CHAPTER 12 He walked as fast as he could. Nagulat na lang ako nang bigla niyang hablotin ang camera sa ’kin. Nakakunot ang noo niya at kulang na lang ay itago niya sa baol ang hawak na camera para hindi ko makuha ulit. Napaawang na lang ang labi ko sa gulat dahil sa sudden action niya. Mga ten seconds yata akong natulala bago tuluyang nakabawi. Dahan-dahang rumihestro sa utak ko ang nangyari. My lips then slowly crippled a smile. Malawak ang ngiti ko siyang hinarap. Nang-aakusa ko siyang tiningnan na para bang isa siyang kriminal. “Aha!” Pinitik ko ang daliri sa harap ng mukha ko. Hindi pa rin ako makapaniwala na nakita ko ’yung mukha ko sa camera niya. He’s been taking photos of me! ”You have a crush on me!” I accused him. I giggled. Mas lala pa akong napangiti nang makita ko ang pag

