ONe year later, isa nang ganap na guro si Lita matapos na maipasa niya ang kanyang Licensure Examination for Teachers. Tuwang-tuwa ang mga magulang niya at pati na sina Amore at Liam. "Congratulations Lita, you're the best! I'm so proud of you," bati ni Amore na talagang nagpahanda pa para sa unang araw ng pagiging ganap niyang guro. Siya ang kauna-unahang guro na magtuturo sa mga kabataan sa Isla. Masaya rin siyang natupad na lahat ng mga pangarap niya, hindi lang sa pamilya niya kundi para sa buong isla, para sa mga kabataan na nangangarap din ng tulong upang makapag-aral. Malaki ang pasasalamat niya kina Amore dahil sila ang naging tulay sa kanyang tagumpay. "Salamat ate, Amie. Kung hindi dahil sa inyo ni Kuya Yam, hindi ko maabot ang pangarap ko sa buhay. Kayo ang dapat na pas

