanya bago ko dinala sa bibig ang kutsara. "Masarap." sabi ko bago ilagay ang kutsara sa baba.
Kinuha niya ang kutsara bago siya kumuha at mabilis na dinala 'yun sa bibig niya. Tumango-tango siya na tumingin sa akin bago niya binalik ang kutsara.
"Hindi ka pala maarte?" tanong ko.
Kumunot ang noo niya. "Ha?"
Tumawa ako at umatras dahil humakbang siya papalapit sa akin na nakatingin lang sa mga mata ko. "I mean ginamit ko 'yung kutsara." patuloy siya sa pag hakbang kaya umatras din ako nang hindi siya huminto.
Wala siyang sinabi hanggang sa tumama ang likod ko sa dingding kaya napatigil siya sa pag lalakad. Nakita ko ang pag tingin niya sa baba at walang sinabi kaya sinundan ko 'yon, ang kamay niya na may hawak na tupperware ay naka taas sa akin.
"Bakit ka ba lakad ng lakad." seryoso tanong niya.
Inabot ko ang tupperware bago ako umayos ng tayo dahil bumalik siya ulit sa lamesa. "Kasi lumapit sa akin?" nakataas noo ako na sumunod sa kanya.
"Iaabot ko lang 'yan." tinuro niya ang tupperware.
"Edi okay. Thank you for this, aalis na ako ha? Akala ko naman gusto mo akong halikan kaya lumapit ka sa akin." tumawa ako bago lumabas ng kusina.
Narinig ko ang pag tawa niya kaya lumaki ang ngiti ko, nakasunod siya sa akin habang patuloy ako sa paglalakad papunta sa pintuan. Napatingin ako sa guitar na nasa sahig, bagong kulay ito at mukhang bago. "Bago 'yan?"
Tiningnan niya din 'yon bago siya sumagot. "Sa studio dinala ko lang."
Nag patuloy sa pag lalakad hanggang sa makarating sa pintuan at binuksan iyon na hindi ko na siya hinintay pa na mag bukas para sa akin. "Thank you dito. Babalik ako mamaya para humingi ulit pwede ba?" nakangiti kong tanong sa kanya.
Nakita ko ang pag angat ng kilay niya bago siya tumango sa akin. "You can. Madami pa." he chuckled.
Tumalikod na ako pero bago ako lumakad ay may sinabi pa ako sa kanya. "Oo nga pala pahingi ako ng pick mo ha?"
Tumawa siya bago ngumiti, nakita ko ang maliit na dimple niya at gustong-gusto kong hawakan iyon pero shempre nakakahiya naman kung gagawin ko 'yon. "Sa susunod, Venice,"
"Sabi mo ha? Bye, Khaliel!" kumaway ako bago umalis na nakangiti.
Nang pumasok ako ay tiningnan ko ang phone ko sa bulsa. Napa hawak ako sa bibig ko dahil alas dyes na pala at hindi man lang namalayan dahil sa pag uusap namin ni Khaliel. Patay ako nito kay Shane dahil hindi ko pa nabili 'yung mangga na dapat ay kanina ko pa nabili. Tiningnan ko ang salad sa kamay ko at naisip ko na dalhin nalang 'yun at sa bahay nalang ni Shane ko 'yun kakainin.
Nag mamadali akong kinuha ang bag ko bago pumunta ng elevator. Tumakbo ako palabas bago nag lakad papunta sa university ko. Nang mahanap ko ang mangga na sinabi niya ay kaagad akong sumakay para pumunta sa bahay nila. Alas onse nang makarating ako sa gate nila at late na ako ng isang oras, pero isang oras lang naman.
"Hello po, Tita." bati ko sa kanya dahil siya ang nag bukas.
"Ikaw pala, pasok ka nasa taas si Shane."
Pumasok ako at dumiretso kaagad sa kwarto niya, kumatok ako ng ilang beses bago niya buksan ang pintuan. "Hi!" tipid akong ngumiti at tinaas ang supot na dala.
"Tagal mo ha? Sa'n ka ba galing grabe ka naman maligo dalawang oras?"
"May pinuntahan pa kasi ako kaya na late, ito na oh nabili ko na."
Inabot ko ang supot sa kamay niya at pumasok sa loob ng kwarto. Umupo ako sa maliit na upuan bago ko buksan ang tupperware na dala ko na may salad. "Thank you, Venice!"
"You're welcome. Hindi pa ako kumain kakain muna ako ha?"
Nakatingin siya sa akin na binuksan ko ang tupperware, linagay niya ang supot sa gilid ng lamesa bago lumapit sa akin. Kinuha ko ang kutsara bago ako kumuha ng salad. "Diet, diet muna sa ngayon."
Sinubo ko ang isang kutsara bago ko binalik ang tingin sa kanya na nakatingin lang din sa akin. "Pahingi,"
Lumaki ang mata ko dahil alam kong kung ibibigay ko 'to sa kanya ay mauubos niya at hindi na ako makakakain pa. At isa pa bawal ko itong I share dahil kay Khaliel 'to galing. Umiling ako sa kanya at kumuha ulit, "Bawal ka dito."
Kumunot ang noo niya na tumingin sa akin. "Healthy nga 'yan tapos bawal ako? Pahingi nga sabi ng inaanak mo!"
"Baby, nagugutom si ninang mo dahil sa utos ng mama mo kaya 'wag ka munang manghingi." sabi ko sa kanya at ngumiti.
"Venice, sige na," Pag pumilit niya.
Hindi ako nakapalag pa dahil baka ma pa'no pa siya kung hindi ko bibigyan, dalawang kutsara lang ang nakain ko sa salad na binigay ni Khaliel. "Hoy, 'wag mong ubusin 'yan ha?"
"Kanino 'to galing bakit masarap?"
Hindi ko pwedeng sabihin na sa crush ko dahil hindi naman nila alam, na parang close na kami ni Khaliel at hindi ko din pwedeng sabihin na kapitbahay ko si Khaliel. "Binili ko sa labas."
"Talaga saan mo nabili?" lumaki ang mata niya habang patuloy na kumain.
"Hoy, baka maubos mo 'yan!" tiningnan ko ang tupperware na kaunti nalang ang laman. "Hindi ko pala nabili bigay lang," tumawa ako.
Baka sa susunod magpabili siya sa akin e saan naman ako binili nun kapag nag hanap siya. "Sino?"
"Si-si hindi ko kilala sa kapitbahay ko lang!"
"Kapitbahay pero hindi mo kilala?" lumiit ang mata niya.
Nababahala ako dahil mga tatlong kutsara nalang talaga ang natira sa salad kaya napatingin ako doon. "Nagugutom ako Shane tirahan mo ako,"
"May pagkain sa baba, thank you, Venice!" lumaki ang ngiti niya bago inubos ang natitirang salad.