MALALIM na ang gabe pero hindi pa rin dinadapuan ng antok si Amore. Naaalala pa rin kasi niya na minsan na siyang natusuhan ni Regor.
Hindi talaga niya inaasahan na gusto siya nitong halikan.
Gustong-gusto pa naman niyang si Liam ang humalik sa kaniya. Lalo siyang nabahala na baka sa susunod hindi lang halik ang hihilingin nito kundi ang pinaka iingatan na niya.
Bumangon siya mula sa pagkahiga at nagpalit ng damit. She better go in the hideout. Doon puwede siyang mag pawala ng stress.
Doon marami siyang pwedeng paglilibingan kung bored siya.
"Argh! Nakakainis," wika niya saka dali-daling lumabas ng apartment niya.
Sumakay siya sa kaniyang kotse at pinatakbo iyon ng mabilis.
Agad naman siyang nakarating doon. Bumusina siya agad at pinagbuksan naman siya ng mga bantay.
"Magandang gabi sa'yo Sapphire," bati ng mga kasamahan niya saka yumuko bilang tanda ng paggalang.
"Magandang gabi rin sa inyo, nasaan ba sina Astra at Jasmine?" agad niyang tanong.
"Si Astra nasa loob ng kuwarto niya pero gising pa naman samantalang si Jasmine ay kanina pa natutulog," sagot nito sa kanya.
"Sige, salamat. Mauna na ako," sabi niya saka tumalikod agad.
"Anyari sa kaniya? Bakit parang bad mood?" puna ng isang bantay.
Agad siyang kumatok sa pintuan ni Astra para tingnan kung hindi pa natutulog ang babae.
Bumukas naman ang pinto kaya gising pa ito.
"Oh, ikaw pala Sapphire. Magandang gabi. Bakit ka naparito nang dis-oras ng gabi, may nangyari bang hindi maganda?"
"Medyo,hindi nga maganda. Puwede ba tayong mag sparing? Gusto ko lang magpawala ng inis sa katawan," aniya.
"Okay, game ako. Hindi rin naman kasi ako makatulog eh. Timing talaga ang dating mo."
Pumunta sila sa may gym.Nagsparing nga silang dalawa hanggang sa parehong napagod at bumagsak sa sahig.
"Hoy, bakit sobrang galit ka yata? Napagod tuloy ako sayo," wika ni Astra.
"Kasi naiinis at nagagalit ako kay Regor. Hamakin mo na hiningan muna ako ng kiss bago ako isinama sa loob ng Alpha Mouhiere Empire. Sino ba ang matutuwa nun? Kaaway mo tapos nahalikan ka?"Inis na sabi ni Amore.
"Hmm," tinawanan siya ng babae." Ang tuso talaga niya ha. So, dahil doon nakapasok ka talaga?"
"Oo. Pero 'di niya alam na kamay ko lang ang nahalikan niya. Mas tuso ako sa kaniya. "
"Grabi ka, at talagang pumayag ka para lang doon? Ang lakas talaga ng fighting spirit mo. Believe ako sayo."
"Kung hindi lang dahil sa gusto ko siyang pabagsakin hindi ako papayag. Boyfriend ko nga never pa akong nahalikan. Argh. I hate him," galit niyang sabi.
"Ha? May boyfriend ka na? Kailan lang? Parang wala ka namang di-in-idate ah?" kuryusong tanong ni Astra sa kanya.
Napatakip naman siya ng bibig.
"Ah, ang ibig kong sabihin kong… Hindi na iyong magiging boyfriend ko ang first kiss ko kundi ang demonyo na iyon kung nagkataon talaga," ingos ni Amore na parang bata.
Malakas ang tawa ni Astra na pinakawalan. "Kalimutan mo na iyon. Di naman natuloy e. Malay mo malapit na pala ang oras niya kaya mabuti na lang at may naiwan siyang ala-ala sayo."
"Tse, Astra naman oh. Huwag mo na akong tuksuhin. Mabuti pa bumalik na lang sa hideout. Inaantok na ako," pag-iiba niya.
"Okay, sige,"sagot niya saka maglakad na.
Bumalik sila sa hideout.
"Ay… siya nga pala, anong gagawin mo bukas ? Makipagkita ka ba kay Regor?"
"Oo, kung kinakailangan. Gagawin ko," wala sa pokus na sagot nito kay Astra.
"Ah, ganun ba? Sige, mag-ingat ka palagi. Nandito lang kami sa likod mo anumang oras."
"Sige, salamat."
Pumasok na sila sa kani-kanilang kuwarto. Napagod silang dalawa kaya inaantok na silang dalawa. At isa pa. 1:00 AM na.
KINABUKASAN ay mga alas-otso nang umaga nagising si Amore. Napasarap siya ng tulog at kanina pa pala siya niyugyog ni Scarlett pero hindi niya nararamdaman.
"Amore, gising na. Tanghali na oh," sabi nito na ikigulat niya.
Agad namang napatayo si Amore at dali-daling naghihilamos ng mukha.
"Oy, bakit hindi mo ako ginising? May lakad pa ako eh."
"Saan? Kasama na naman ni Regor? Hoy, Amore baka ma fall ka sa kagwapuhan ni Regor, ha. Be ware kalaban natin siya kahit anong mangyari, tandaan mo iyan.
"Of course, I know. Huwag kang mag-alala sa akin. Nagsisimula pa lang ako."
"Kamusta pala ang lakad mo kahapon?"
"Ah, eh---okay lang naman. Bakit?" pagsisinungaling niya. Ayaw niyang mabahala ang kaibigan.
"Wala lang, nandoon din ba si Ezekiel sa Alpha Mouhiere Empire?"
"Oo, pag-alis niya dito dumiretso siya doon at nagkita kami doon."
"Talaga ba? Sige. Halika na. Lumabas ka na. May inihanda na kaming pagkain sa hapag. Balak kasi namin na mag salu-salo ngayon. Tayong lahat ang kakain sa hapag, di ba maayos iyon saka makapag plano tayo ng maayos"
"Wow, very nice idea."
Lumabas na sila at nandoon na nga ang mga kasamahan niya.
"Good morning everyone," agad niyang bati sa lahat.
"Magandang umaga din sa'yo Sapphire," sagot ng mga ito.
"Ummm. May isa lang akong hiling sa lahat. Kapag nandito ako sa loob ng hideout puwede niyo na lang akong tawagin na Amore. Mas maganda iyon," paglilinaw niya saka umupo na sa silyang inilaan sa kanya.
"Opo," sabay-sabay na sagot mg mga ito.
"Sige na, kumain na kayo. Mamaya na lang mag-uusap ng mga plano pag busog na tayong lahat," aniya.
Agad naman silang kumain. Masaya nilang pinagsaluhan ang mga pagkain sa hapag.
Pagkatapos nilang kumain ay nagsimula na silang mag-usap.
"Ang plano ko sa ngayon ay pasukin ang Alpha Mouhiere Empire at habang pinapasok ko iyon ay may mga in-charge para pabagsakin ang mga maliliit na negosyo ni Regor. Ako ang bahala sa malalaki," saad niya
"Ano ba ang mga dapat naming gawin?"
"Ganito,"saka nagsimula na silang magplano.
Matapos ng mahabang pag-uusap ay tumawag si Regor sa kanya at gusto daw nitong makipagkita kaya umalis na siya.
Agad siyang pumunta sa mall na sinabi ng lalaki.
NASA mall sila ngayon ni Mariposa at Regor. Dinala siya dito ng lalaki dahil may gusto daw itong ibigay sa kanya.
"Hi, darling how are you?" agad na bati ni Regor sa kanya.
"Hello, handsome I'm fine," sagot niya sa lalaki.
"Kumain ka na ba?"sunod nitong tanong.
"Yes, ikaw ba?" tanong din ni Mariposa sa kanya.
"Yes. Okay, shall we go? Mamimili na pang tayo ng mga gamit mo ulit," Sabi nito.
"Wow, talaga? 'Wag na," pakunwari siyang nahihiya.
"Huwag ka nang mahiya. Sige na, darling let's go," yaya ni Regor sa kaniya saka hinatak na siya nito.
Kasalukuyan na silang nasa jewelry store.
Magaganda ang lahat ng mga alahas na nandodoon. Mga mamahalin pa lahat at latest version pa ng mga alahas.
"Pumili ka kahit anong gusto, bibilhin ko para sa'yo,"agad nitong wika.
"Talaga?"
"Oo," sagot nito sa kanyta. "Miss, paki-alalayan nga si Mariposa sa pagpili ng mga jewelries na nababagay sa kaniya," utos nito sa sales lady.
"Opo sir, ako ang bahala," sagot ng sales lady. "Tara na ma'am ipipili na kita," sunod nitong wika saka ipinakita lahat ng alahas kay Mariposa.
Lumayo ang lalaki at dumukot ng cellphone.
Nakita ni Mariposa na may tumawag kay Regor kaya nagdududa na siya sa mga kilos nito pero hindi lang siya nag pahalata.
"Ma'am ito po lahat ang mga magaganda at babagay sa'yo, puwede mo pong isukat lahat para ma tingnan kung bagay sa'yo," sabi ng sales lady kaya nawala na ang atensyon niya kay Regor
"Sige, I'll try these all," sagot niya sa babae.
Isinukat niya ang lahat ng mga iyon.
Lahat ng mga iyon ay bagay sa kaniya.
"Wow, ang ganda ninyong tingnan ma'am. Pwede kayong model ng mga alahas," puri ng sales lady sa kay Mariposa.
"Wow, perfect," singgit ni Regor mula sa kiliran. "Okay, bibilhin ko ang lahat ng mga naisukat niya Miss," sunod nitong sabi.
Ngumiti naman ang saleslady. "Sure sir, maghintay lang po kayo," sagot nito.
Pagkatapos nilang magbayad ay umalis na sila doon.
"Handsome, what bothers you?" tanong niya sa lalaki dahil parang balisa ito.
"No, I'm fine," tugon nito. "Saan mo ba gustong pumunta? Gusto mo ba ulit sumama sa akin sa Alpha Mouhiere Empire?"
"Hmmm. Puwede naman kung papayagan mo ako pero kung hindi okay lang din sa'kin," wika ni Mariposa.
"Ah, pwede ba darling, sa susunod na lang may importante kasi akong pupuntahan. Okay lang ba? Hindi kasi ako uuwi ng Alpha Mouhiere Empire may iba akong pupuntahan," nakangiting wika nito.
"Saan naman kaya ito pupunta?" usal niya sa sarili niya. "Okay lang handsome. Sige,mag-ingat ka sa pupuntahan mo. Dito mo na lang ako iwanan sa labas ng mall magpapara na lang ako ng Taxi," sagot niya.
"Sige," sagot nito saka sininyasan ang paparating na Taxi.
Agad na sumakay si Mariposa sa taxi.
"Bye, see you next time around," sabi ni Mariposa.
"Sige, see you," sagot nito sa kaniya saka kumaway.
Mula sa side mirror nakita niyang sumakay sa kotse nito si Regor at pinaandar at nagtungo sa ibang direksyon.
Tuso iyon kaya sa apartment siya nagpahatid baka minamanmanan lang siya nito at baka sinundan siya.
Bumaba na siya ng taxi at mabilis na pumasok sa loob ng apartment niya.
Tama nga ang hinala niya sinundan siya ni Regor.
Huminto lang ito sa hindi kalayuan.
Tumunog ang cellphone nito.
"Hello. Anong balita?"
"Nakabalik na pala ang kaibigang doctor ni Amore, boss. Ano ba ang mga dapat nating gawin? Ipadudukot mo pa ba?"
"Hmm. Sige. Gawin ninyo iyan. Gusto ko ng mahanap ang babae na iyon,"madiing sabi nito.
"Opo, boss. Sige bye!"
"Sige!"
Humalakhak siya sa tuwa saka pinaandar na ang kaniyang kotse. At agad na umalis.
Mula sa bintana ng kanyang apartment nakita ni Amore na papaalis ang kotse ng lalaki.
"Ano naman kaya ang binabalak ng lalaking iyon? Nahahalata na ba kaya niya na ako?"
Tumawa na lang siya at umupo sa kama niya.
"Well, kahit anong mangyayari hindi mo ako maunahan at mauutakan Regor," wika niya saka nag killer smile at saka humahalakhak na naman.
Tumunog ang kanyang cellphone. Kinuha niya ito at tiningnan.
Nakatanggap siya ng isang text na nagbabala.
"Pakisabi kay Dindo na mag-ingat siya . May balak si Regor na ipadukot siya muli."
"Sino ba ang nagtext nito?" wika niya saka tinawagan ang numero.
Sumagot ito at si Astra pala. Pumunta raw kanina si Ezekiel sa hideout at ibinalita ang planong pagpapadukot ni Regor sa kaibigan niya.
"Goddamnit ka Regor, wala ka na talagang awa. Subukan mo lang na saktan ang kaibigan ko tiyak na mamadaliin ko na talaga ang buhay mo," galit na usal niya.
Tumayo siya at llllllmlasi siya sa galit kaya gusto muna l pakalmahin ang sarili.
Pagkatapos ay tinext din niya si Dindo. Sa magiging mangyari sa kanya kung hindi siya mag-iingat.