"Sa tingin mo ba Shane, i-ju-judge kita?" Umiling siya at yumuko nang sinabi ko. "Hindi mo kailangan itago sa akin dahil kaibigan mo ako at tanggap kita kahit ano pang gagawin mo hmmm?"
Tumango siya at inangat ang ulo na tumingin sa akin, nakita ko ang pamumula ng mata niya at namamaga na kakaiyak kanina. "Makakasama sa bata 'yan, Shane. Alam mo kahit walang tatay 'yung anak mo, andito naman kami para dyan 'diba?"
"Sorry talaga..."
"Sino bang tatay niyan at aawayin ko."
"Si-si Ryan," pag amin niya.
Nagulat ako nang marinig ang pangalan, 'yung Ryan ba na palagi niyang tinatanong 'yung nakilala ko sa bar? "Gago 'yun ah! Asan na siya ngayon?"
"Hindi ko alam, sinabi ko sa kanyang buntis ako pero sabi niya... hindi daw sa kanya 'to pero, Venice wala akong ibang lalaki sa kanya lang talaga."
"Nahihiya ako sa 'yo dahil hindi na ako nakaka labas kasama niyo dahil pumupunta ako kay Ryan, ang tanga-tanga ko kasi parang naubusan na ako ng lalaki at siya lang 'yung nakita ko." tumawa siya pero alam kong masasaktan siya.
"Hindi, Shane siya 'yung tanga dahil ka lalaki niyang tao hindi niya magawa ang responsibilidad niya sa 'yo. Pero Shane 'wag kang panghinaan ng loob dahil dadating na 'yung anak mo ha? Mahal ka namin kaya mahalin mo ang sarili mo at ang bata ha?"
Tumango siya bago ako niyakap, umiiyak pa rin siya sa akin at pinabayaan ko lang siya dahil hindi ko naman ma control 'yung emosyon niya kahit na anong sabi ko. "Okay lang ba sa parents mo?"
"Nagalit sila pero natanggap lang nila, pinuntahan ni Daddy si Ryan at sinuntok. Hindi ko na alam kung nasaan na siya ngayon pagkatapos nun dahil ang sabi ay umalis na daw siya ng bansa."
"Gago talaga siya, makikita ko 'yan. Pinakulong mo sana, Shane para mag tanda."
Tumawa siya at inayos ang buhok niya, tumayo siya at may kinuha sa drawer na envelope. "Hindi na, hindi ko siya mapipilit dahil ako naman ang kusang nag bigay ng sarili ko sa kanya. At tsaka... 'yung anak ko ayaw ko na lalaki na may galit sa tatay niya kapag nakita niyang galit pa din ako sa tatay niya."
Hinimas niya ang maliit na tyan niya, hindi ko napansin na mag baby bump na pala siya nung kita namin ang mapansin ko lang ay parang tumaba siya. Umupo siya sa tabi ko at binuksan ang envelope na kinuha niya, dahan-dahan niyang kinuha doon ang papel at binigyan 'yun sa akin.
"Tingnan mo 'may baby na ako, Venice!" masaya niyang sabi na naluluha.
Kinuha ko 'yun at tiningnan ang ultrasound niya, hindi pa buo ang bata dahil maliit palang naman kaya dugo pa ang makikita doon. "For sure, lalaki 'yung anak mo na maganda katulad mo, Shane." ngumiti ako sa kanya.
"Lumaki na nga ako, Venice tingnan mo ang mukha ko oh..." tumawa siya.
"Alam kong hindi madali na mag buntis pero pag may kailangan ka ah andito lang kami, tawagan mo lang ako kapag gusto mo ng kausap."
"I will, Venice. Sasabihin ko sa 'yo lahat hindi na ako magtatago." sabi niya bago hinawakan ang kamay ko.
Niyakap ko siya ng mahigpit bago kami bumama at mag paalam ako sa kanya at sa babae kanina. Wala daw 'yung parents niya dahil may out of the country kaya sila ang andito. Umuwi ako sa condo ko pero bago ako pumasok sa pinto ay tumingin muna ako sa pintuan niya at ngumiti bago ako pumasok sa loob. Nasaan kaya siya ngayon? Gusto ko na ulit siyang makita.
Nang hapon pagkatapos kong mag sulat ng ng mga lesson para sa exam namin ay bumaba ako para pumunta ng gym. Nagsuot ako ng sports bra at black cycling dala ang aking tumbler, tinali ko ang buhok ko at sumakay ng elevator. Malapit na mag alas sais at naisip kong tumakbo muna ng isang oras bago maligo para makatulog ako ng maayos.
Nang buksan ko ang pinto ay tahimik ang paligid, walang tao sa loob kaya dumeresto ako at humarap sa salamin. Nag warm-up ako bago sumakay ng Treadmill at hininaan 'yun na sumabay. Narinig ko ang pag bukas ng pinto pero hindi ko pinansin dahil abala ako sa pag ayos ng airpods ko para magpa music.
Tumingin ako sa malaking salamin at nakita ko ang lalaking lumakad na tumingin sa akin. Lumingon ako sa kanya habang lumapit siya sa pwesto ko at nilagay niya ang gamit sa gilid. "Hi!" bati ko sa kanya nang liningon ko siya habang tumatakbo pa rin ako bago ko tinanggal ang airpods ko sa taenga.
"Hi. Kanina ka pa?"
Dumiretso siya ng sakay sa katabing Treadmill sa akin at mahinang tumakbo, patuloy lang ako sa pagtakbo habang pinawisan na. "Ngayon lang din."
Binilisan niya ang takbo niya kaya gumaya ako sa ginawa niya, medyo masyadong mabilis ang takbo kaya hininaan ko ulit dahil baka hindi ako makasabay. "Sinundan mo yata ako dito eh..." sabi ko sa kanya at liningon siya.
"Ganitong oras ang punta ko dito dahil walang masyadong tao, hindi ko alam na naunahan mo na pala ako." tumawa siya.
"Ganitong oras din ang punta ko, baka naman sinusundan mo talaga ako kung anong oras ako andito." sabi ko bago ngumisi.
Tumawa siya at at umiling, hininaan niya ang takbo at lumingon sa akin na nakangiti. "Ako talaga ang susunod sa 'yo ha?"
"Shempre si Venice Corvero ata 'to 'no? Shempre susunod ka talaga sa akin, sa ganda ko ba namang 'to."
Lumiit ang mata niya at lumingon sa akin, hindi siya nagsalita kaya hindi na din ako tumingin sa kanya. Tahimik ulit kaming dalawa habang mahina na tumakbo bago isaksak ulit ang airpods sa taenga ng mag salita siya ulit kaya hindi ko natuloy.
"A Corvero?" he ask.
Tumaas ang noo ko na tumingin sa kanya at nagtaka, hindi niya pala ako kilala e nasa social media na ang apelyido ko. "Bakit? Apelyido ko 'yun, Zahara Venice Corvero!"
"Congressman's daughter?" he suddenly asked.
"Hindi, ka apelyido ko lang 'yun!" pag sinungaling ko sa kanya.
Hindi pala niya ako kilala kahit na nasa balita na pala ako. Tumawa siya bago umiwas ng tingin, hindi niya naman alam na ako 'yung anak ng Congressman 'diba dahil hindi niya ako kilala. Kung kilala niya pa ako ay hindi na sana siya nag tanong pa.
"Akala ko anak ka ng Congressman ng San Rafael," sabi niya. "You know that, Corvero Elias 'diba?"
Tumango ako bilang sagot, hindi ko ma gets ang sinasabi niya kaya nag iwas ako ng tingin at pinunasan ang pawis ko. "They're corrupt polititician, ka anu-ano mo sila?"
Hindi ko alam ang magiging reaksyon ko sa sinabi niya, totoo na may history ang mga Corvero na corrupt galing sa Lolo ko pero ang sabi sa akin ni papa hindi daw 'yun totoo kaya maniniwala ako. Kaya ayoko din mag pakilala na anak ako ng mga Corvero dahil doon. Ang mga kaibigan ko lang talaga ang nakakaalam nun at wala nang iba pa.
Matagal akong nakasagot sa tanong niya dahil nag iisip ako ng isasagot sa kanya. Maniniwala naman siguro siya 'diba kung sasabihin ko na hindi ko sila ka anu-ano. Tama lang ang desisyon ko na huwag sabihin sa kanya na anak ako ni papa dahil lalayo siya sa akin kung ganun.
"Hindi ko alam. Hindi ko sila ka anu-ano, bakit mo natanong?"
"Wala lang naman." maikli niyang sagot.
"I understand, pero hindi ako kasali sa kanila ah! Ka apelyido ko lang 'yon!" pag sinungaling ko ulit. "Ayaw mo na ma involve sa mga political issues?"
Hindi ko na alam kung saan papunta ang usapan dahil umabot na kami sa political related. Hindi ko naman kayang sabihin sa kanya ang totoo lalo na't hindi pala niya gusto si papa. Nawalan na tuloy ako ng pag-asa na magustuhan niya, pero okay lang kaibigan ko naman siya ngayon.
"So defensive ah. Hindi ko gusto ang mga politika dahil magulo sila, at ayokong ma involve sa politika dahil ayoko ng gulo."
"So kung ako 'yung anak ng Congressman, lalayo ka sa akin ganun?"
Tumingin siya sa akin na seryoso ang mukha bago napalitan 'yun ng ngiti. "Hindi! Hindi ka naman anak ng Congressman."
Ngumiti ako sa kanya at pinatay ang treadmill. Kinuha ko ang tubig ko at uminom, napagod na akong tumakbo at ayaw ko na rin pag usapan ang tungkol sa mga politika kaya nag paalam na ako sa kanya. "Alis na ako neighbor, bye!" sabi ko at kumaway.
Tumango siya sa akin bago niya binilisan na tumakbo, tumalikod ako sa kanya at pumunta sa pinto. Hindi nawala sa isip ko ang pag sisinungaling ko sa kanya sigurado na lalayuan ako kapag nalaman niya na nag sisinungaling ako. Paano kaya kung makita niya ang tungkol sa akin sa social media, hindi na kaya niya ako kakausapin? Imbis na parang close na kami ay mauudlot pa kapag nalaman niya, alam ko naman na ayaw niya madawit ang pangalan niya sa politika dahil sa trabaho niya pero kapag ako ba ayaw niya rin?
Bumalik ako sa kwarto na iniisip pa rin 'yon hanggang sa banyo na naliligo ako. Matapos kong kumain ay pinatuyo ko ang buhok ko at natuloy deritso.
"Malapit na ang Valentines day anong plano niyo?" malaki ang ngiti na tanong ni Chris.
Sa susunod na linggo ay Valentines day na pero gaya ko na walang jowa ay mananahimik nalang dito sa loob ng bahay. "Kakain tayo dahil wala namang mag bibigay sa atin at bibili ng sariling bulaklak!" nakangiti ako na sinagot si Chris.
Hindi na kami pumupunta pa ng bar dahil buntis si Shane at hindi na siya pwede pang uminom kaya pinili namin na hindi na lumabas. Tuwing weekend ay pumupunta kami sa bahay nila para bumisita, mag ta-tatlong buwan na siyang buntis at medyo kita na masyado 'yung tyan niya kaya natutuwa kami.
"Edi bumili kayo dahil ako mayroong mag bibigay sa 'kun kaya mainggit kayo please..." tumawa ng malakas si Chris sa harapan namin ni Mikka habang palabas kami school.
Maaga na natapos ang klase kaya maaga kaming nakalabas, nag lakad-lakad kami palabas habang nag kwentuhan nang kung anu-ano.
"Wow, ha! Ano ka Shane 2.0 ganun? May secrets din?" tanong ni Mikka sa kanya.
"Ano jowa mo na 'yung classmate natin?"
Tumaas ang kilay niya na nakangiti sa aming dalawa, nag action pa siya na may buhok siya bago siya tumawa. "Loving from afar nga 'diba? Shempre taon-taon nag bibigay ng bulaklak 'yung tatay ko sa amin, kaya hindi ko na kailangan pang sumama sa inyo bumili kayo ng sarili niyong bulaklak!"
Nag beauty queen walk pa siya habang nasa daan kami kaya natawa kami ni Mikka sa ginagawa niya dahil pinag titinginan kami ng mga tao. "Sumali ka kasi sa Miss. Gay!" sabi ni Mikka.
"Support ka namin, Chris! Ako nang bahala sa wig mo."
Lumingon siya sa amin bago siya sumimangot, sumabay siya sa amin sa pag lalakad at humawak sa braso ni Mikka. "Hindi pera ang kailangan ko ngayon."
"Oh, ano na naman?"
"Baby boys para may ka date ako sa Valentines!"
"Ewan ko sa'yo gulo mo. Kita tayo mamaya sa Coffee shop ah?" sabi ko sa kanya bago tumawid ng daan dahil nasa kabila ang building ko.
"Oo na. sabi ni Mikka may crush ka daw dun!" tinuro niya ako. "Totoo 'yun?" tumaas ang kilay niya.
Ngumiti ako sa kanila at dahan-dahan na lumakad habang nag lalakad pa rin sila sa daan. "Wala! Andito nakatira 'yung crush ko!" sigaw ko sa kanila at kumaway na naka ngiti.
Narinig ko ang pag tawa nila dahil alam kong hindi sila maniniwala, totoo naman na andito talaga nakatira si Khaliel sa building na 'to.
"Hi, ma'am!" binati ako ng lalaking may bitbit na panglinis, siya ang nag lilinis dito sa labas every week.
"Hi po!" nakangiti kong sabi bago pumunta ng elevator at pumasok doon.
Puntahan ko kaya si Khaliel kung umuwi na ba siya sa unit niya, na miss ko na siyang kausap ha! Ilang araw ko na siyang hindi naka usap dahil may bakasyon daw sila kaya nung nakaraang araw nag chat ako sa kanya, nag reply naman siya sa mga tanong ko pero tipid lang. Okay na 'yun at least nag level up na kami bilang magka ibigan at soon mag-ka-ibigan na.