"NASAAN na ba kayo Ezekiel?" tanong ni Astra. Nasa daan pa lang siya at naghahabol para mahanap at mahuli si Regor. Kahit wala itong masyadong atraso sa kaniya labis ang galak niyang makuha ang lalaki. Gusto niyang ipaghigante ang lahat ng mga kasalanan ng lalaki sa mga mahal niyang kaibigan. Nais niyang matikman nito ang lahat ng hirap na dinanas ng mga taong pinahirapan niya. "Nasa checkpoint na kami pero walang larawan ni Regor. Baka umiba siya ng direksiyon." "Sige. Baka makakasalubong ko siya. Patungong Timog ang ruta ko. Tatawag ako mamaya kung may update. Mag-ingat kayo." "Salamat. Mag-ingat ka rin." In-i-off na ni Astra ang earpads niya saka binilisan ang pagmaneho. "Tingnan lang natin Regor, hindi ka na makakatakas. Dito na lang ang pwede mong daanan pero haharangin kita.

