BILANG gantimpala sa sariling achievement sa pagiging isang bagong CEO ng Dela Merzcid Real Estate Company, ay naisipang mag bar hopping ni Alas. Tadtad siya ng trabaho sa buong buwan kaya gusto niyang kumawala muna sa kaniyang responsibilidad. Just this once, after this he will go back to reality, dahil tatambakan na naman siya ng hectic schedules of meetings and projects. Naisipan niyang sa mas malapit na bar na lang siya pupunta para mabilis siyang makaalis pagkatapos. He wants to celebrate his success in life, isa ito sa mga pinapangarap niya mula pagkabata na balang araw ay siya ang papalit sa ama bilang CEO. 'Di naman siya nabigo, nakuha na niya ang inaasam na posisyon sa kompanya na itinayo ng ama niyang si Edward. Pagkapasok pa lang niya sa entrance ng bar ay bumungad sa kaniya a

