MAHIGIT isang taon na simula nang iwanan si Yna Maria Cortes ng kaniyang boyfriend pero pakiramdam niya, sariwa pa rin ang sakit sa kaniyang puso. She can't move on. Kahit maka-ilang beses na siyang mapagsabihang tanga pinipili pa rin niyang magpakatanga dahil hanggang ngayon umaasa pa rin siyang babalik si Janus sa buhay niya. Mula sa kaniyang kabiguan sa unang pag-ibig ay nagbago siya.Wala na ang dating masayahin, mapagmahal at mabait na anak na mayroon ang pamilya Cortes. Napalitan iyon ng pagiging lasinggera, happy go lucky at pasaway na anak. Wala na siyang ibang inisip sa buhay niya, kundi maging isang walang kwentang babae. Madalas siyang maglasing sa paborito niyang bar. Hindi na niya mabilang kung maka-ilang beses na siyang makipag-away dahil binabastos siya ng mga lalaking lasi

