CHAPTER 11 “Nakakainis siya, Rhea! He gave me detention slip!” I ranted while glaring at Zaydel. Nasa malayo sila pero tanaw na tanaw ko kung paano niya kausapin ang malanding si Abby. Hindi ko alam kung ano’ng pinag-uusapan nila pero mukhang aliw na aliw siya. Kaya niyang tumawa ‘pag si Abby ’yung kausap niya samantalang sa ’kin ang lamig-lamig ng treatment! Nakakaasar! Rhea is very attentive while listening at me. Si Yanna naman ay nagbabasa sa sulok, para siyang may sariling mundo sa ginagawa. Natawa si Rhea sa sinabi ko kaya inirapan ko siya. “Kasalanan niyo ’to ni Yanna!” sisi ko sa kanila. “Si, Rhea lang kaya! Pinaalala ko naman sa kanya pero sabi niya mamaya na lang daw. Sa kakamamaya nakalimutan na niya tuloy,” depensa naman ni Yanna. I glared at Rhea na naka-peace sign na s

