CHAPTER 27 I composed myself, I’m still closing my eyes ‘cause the make-up artist is doing my eyeshadow. Ang totoo ay kinakabahan ako, naisip ko bigla si Zaydel! I’m so paranoid! Naiisip kong baka bigla na lang sumulpot sa harap ko si Zaydel at magpakita. It’s complicated pero baka malay natin? Hindi rin malayong mangyari ‘yon. Ang lalaking ‘yon ay mahilig pa naman magpasulpot-sulpot na lang nang bigla. “Selena recommended a photographer, nandito siya ngayon!” chika ni Radni habang nakapikit ako. Sino naman ‘yon? Am I going to work with a famous photographer today? “Ang guwapo, Gurl! If I’m not mistaken, Zaydel ang pangalan ng lalaking photographer.” Pakiramdam ko ay bigla na lang nagpantig ang tainga ko. Hindi ko alam kung nabubungol ba ‘ko o kung ano na. Sa gulat ko ay bigla kong na

