KABANATA 14

2234 Words
NAIINIP na si Amore sa katatawag ng numero ni Scarlett,pero hindi pa rin ito sumasagot. Natanggap na niya ang reply nito kaya tinawagan niya ang kaibigan ayun sa sinabi nito sa kanya. Dahil sa kawalan ng signal sa isla kaya ngayon lang niya natanggap ang text message mula kay Scarlett. Nakadalampung beses na siyang mag-dial pero wala pa ring sumasagot. Nag-ri-ring lang ito. Kinakabahan na siya at baka may nangyari nang masama sa kaibigan niya. Hindi ito typical na tao na hahayan na lang ang cellphone nito na mag-ring at hindi sinasagot. Dala-dala nito palagi ang cellphone na may access siya kaya bakit nagkakaganito. Naalala niya ang masamang panaginip tungkol kay Scarlett. Huwag naman mangyari ang kinatatakutan niya. "Scarlett please, answer your phone. I'm just worried about you. Scarlett please," usal niya habang napapaluha na. Mahal niya itong kaibigan niya dahil tinuturing na niya itong kapatid kagaya sa pagtrato niya kay Dindo. Nakita siya ni Liam kaya pumunta ito sa kinaroronan niya. Si Lita na muna ang nagbantay sa karenderya nila. Mabuti na lang at nandiyan si Lita kaya hindi na sila masyadong nahihirapan sa mga gawain. Napa-upo at tayo na siya. Paulit-ulit pa rin niyang tinatawagan ang numero ni Scarlett. Hindi siya titigil hanggang hindi ito sumasagot sa tawag niya. Ito lang ang inaasahan niyang makakatulong sa kanya para maisakatuparan ang plano niyang pagpapabagsak kay Regor. Si Dindo hindi na rin niya nakontak ulit. At ayaw na naman niyang masangkot ang kaibigan sa gulong pinasok niya. "Am, kamusta na? Nakontak mo na ba ang kaibigan mo?" agad nitong tanong. "May nangyari bang masama, Amore sagutin mo ako. Hoy!" sunod pa nitong tanong ng mapansin na tumutulo na ang mga luha nito. "Liam, hindi niya sinasagot ang cellphone niya. Tumutunog lang sa kabilang linya pero ang dami ko nang dialed calls pero wala ni isang sagot. I'm just worried about her baka may masama nang nangyari sa kanya." Umiiyak na siya sa pag-aalala. Matapang siyang tao pero umiiyak din siya kapag mahalagang tao na ang naiipit dahil sa paghihigante niya. "Huwag naman sana. Halika na umuwi na tayo, ang init na dito sa kinatatayuan mo. Sige ka, baka umitiim ka na niyan, di ka na magkaka-boyfriend o di kaya'y di kana makikilala ni Lysander pagbalik niya." Pilit siya nitong pinapatawa at pinapalis ang kaba at pag-aalala nito sa kaibigan niya. Hindi siya sumagot sa kung anu-anong pinagsasabi ni Liam, gusto lang niyang umiyak. "Ipagpaliban mo muna ang pagtawag sa kanya, baka busy lang iyon at naiwan ang kanyang cellphone sa bahay niya." "Liam," sambit niya saka niyakap ang lalaki. Nagtatangis na talaga siya. Nabigla man si Liam sa ginawa niya pero pagkakataon nga naman ay sumasang-ayon. Matagal na siya nitong gustong yakapin. Pinakalma niya si Amore at tinapik-tapik sa likod. Mas subra siyang nasaktan dahil sa nakikita niyang kalungkutan ni Amore. Akala niya astig ito at hindi iyakin pero madamdamin din pala. "Sige na, tahan na. Lalaki mamaya iyang mga eyebags mo. Magmumukha kang zombie niyan, sige ka. At baka makita iyan ni Tiyo Gusting tiyak na papagalitan talaga ako noon. Tahan na aking Mahal, tahan na," pabirong wika nito pero may pag-aalala. "Liam,nagbiro ka pa. Gusto ko lang naman umiyak. Kung anu-ano na pinagsasabi mo.Minsan ang ingot mo!" sagot sa kanya ni Amore habang nakatawa. "Maganda pa rin naman ako kahit malalaki ang mga eyebags ko. Di joke lang. Liam, thank you pala sa pag-comfort sa akin. Ang sarap mo palang yakapin ,ano?" Birong-totoo niya sa lakaki. Napapangiti na siya sa wakas. "Sana araw-araw na lang kitang kayakap. Tss, ano ba Amore? Tumigil ka, ang landi mo. May problema ka ngayon, iyon ang aatupagin mo hindi ang karupukan mo," saway niya sa kanyang sarili. Umandar na naman ang maharot niyang utak. Tumawa rin si Liam. "Siyempre gusto lang kitang mapasaya, di mapaparisan ng anumang bagay ang mga ginagawa ko ngayon kaysa sa mga nagawa mong tulong sa akin noon. Kaya kahit sa maliit na bagay gusto kong makabawi sayo." "I will do everything so I can help you Am, pangako ko iyan sa'yo. Mahalaga ka sa'kin that's why I want to be by your side always." "Sige umuwi na tayo ang init na talaga. Tayo na talaga ang mga best actors dito, kahit sa gitna ng mainit na sikat ng araw ay nakuha pa nating magdrama. Tss," pagbibiro ni Amore. Sabay naman silang natawa sa sinabing iyon ni Amore. Hindi na siya malungkot dahil nakuha na niyang magpatawa. Saglit na niyang nakalimutan ang kanyang labis na pag-aalala kay Scarlett. Bumalik na sila sa bahay. Mas mabuti pang maging abala siya para pansamantalang makalimutan niya ang problema at pag-aalala. Nasa karenderya si Tiyo Gusting at nakikipag-usap sa mga kaibigan nitong mga kapwa rin mangingisda. Masaya ang mga ito habang nagkukuwentuhan. Nagsipaghalakhakan pa nga eh. Agad na bumaling sa kanya ng tingin ang Tiyo Gusting niya, siguro napansin nitong namumula ang mga mata niya. "Ah. Eto na si Amie ang aking pamangkin. Siya ang may-ari nitong karenderya. Masarap din itong magluto gaya ko. Tamang-tama dahil sa mahilig siyang magluto kaya tiyak ko na lalago itong negosyo nila ng kanyang asawa. Si Yam ang asawa niya. Heto tingnan ninyo at ang guwapo, di ba?" saad ni Tiyo Gusting nang buong puso silang pinagmamalaki sa mga kaibigan nito. Nagsipagtanguan naman at nagsipag-ngiti ang mga ito sa kanila kaya nginitian din nila ang mga iyon pabalik. "Hello po sa inyo. Pasensiya na kayo at magta-Tagalog pa rin po ako sa pagsasalita, hindi kasi nakakaintindi pa ng Bisaya ang asawa ko. Magsalita lang po kayo ng bisaya at ako ang bahalang mag-translate niyon." "Ah. Mao ba? Ang guwapo nang asawa mo Amie. Dili angay nga dinhi siyag mupuyo sa atuang isla. Datu man ang histura niya, Amie," puna ng isang kaibigan ni Tiyo Gusting. He's right though. "Ano daw Mahal ang sabi niya? May kaunti naman akong naiintindihan kaso di lahat ng mga sinabi niya na gets ko!" tanong ni Liam. Nagkatawanan naman sa paligid. Nakitawa na rin si Liam para hindi siya ma-out of place sa mga kasamahan nila. "Ah! Ang sabi niya ganito: Talaga ba na hindi ka nakakaintindi ng Bisaya? Saka ang guwapo daw ng asawa ko, parang hindi ka daw nababagay na tumira rito sa isla dahil mukhang mayaman ka. Ganun lang iyon. Sa susunod mag-aral ka ng Bisaya at tuturuan kita." Nakangiting paliwanag ni Amore.Di rin naman siya 100 percent sure na nakakaintindi ng Bisaya e, kukunti lang din naman. "Ah." Malakas na natawa si Liam. "Ganun lang pala iyon. Ang babaw ko naman para hindi makaintindi ng Bisaya. Filipino ba talaga ako? Sige ba, turuan mo pa ako." "Ayan naman pala eh. Sige, ako ang bahala." Nagsipagtawan na naman ulit ang mga kaibigan ni Tiyo Gusting. Nakisabay na rin sina Amore sa kanila. Si Lita ganun na rin. Sila-sila lang din naman ang nagkakaintindihan sa mga pinag-uusapan nila. Medyo na out of place (OP) siya pero pinilit pa rin niyang makisabay para na rin hindi masabihan na ang KJ niya. Dapat na makihalubilo siya sa mga taga-rito. Mabuti nang makuha niya ang loob ng mga tao rito para makapamuhay siya ng matiwasay at malayo sa gulo. Nang sumapit ang hapun ay may natanggap na isang text message si Amore na galing sa di kilalang numero. Nagkataong nakanahap ulit siya ng signal. *Bakit ka nga pala tumatawag sa cellphone ni Jasmine? Ano ka ba niya? Paki-reply. ASAP!* Kinabahan siyang muli dahil ibang tao ang may hawak ng cellphone ni Scarlett at bakit nito alam ang code name ng babae na ginagamit sa OMARE CORPs. Nireplyan niya ito ng makahanap na siya ng magandang signal. *Kaibigan niya ako at ikaw sino ka ba? Bakit ikaw ang may hawak ng cellphone ni Jasmine? Nasaan ba siya ha? Please reply!* Nagreply naman ito kaagad sa kanya. *Isa ako sa mga kakilala niya. Ako si Astra.* Kilala niya si Astra. Isa sa mga kasamahan niya. Mas nagulantang siya sa sumunod na reply ni Astra. *She's in a critical condition, but don't worry she is brave and I know she can survived* Nireplayan niya ito agad pabalik. Pumatak ang mga luha niya. So, tama ang nasa panaginip niya, nagkatotoo. *Papaanong nangyari iyon, Astra? Sino ang may gawa nito sa kanya? Ha? Sabihin mo at maniningil ako sa may salarin* Nagreply naman ito ulit sa kanya. *Hindi ko pa natitiyak kung sino pero pumunta siya sa isang building, mabuti na lang na sinundan ko siya dahil may gusto akong sasabihin sa kanya. Nagmanman lang ako sa paligid dahil hindi ako makapasok, bantay sarado ang lugar. Maya-maya nakarinig ako ng mga putok na mula sa loob kaya nagtago ako. Nagulat nga ako nang makita na kinakaladkad na siya ng dalawang lalaki habang duguan. Pagkatapos may isa pang lalaking kumuha sa kanya at dinala papuntang gubat. Naghukay iyon ng lupa, siguro paglilibingan nito kay Scarlett. Pinukol ko sa ulo ng baril na hawak ko ang lalaki kaya nawalan iyon ng malay. Saka dinala ko siya dito sa hideout. May gumagamot naman sa kanya na isang magaling na doctor. Huwag ka nang mag-aalala. Kinuha ko na rin ang lahat ng mga gamit niya nitong tanghali lang. Naiwan iyon lahat sa bahay niya. Her important things and belongings are now safe. Even her gathered evidences.* Halos hindi makapaniwala si Amore sa kanyang nabasa sa mga text. Scarlett is in critical condition?Tumulo na naman ang kanyang mga luha, nanginginig siya. Kahit na nanlalabo ang mga mata niya dahil sa luha ay sinubukan pa rin niyang magreply. *Paki-usap gawin ninyo ang lahat ng makakaya ninyo, hindi ko mapapatawad ang sarili ko kapag may masamang mangyari sa kanya. Hindi ko gusto na may mga mamamatay ng dahil sa'kin. Kaya paki-usap protektahan niyo siya.* Napa-upo na siya sa may buhanginan. Hindi na siya nakakuha ng lakas na magtanong ulit. Nanlalambot na ang mga tuhod niya. Ni halos hindi na niya maigalaw ang mga paa niya. Nanginginig siya sa subrang lungkot at may halong galit. Halo-halo ang kanyang nararamdaman. "Magbabayad ang walang awang gumawa nito sayo, Scarlett. Maniningil ako. Hintayin niya lang ang pagbabalik ko at talagang matitikman niya ang tamis ng aking paghihigante," sigaw niya. Hindi naman iyon maririnig ng mga tao dahil malayong-malayo siya. Nakita siya ni Liam kaya tumakbo ito sa kinaroroonan niya. "Am, ano ba ang nangyari sa'yo? Bakit ka na naman umiiyak?" "Liam, she's not fine. According to Astra; one of our comrades who texted me, my friend is in critical condition. Hindi ko alam ang gagawin ko ngayon. Alangan namang lumipad ako papunta roon." "Liam, bakit nangyayari ito sa akin? Karma ko na ba ito sa paggiging masama ko at mamamatay tao? Liam, bakit kaya nangyayari ito sa akin?" Tumatangis na naman siya. Sinisisi niya ang kanyang sarili sa nangyari. "Tumayo ka na riyan. Huwag mo nang sisihin ang sarili mo. Wala ka namang magagawa pa sa ngayon. Siguro kakayanin iyon ng kaibigan mo. Mabubuhay siya. Kaya please tumayo ka na riyan, parang bata ka na inagawan ng lollipop. Baka makita ka ng Tiyo Gusting sa ganitong sitwasyon, baka anong iisipin niya." Inalalayan niya ang babae na tumayo. Sa pangalawang pagkakataon ay niyakap siya nito ng napakahigpit. Ni ayaw nitong bumitiw sa kanya mula sa pagkakayakap. Kinakailangan nito ng comfort niya. Tanging si Liam lang naman ang mapagsabihan niya ng tungkol sa mga problema niya. Walang kaalam-alam ang Tiyo Gusting niya sa kanyang totoong pagkatao. Ayaw na ayaw niyang madamay pa ito sa gulong sinuong niya. Niyakap din ni Liam pabalik si Amore. Kanina nalungkot na siya sa kanyang nasaksihan ng umiyak ang babae sa unang pagkakataon na Nakita niya dahil sa subrang pag-aalala, ngayon parang dinudurog muli ang kanyang puso nang makitang labis na itong nasasaktan. Walang tigil ang babae sa kakaiyak. Nabasa na nga ang t-shirt niya dahil sa mga luha nito. *Amore,please stop crying because my heart is also melting. Ano nga ba ang magagawa ko para matulungan ka? Ano nga ba?* Naawa na talaga siya rito at parang gusto niya itong pigilan laban sa binabalak nitong paghihigante pero sino siya sa buhay ng babae, isa lang siyang hamak na kaibigan para dito. Ayaw niya itong masaktan ni kahit magalusan. He really value what he treasures and his feelings towards her. "Liam, sana palagi ka lang nasa tabi ko. Sana lagi ka nalang nadiyan at yayakapin ako kapag nalulungkot ako. Sana noon ka pa dumating sa buhay ko. Pero paano naman ako makakasiguro na hindi ka aalis sa tabi ko kapag nagsawa ka na sa pagtatago at pagbabalatkayo sa islang ito? Paano ako makakasiguro na hindi mo ako tatatraydurin gayung alam ko na kapatid mo ang mortal kong kaaway?" nasa isip ni Amore ng mga sandaling iyon Pagkatapos nitong umiyak at binasa ng mga luha ang t-shirt ni Liam ay humiwalay na siya sa pagkakayakap dito. "Liam, I need to unwind. Gusto kong pumunta sa Tinagong Isla ng mag-isa. Dito ka lang. Mamaya kapag okay na ako uuwi din naman ako. Pakisabi na lang kay Tiyo Gusting na aalis ako. Magrerenta lang ako ng bangka papunta roon. Sige, aalis na ako." Naglakad na siya agad. "Am, Tika lang. Talagang gusto mong mapag-isa? Baka mapaano ka?" "Don't worry. I'll be back as soon as possible. I want to unwind." Lumingon ito at ngumiti. Wala nang nagawa si Liam kundi hayaan na lang ang babae na umalis, ayaw naman niya itong magalit at dagdagan ang problema nito Amore is quite strong compared to other women he knows. Indeed,Amore is stronger than him.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD