KABANATA 41

2253 Words
KABIBIHIS lang ni Astra matapos nitong maligo. Hindi muna siya pupunta sa hideout nila. Maganda naman ang takbo ng pagpapanggap ni Amore bilang si Mariposa kaya hindi na siya mag-aalala pa sa ngayon. Binigyan siya ni Amore ng one week na pahinga. Kaya may time siyang mag-relax at manatili sa bahay niya. Kumuha kasi siya ng housing loan para may matitirahan siya na malayo sa pamilya niya. Ayaw niyang madamay ang mga iyon dahil sa trabaho niya. At malakas ang bunganga ng nanay niya at siya lang palagi ang nakikita nito. She wants her own privacy so she finds another home. Lumabas siyang nakasuot ng hang-in at shorts. Siya lang naman ang nasa bahay niya kaya kung anu-ano lang ang sinusuot niya basta komportable lang siya. Pakanta-kanta pa siyang lumabas sa kaniyang kuwarto at tumungo sa sala. Hindi pa siya nakapagsuklay ng buhok dahil balak niyang sa sala na lang siya magsusuklay. Nasa sala na siya at napatigil siya sa paglalakad. Nanlaki bigla ang mga mata niya at halos mapatakbo dahil sa pagkagulat at pagkahiya na rin mismo. Halos takpan niya ang buong katawan niya ng kumot kung may kumot lang siyang mahagilap ngunit wala. Paano ba kasi nandito sa loob ng bahay niya si Dindo. Nakaupo ito sa may sofa at nakangisi habang nakatingin sa kaniya. "What are you doing here?" galit na tanong ni Astra sa lalaki. "Bakit hindi ba puwede? Sige aalis na ako," wika nito saka tumayo. "Hoy, bakit nasa loob ka nang bahay ko? Paano ka nakapasok, ha?" kuryusong tanong niya sa lalaki na nakangisi pa rin. "Well, basic lang naman. Nalaman ko ang pincode ng pintuan mo, so, nakapasok ako sa bahay mo miss Zion Czen Sarmiento!" sagot sa kanya ni Dindo na nakapamewang habang papalapit sa kaniyang kinatatayuan. "Why did you know my real name? Saan mo nalaman, huh? Are you stalking me?" galit na tanong niya sa lalaki. "Well, nagtanong lang ako sa mga kakilala ko. Hindi ko inaasahan na ang ganda pala ng pangalan mo at akma naman dahil kasing-ganda mo Astra," he replied with a wide grin in his face. "Sinong kakilala? Walang may nakakaalam sa alyas at pangalan ko maliban sa kay Jasmine!" she said sarcastically. "Well, isipin mo na lang ang gusto mong isipin!" "Umalis ka na. Alis!" Sabi niya sa lalaki saka itinuro ang pintuan. "Ow? Iyan ba ang trato mo sa bisita mo?" "Hindi kita bisita kaya umalis ka na!"pagtataboy niya sa lalaki. Tumawa lang si Dindo saka mas lumapit pa ito sa kaniya. Napapaatras naman siya. "Anong kailangan mo sakin?" she asked him sarcastically. "Wala lang naman. Binisita ka lang, matagal na rin naman kasing hindi na tayo nagkikita mula ng makauwi ako sa pamilya ko," pamaang nitong sagot sa tanong niya. "So, anong paki-alam ko?" Lumapit ito sa kaniya. "Wala ka ba talagang pakialam sakin? Kahit na gusto na naman akong ipadukot ni Regor? Wala ka ba talagang pakialam sa maaaring mangyayari sakin?" "Wala, as in wala. Akong…Paki-alam... Sayo. Bakit kaano-ano ba kita?" madiing sabi niya kay Dindo. Gusto pa sana niyang umatras pero dingding na ang nasandalan niya. Lumapit ito sa kaniya nang lumapit at basta-basta na lang siyang ikinulong ng lalaki sa kanyang mga braso. "Ano ba? Let me go," sabi niya na pilit inilalayo ang mukha niya sa lalaki. "Hmm. Papakawalan lang kita kung tatanggapin mo ang alok ko," sagot nito sa kanya. "Ano ba iyan?" "Gusto kitang maging bodyguard ko," sabay ngiti. "What? Body guard mo? It's impossible, nakakatawa ka naman," panunuya niya sa lalaki. "At bakit? Huh? Sige, sasabihin ko kay Amore na ayaw mo. Wala ka din namang kawala kung siya na mismo ang mag-uutos sayo," sabi niya na may pagbabala. "Wala akong paki-alam kung kahit sa president ka pa magsumbong. Alam mo kung tutuusin pwede naman kitang itulak at palabasin sa bahay ko kahit anong oras na gusto ko kaya please umalis ka na hanggang hindi pa nauubos ang pasensya ko," mariing wika ni Astra sa lalaki. Umatras naman si Dindo. "Okay, I'm sorry. Ang tapang mo talaga. Wala kang kinatatakutan." Seryoso niyang sabi na may tunog paghanga. "Ganyan ba talaga ang itinuro ni Amore sa inyo?" he ask with a wide grin in his face. "Of course. Kung tapos ka na, maaari ka nang umalis," sabi niya saka tumalikod na. "Wait, ano payag ka na ba?" "No. The hell no!" sabi nito saka pumasok sa kuwarto niya. Napakamot na lang si Dindo sa ulo niya at lumabas na. Napa-isip siya ng isang paraan para makuha niya ang tiwala ng babae. Papalabas na siya sa subdivision ng may nakita siyang nag-aabang sa kaniya. Tauhan siguro ito ni Regor. "Hmm. Sige, dukutin nyo ako para magiging body guard ko na si Astra," wika niya saka pamaang naglakad. Nakahanda na siya sa maaring gawin niya. Naisipan niyang tatakbo pabalik sa subdivisions kapag sumugod ito sa kaniya. "Ikaw, huminto ka," sabi sa kaniya ng isang malaking lalaki. Hindi niya ito pinansin. "Hinto, kapag hindi ka huminto masasaktan ka!" Sunod nitong sabi. Huminto siya at hinarap naman niya ang lalaki. "Bakit po? Anong kailangan ninyo?" "Sumama ka sa amin ng matiwasay kung ayaw mong masaktan." "Bakit po? Wala po akong kasalanan sa inyo," pagmamakaawa niya. Tinutukan siya ng lalaki ng kutsilyo. SAMANTALANG si Astra ay lumabas na sa kuwarto niya at nag-ayos na ito ng sarili. Nagpalit na rin siya ng damit dahil nang buksan niya ang kaniyang ref ay walang laman kaya naisipan niyang mamili sa malapit na grocery store. Naglalakad na siya palabas sa subdivision. Napatigil siya ng may narinig siyang ingay. "Kuya huwag naman. Nagkakamali po kayo isa akong doctor kaya hindi po ako ang lalaking iyan. Maawa po kayo," pagmamakaawa ng lalaking nakatalikod habang tinututukan naman ng kutsilyo ng isang lalaki. "Ah talagang ayaw mong sumama. Lumabas na kayo sa kotse. Gulpihin niyo to!" pagkasabi ng lalaki ay mabilis niyang dinis-armahan ang lalaki at tumakbo pabalik sa subdivision. "Hulihin ninyo," utos ng lalaki sa mga kasamahan niya. Laking gulat ni Dindo ng may kung sinong humablot sa kaniya dahilan para matumba sila sa may damuhan. Hindi niya sinasadya na madaganan at mahalikan ang babae. Laking gulat niya na si Astra. Tinakpan ng babae ang bibig niya. Nahulog sila sa may gilid ng kanal pero may mga d**o kaya hindi sila narumihan. "Sige, hanapin ninyo hindi pa siya nakalalayo," rinig na rinig nila ang boses ng humahabol sa kanya. "Boss, wala talaga. Umalis na lang tayo baka makita pa tayo ng mga guards ng subdivisions." "Sige, pull out. Kung hindi natin siya nakuha ngayon baka bukas madadala na natin siya." Nakahinga naman sila matapos marinig na umalis na ang mga iyon. "Thank you for saving me Astra," sabi niya. "Mamaya ka na magpasalamat. Tumayo ka muna ang bigat mo. Grabi ka, na hali—Ah nevermind." "I'm so sorry," sabi nito saka tumayo na at hinatak ang kamay ni Astra para makatayo. "So, paano na 'to dahil pinapadukot ka na naman ni Regor?" "Ewan ko. Siguro I need you. Pumayag ka na maging bodyguard ko, please." "Hmm. I will think about it. Sige diyan ka na," sabi ni Astra saka tumalikod na. "Hey, wait!" Hindi na siya hinintay ng babae. Napangisi naman siya. Dahil nararamdaman niyang mapapapayag na niya ang babae. KAAGAD na bumalik sa hospital si Dindo. Pinatawag agad siya dahil may ooperahan daw sila. Hindi mawala sa mukha nito ang ngiti. Parang baliw. Hindi siya nagdamdam ng kaba sa halip ay masaya pa siya. "Where is my new patient?" tanong niya sa babaeng kasamahan sa operation. "Nasa operating room na Doc. Aba parang ang saya nyo ah," puna nito sa kanya. "Ah, ganun ba? Sige!" sagot niya. Pumasok na siya sa Operating room at agad nilang isinagawa ang operation. Magaling siyang surgeon kaya napaka-successful ng operation. Paglabas niya sa loob ng operating room agad na lumapit sa kanya ang pamilya ng batang inoperahan niya. "Doc, kamusta ang anak ko?" "Maayos na ang lagay niya. Successful ang operation niya." "Salamat doc!" "Walang anuman po. Sige po mauna na ako," sagot niya habang nakangiti. Mas lalong sumaya ang puso niya na hindi niya alam kung bakit. "Papayag na kaya si Astra na maging bodyguard ko?" Nakangiting wika niya saka pumasok na sa opisina niya. Natapos ang buong araw niyang duty sa hospital pero hindi nagparamdam sa kanya si Astra. Tiningnan niya muna ang paligid ng lobby at sa 'di kalayuan kung may kahina-nalang mga tao pero parang wala naman. Doon siya umikot at dumaan sa bandang likuran ng hospital para makasigurong ligtas siyang maka-alis. Ipinadala niya ang kaniyang kotse sa driver niya kanina at pina-parking sa likuran. Agad siyang sumakay sa kotse niya at bumalik ulit sa subdivision kung nasaan ang bahay ni Astra. Mabilis siyang nakarating at ibinilin na lang niya sa labas at pinabantayan ang sasakyan niya. NASA harapan siya ngayon ng bahay ni Astra. Nag-doorbell na siya at hindi na ginawa ang mga da moves niya kanina at baka mapatay siya ng babae Nanonood naman ng kdrama si Astra. At napapatili pa ito habang nakikita si Lee Min Ho. Idol niya kasi ito. Narinig niyang may nagdo-dorbell kaya tiningnan niya muna kung sino ito. Napatampal naman siya kanyang noo ng makitang si Dindo ang nasa labas. "Ang kulit, ano naman ba ang naiisip nito? Bakit nandito siya? Alas diyes na nang gabi ah," wika niya saka nag-isip muna kung bubuksan ba niya ng pinto ang lalaki. "Hmm. Sige na nga lang," wika niya saka binuksan ang pinto. "Magandang gabi Astra. Pwede bang dito na muna ako? Natatakot na kasi akong umuwi baka inaaabangan nila ako sa labas ng bahay namin," agad nitong wika. "Ano? Hindi. Hindi pwede," akma niyang isasara ang pinto. "Wait, sige na. Please!" "Umuwi ka na. Sige na alis na!" sabi nito saka isinara na ang pinto. "Bahala ka sa buhay mo. Umuwi ka kung gusto wala na akong paki-alam. Malaki ka na at sabi mo noon marunong ka na sa self defense natalo mo na nga ako eh," sabi nito saka bumalik sa sofa at nanuod ulit ng kdrama. Napatili ulit siya ng makita si Lee Min Ho. Ito ang mga type niyang lalaki. Fun din naman siya ng ibang kpop pero mas fun na fun siya ni Lee Min Ho gusto nga sana niyang makita ito in person para makapag pa-picture. Nasa kalagitnaan na siya ng panunuod ng "The City Hunter" ng muli niyang marinig si Dindo na nanghihingi ng saklolo. Na-alarma siya kaya agad siyang napatayo sa kinauupan. "Tingnan natin Astra kung hindi mo ako bubuksan ng pinto," usal niya saka sumigaw na parang sinasaktan. "Aray, tulungan mo ako Astra, tulong!" Napapangiti siya sa drama niya. Kinabahan naman ang babae sa loob kaya madali niyang binuksan ang pinto. Napatampal ulit siya ng kanyang noo nang makita si Dindo na nakangisi sa harapan niya. Walang ni isang gasgas. Parang gusto niyang batukan ang lalaki. "Please, let me in. Dito na ako matutulog please," ingos nito. "Argh. What? Bakit ba ang kulit mo? Tama na nga ito. Ayaw kong may ibang tao dito sa bahay ko,"galit niyang wika. "Please, go home now!" turo niya sa pintuan. "Please, luluhod pa ba ako sa harapan mo?" "Ano? Hoy, tama na nga iyang drama. You better go home na dahil baka hinahanap ka na naman ng mga magulang mo." "Nagpa-alam na ako at nasabi ko na naghahanap na ako ng personal bodyguard para bantayan ako. At ikaw ang naisip kong mainam na maging bodyguard ko." "Nakakainis ka. Sige na nga. Pumasok ka na. Papayagan kitang dito ka ngayon matulog pero bukas dapat maghanap ka na ng safe na lugar na pwede mong pagtaguan." Sa wakas napapayag na niya ito. Sobrang saya niya. "Talaga? Papayag ka na? Pero bakit hanggang bukas lang? Di ba pwede na hanggang sa susunod pang araw?" "Pumasok ka na at kung hindi pa baka magbabago pa ang pasya ko!" Pumasok na nga siya at malaki ang ngiti sa mukha niya. "Nakakain ka na ba?" "Ah, Hindi pa nga eh. Pwede ba akong makikain?" "Sure. Ikaw na lang ang bahala na maghanap ng pagkain diyan sa ref. Total makulit ka edi feel at home. Aayusin ko lang ang magiging kuwarto mo Doctor Dindo Ruiz, okay ba?" sarkastikong wika ni Astra. "Sure. I like it. Sige ayusin mo nang mabuti ha," sabi niya kay Astra sabay kindat. Umismid lang ito saka pumasok na sa isa pang kuwarto at inayos iyon. Kumain naman si Dindo at pagkatapos niyang kumain ay agad niyang kinausap si Astra na nanonood pa rin ng kdrama. Panay ang salita niya pero walang effect iyon dahil pokus na pokus iyon sa pinapanood niya. Lumapit si Dindo at umupo sa tabi niya. "Ano ba ang pinapanood mo?" "The City Hunter, ang guwapo talaga ni Lee Min Ho, ayiee. Nakakakilig." "Ano? Guwapo daw? Mas guwapo pa ako diyan. Kaya harapin mo ako!" "Ano?" Humarap nga ito sa kanya. "Sabi ko mas guwapo pa ako sa kanya este, payag ka na bang maging body guard ko?" "Bwesit, ano ba? Ang feeling nito. Oo na nga. Pero sa isang kondisyon. Bayaran mo ako ng 50, 000 a month. Kung ayaw mo edi huwag," wika nito nang bigla itong tumayo at namaywang. "Ouch, ang mahal naman," usal niya. "Oh, ano na? Deal or no deal?" She asks him sarcastically. "Okay, fine. Babayaran kita ng 50,000 a month. Sige lang basta pumayag ka lang," Siya na ngayon ang napipilitan. "Okay. Copy. Sige. Matutulog na ako. Doon ka na sa kabilang kuwarto," wika ni Astra saka pinatay Ang laptop niya. Tumayo, saka tumalikod na at pumasok sa silid nito.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD