AHI SC 2 “LET'S GO,”anito. Niyaya niya si Astra sa isang party. Pero parang naguguluhan naman ito dahil sa suot nilang dalawa, pupuntang party, pero nakasuot ng puri puti? Di niya alam kung binyagan o kasalan ang pupuntahan nila. “Bakit kailangan ko magsuot ng white na formal dress? At ikaw ay naka-tuxedo rin na kulay puti? Kaninong party ba ang pupuntahan natin?” di maiwasang tanong ni Astra. Ngumiti lang si Dindo at niyakap ang nubya. “It's a secret, alam ko kung sasabihin ko ay hindi ka sasama sa’kin,” wika nito. Hinarap siya ni Astra, and she gently pinch his nose. “Asus, sige na nga. Baka mahuli pa tayo sa party, nakakahiya.” Lumabas na sila ng apartment ni Astra. Sinundo niya ang babae dahil permanente na talaga itong nanirahan sa apartment niya at pa minsan-minsan namang d

