KABANATA 15

2011 Words
"KAMUSTA na siya?" bungad na tanong ni Astra kay Dindo. Katatapos lang nitong gamutin si Scarlett. Siya na mismo ang inutusan ni Astra na gamutin ang babae dahil nandirito na naman siya sa hideout at isa siyang magaling na doctor at surgeon. Para saan pa ang propisyon nito kung hindi naman mapapakinabangan, di ba? "Huwag kang mag-aalala nasa stable condition na siya. Mga tatlong araw siguro magigising na rin siya. Mapalad siya at kahit mga malulubha ang kanyang natamo na mga tama ng baril ay nakaligtas pa rin siya sa bungit kamatayan," tugon nito. "Magaling. Maraming salamat sa'yo Doc Dindo. Pwede ka naman pala naming mapagkatiwalaan. Sana ngayon ay madadala ka na at huwag mo na muling balakin n tumakas dito. Nakita mo naman ang nangyari kay Jasmine. Sana sa ngayon ay lumiwanag na ng isipan mo. Kapakanan mo lang naman at kaligtasan ang hangad namin." Senirmunanan siya ni Astra. Totoo naman,kaya dapat huwag na siyang magmatigas ng ulo. "Okay. Dito na ako sa ngayon. Aasahan ninyong tutulong ako sa inyo." Minsan na siyang tinakot at sinaktan nina Regor kaya galit din siya sa lalaki, di ito patas sa lahat ng bagay. "Sige. Salamat!" "Paumanhin sa'yo Astra, kailangan ko nang lumabas. Tawagin niyo lang ako kapag may kailangan kayo sa'kin nasa kuwarto lang ako. Aasahan ninyo na hindi na ako tatakas." "Sige." Naiwan sa loob ng kuwarto si Astra. Mataman niyang pinagmamasdan ang kaawa-awang mukha ni Scarlett. Humanga talaga siya sa tapang ng babae dahil nakuha pa nitong mabuhay. "Jasmine, magpagaling ka. Ako na muna ang bahala sa mga misyon mo. I already know who's behind this. Be strong dahil sisingilin pa natin ang mga walang awang gumawa nito sa'yo. Sa mga nakita kong ebidensya may alam na ako ngayon kung sino ang maaaring gumawa nito sa'yo. At ayon din sa mga impormasyon na nakalap ko kay Regor Marcial ang building na pinasukan mo." Kinakausap ni Astra si Scarlett kahit tulog naman ito. Hindi naman siya sigurado na maririnig siya nito pero pinapatatag lang niya ang kalooban nito. "Ang ganda din naman pala ng totoo mong pangalan Jasmine. "Scarlett" what a beautiful name. Hindi ko malilimutan ang araw na sinagip mo ako sa mga lalaking gustong gumahasa sa'kin. Kung hindi dahil sa'yo siguro patay na ako ngayon. Salamat sa'yo dahil iniligtas mo ako at marami pang iba, kayong dalawa ni Sapphire. Tinuruan ninyo ako ng self defense." Sa pagsi-sentimento ni Astra, naalala niya muli kung paano siya tinulungan ng babae. Galing sa trabaho si Astra at pauwi na siya. Gusto niyang magtipid dahil marami siyang gastusin. Pinili niyang maglakad na lang. May kadiliman ang daan at paminsan-minsan lang lumiliwanag ang madaraanan sa tuwing mayroong street light. Nakakatakot ang daan pero no choice siya. Marami siyang mga dapat bayaran plus pa ang nanay niya na daig pa ang lending kakahingi ng pera sa kanya. Siya ang bread winner ng pamilya. Kahit kinakabahan siya na anytime ay may mga taong hold upper at basta na lang siyang tutukan ng kahit anu mang klase ng baril ay tiyak na ikakamatay na niya pero naglakas loob pa rin siyang maglakad. Nasa kalagitnaan na siya ng paglalakad at madaraanan niya ang isang madilim na kanto. Agad siyang kinilabutan. Guest what, ang kinatatakutan niya at nagkatotoo. Gusto niyang kumaripas ng takbo pero natatakot siya. Patay pa rin naman siya kung sakali. May nakita siyang tatlong kalalakihan, naninigarilyo at hinarang siya ng mga ito. Naka-bonnet ang mga ito at may mga dalang kutsilyo. Gash, killer ba sila o hold-upper lang. Pero either the two ay pareho siyang mamamatay ngayon. Baka addict or r****t na rin. Gusto man niyang kumaripas ng takbo pabalik sa dinaanan niya kanina pero huli na dahil pinalibutan na siya agad ng tatlong kalalakihan. Tinutukan agad siya ng mga ito ng matatalim na kutsilyo. Napataas niya bigla ang dalawa niyang kamay. Kahit nanginginig siya sa takot ay lakas loob pa rin siyang nagmakaawa at sumigaw. "Kung pe...pera.. lang po ang habol ninyo sa'kin. Sa inyo na po itong wallet ko. Maaawa po kayo sa akin, huwag niyo po akong saktan. Mahirap lang po kami at ako po ang bread winner sa pamilya namin kaya po maawa kayo sa akin," umiiyak niyang pagmamakaawa sa mga lalaki na kanina pa ngumingisi. Pero parang wala namang narinig mula sa mga pagmamaka-awa niya. Nagbibingi-bingian ang mga ito. "Wow, pare maaawa ba tayo sa magandang dilag na ito? Parang sayang naman kapag pera lang ang habol natin. Di ba pwede ring gawing libangan. Maganda at sexy ito oh. Jackpot tayo rito,"wika ng lalaki. Mukhang leader sa kanilang tatlo. "Huwag po. Maawa po kayo. Ibibigay ko po ang lahat huwag niyo lang po akong saktan o patayin," nanginginig na siya sa subrang takot. Ayaw pa niyang mamatay,tiyak magagalit pa rin ang nanay niya. Wala nang magbibigay rito kapag nagkataon. "Tumahimik ka Miss ganda. Pwede nga. Paglawayan natin muna ito bago itapon na parang basura." Tumawa ito pagkatapos. Demonyo talaga. Kinilabutan siya. Tumawa rin ang isa pa. "Oo nga. Sige ako ang mauuna at sumunod na lang kayo. Ha ha ha, dadalhin natin siya sa may tambayan mga pare, tiyak na mapapasaya niya tayong tatlo." Hinawakan na siya ng dalawang lalaki. "Huwag po. Maawa po kayo." Nagmamakaawa pa rin siya. Wala talaga siyang makitang ibang tao na pwedeng tumulong sa kanya. "Anong maaawa? Ang mga kagaya namin ay wala nang natitirang awa sa mga puso namin. Magdasal ka na lang, Miss. Tara sumama ka na lang ng matiwasay. Halika na kung ayaw mong idiin ko itong kutsilyo sa tagiliran mo!" itinutok nito ang kutsilyo sa tagiliran niya. "May ibang tao ba riyan? Tulong po. Tulungan ninyo ako. May mga hold-uppers po. Tulong!" Naglakas loob na siyang sumigaw. Bahala na, basta ang mahalaga ay makahingi siya ng tulong. Pero parang malabo, bihira ang mga matinong dumaraan doon. Malalim na ang gabi at halos lahat ay tulog na. Pahamak talaga itong subrang pagtitipid minsan nailalagay ka sa kapahamakan. "Tunta. Tumahimik ka!" wika ng lalaking lider nila saka sinuntok siya nito sa kanyang sikmura. Matindi ang sakit niyon kaya nawalan siya ng malay. Pinasan siya ng lider nitong tatlong kalalakihan. Napahinto ito sa paglalakad ng marinig ng isa-isang nagsipagtumba sa lupa ang dalawa sa kanyang mga kasamahan. Nagulat siya ng may dalawang babae na nakamaska ang lumitaw sa harapan niya at iyon ang mga tumulong kay Astra. Binaril din nang isa pa nitong kasamahan ang lalaki. Bumulagta ito sa semento. Nabitiwan nito si Astra kaya nabagok ng kunti ang ulo niya kaya nagising ulit siya. Nanlalabo pa ang kanyang mga paningin ng magmulat siya. Dalawang babae ang tumambad sa paningin niya. Kahit nanghihina pa ay pinilit agad niyang makatayo pero natumba ulit siya. Tinulungan naman siya ng isa sa dalawang babae na makatayo. Nagulat siya ng makitang duguan na ang tatlong kalalakihan na nakahandusay sa lupa. "Miss, are you okay? Miss?" tanong nito sa kanya ng medyo mataas na babae. Nasa 5'10 ang height nito. Di kita ang mukha dahil may suot na maskara. "Opo. Sino po ba kayo? At papaanong tinulungan ninyo ako?" usisa niya. Nabuhayan siya ng loob ng mga sandaling iyon. "Hmm. Kami ay mga miyembro ng OMARE CORPs, kami ay kinikilalang mga bagong bayani na nagtatanggol sa mga inaaping kababaihan. Napadaan kami rito at nakita namin na parang may kung ano na hindi maganda na ginagawa sayo ang tatlong kalalakihan na mga iyon kaya tinulungan ka namin." "Maraming salamat po sa inyo. Ang galing ninyong dalawa. Humanga agad ako sa katapangan niyo. Sana ganun din ako ka tapang ng sa inyo. Gusto ko pong sumali sa samahan ninyo. Sa nangyari sa akin ay hindi na ako pwedeng tumunganga na lang at walang gagawing aksiyon. Maaari ba akong maging parte ng grupo ninyo?" Nakangiting niyang wika. Tama, kailangan niyang maging malakas para hindi na maulit ang nangyari kanina. Muntik na sana niya makaharap si San Pedro. "Sure. Pwede. Pero maraming mga pagsubok na dapat mong lampasan. Hindi lang naman simple ang mga ginagawa namin sa aming grupo. Ang aming grupo ay sinasanay sa paraan na maaaring gumamit ng dahas. Kaya mo ba iyon?"paliwanag nito. "Kakayanin ko po. Gusto kong maging matapang. Kahit anong pagsubok ay gagawin ko po." "Sige. Tatanggapin ka namin sa grupo namin. Ako nga pala si Jasmine at itong kasama ko na babaeng mas mataas sa akin ay si Sapphire. Siya talaga ang pinuno ng aming grupo. Mapagkamalan mong suplada dahil seryoso siya at minsan lang magsalita pero mabait naman siya ." Pahayag nito. "Hi po Miss Sapphire. Salamat po sa pagtulong ninyo sa akin. I owe my life to both of you, that's why I'm so very thankful. Aasahan niyo pong gagawin ko ang lahat ng magagawa ko sa abot ng aking makakaya," sumilay ang ngiti sa mga labi niya. "Sige. Ihahatid ka na lang namin sa inyo. Take this calling card. Tawagan mo lang kami kapag buo na ang desisyon mo na sumama sa aming grupo. Hindi ka naman namin pipilitin dahil nangako ka. Sige sakay na sa sasakyan," wika ni Sapphire kay Astra. Inihatid siya ng dalawa. Hindi niya akalain na buhay pa siya at virgin pa rin, kung nagkataon na nagahasa siya hindi na talaga niya alam ang gagawin, siguro masisiraan na siya ng bait. O di kaya ay malamig na siyang bangkay. Napag-isipan na niya ang kanyang desisyon at buo na iyon. Sasali siya sa grupo nina Sapphire at Jasmine. Maluwag naman siyang tinanggap ng grupo. Dati kakaunti pa lang ang members ng OMARE CORPS, at kalunan ay dumami na rin. Sa unang beses na tinuruan siya ng lahat ng mga dapat gawin at mga dapat niyang matutunan ay napakahirap sa kanya. Si Jasmine lang ang naging close niya at nagturo sa kanya ng mga self- defense at kung paano gumamit ng iba't-ibang klase ng armas. Maging ang iba't-ibang estilo ng pakikipag-away. Sa patuloy na pagsasanay niya ay lubos na siyang naging magaling. Isa na siya ngayon sa may mataas na pwesto sa kanilang samahan. Napangiti si Astra. Kahit na ganuon katindi ang mga nangyari sa nakaraan niya ay malaki pa rin ang pasasalamat niya kay Scarlett. Tinuring na niya itong kaibigan at kapatid. Ngayon dahil wala si Sapphire silang dalawa na muna ang namamahala sa kanilang samahan. Kinuha niya ang kanyang cellphone. Nakuhanan niya ng larawan ang mga nakalistang pangalan ng mga taong hinahanap ni Scarlett. Katumbas ng mga pangalan ng mga ito ay may nakasulat na description. Ang mga iyon ay mga kasosyo ni Regor sa mga illegal nitong negosyo. May mga pulis, business men at pulitiko pa nga. Ang kapal naman talaga ng mga mukha. Ginagamit ang position sa trabaho at gobyerno para maghasik ng kasamaan at corruption. [ Bato-bato sa langit ang matamaan huwag magalit. Lol!] "Hintayin niyo lang ang oras ninyong lahat. Maghintay ka rin Regor, you're the last. Hmm. Magdasal na kayo sa lahat ng mga Santo na mga kilala ninyo. I take will revenge in behalf of Scarlett," naikuyom niya ang mga palad sa subrang galit. Sino naman ang hindi magagalit sa ginawa nito kay Scarlett na muntikan na nitong ikamatay. Agad na lumabas si Astra sa kuwarto ni Scarlett. Nasa stable condition naman ito kaya nakahinga na siya ng maluwag. Ipinatawag niya ang lahat ng mga kasamahan. Nagbigay siya ng mahalagang mensahe. Marami sa mga kasamahan niya ang binigyan niya ng mga secret misyon. Mga magagaling ang mga ito kaya tiyak na magtatagumpay ang mga iyon. Umuwi na muna siya sa kanila pagkatapos. Mayroon din naman siyang mga dapat aasikasuhin at may mga napag-isipan na rin siyang plano. Si Dindo na ang naiwan para bantayan si Scarlett. Di na ito tatakas pa. Sa takot lang niyang matulad sa sinapit ni Scarlett, mas pipiliin niyang magtago kahit na nabo-bored na siya sa hideout. Nag-aalala siya sa mga magulang niya, baka mapahamak sila. Pero naniniwala na siya ngayon sa mga sinabi ni Astra na hindi sila mapapahamak dahil may mga bantay sila sa paligid. Ang mas pinoproblema niya nngayon ang nubya, baka umuwi ito ng Pinas at hahanapin siya. . . . . . . . . . CJLOVE98. . . . . . . . . .
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD