KABANATA 24

3268 Words
MAAGANG nagising si Liam at nagluto ng mga paboritong pagkain ni Amore. Gusto niyang surpresahin ang babae. Talagang masu-surpresa ito kapag nalamang siya ang nagluto ngayong araw. Magaling din naman siyang magluto dahil nakapag-aral siya ng Culinary Arts sa States saka nag-aral ulit ng Business Administration. Pero hindi niya kin-a-career ang pagluluto at tumuon ang pansin niya sa business. May pakanta-kanta pa siyang nalalaman habang nagluluto. Medyo magaling naman siya at nasa tamang tuno kung kumanta. Dagdag plus points iyon. Nang magising si Amore ay nalanghap kaagad niya ang mabangong amoy ng pagkain. Napapalunok pa nga siya kahit hindi pa siya nakapagmumog. Bumangon siya at tumayo na mula sa higaan niya. "Wow, ang bango ng luto ninyo Tiyo Gusting ah. Anong nakain ninyo ba—" naputol ang dapat niyang sasabihin ng makitang si Liam ang nagluluto at hindi ang tiyuhin niya. Napakamot tuloy siya sa kanyang batok. Hindi talaga siya nag-iisip kaya napagkamalan niya tuloy na si Tiyo Gusting niya ang nagluluto. Talagang nasurpresa siya ng makita na si Liam mismo ang nagluluto ngayong umaga. "Good morning, Am. Do I surprise you? Umupo ka na sa may upuan dahil ngayong umaga ay pagsisilbihan kita. Ako na naman muna ang mag-aasikaso sa inyo ni Tiyo. Tara na kumain na tayo. Masasarap 'tong mga niluto ko at mga paborito mo pa," may pagmamalaking alok ng lalaki sa kanya. Ngumiti lang siya at saka tumungo muna sa kusina para maghilamos at magmumumog. Nakakahiya namang humarap sa lalaki na may muta at tuyong laway pa sa mukha niya. Pagbalik niya ay kaagad na nilagyan ni Liam ng pagkain ang pinggan niya. Talagang tutuhanin niya ang sinabi nitong aalagaan niya ngayong araw si Amore. Napakahimala naman yata ang lahat ng mga inaasta niya ngayon. "Anong nakain niya ba't siya ang nagluluto ngayong umaga? Nasaan na ba kasi si Tiyo? Hindi naman nagpa-alam kung saan pupunta,"sabi ng utak niya. "Hey, ano ba ang iniisip mo? Siguro si Tiyo Gusting na naman ano? Pupunta raw siya sa kaibigan niya sa bayan. May transaksiyon daw sila. Mga alas-sinco pa nang umaga iyon umalis. Kagigising ko lang din ng umalis siya. Kaya huwag mo na munang hanapin ang Tiyo mo. Kumain ka na. Sige ka kapag hindi ka kakain pipilitin kitang subuan ka ng pagkain gusto mo ba iyon?" wika ni Liam na puno naman ng pagbibiro. "Oo na, kakain na ako. Nakakahiya huwag mo na akong subuan, hindi na ako bata. Siya nga pala hindi muna tayo magbubukas ng karenderya dahil gusto ko munang pumunta tayo sa Tinagong Isla. May ituturo ako sayo mamaya. At wala din namang magbabantay rito dahil kahapon ay nagpa-alam din si Lita na pupunta siya ngayon sa bayan para kumuha ng College Admission Test. Gusto kasi niyang mag-aral kaya susuportahan ko na rin ang pangarap niya." Ang dami-dami na niyang sinabi. Tango lang ang mga sinagot ni Liam sa kanya. Ngumiti na lang si Liam dahil wala din naman siyang maisingit sa usapan nilang dalawa. "Masarap ba ang luto ko?" nakangiting tanong niya kay Amore na panay subo ng pagkain." Tumango si Amore. "Well, napakasarap ng mga luto mo. Pwede ka din naman pala maging Chef Liam, sana noon mo pa kami tinulungan magluto. Pero bakit hindi mo man lang sinabi na magaling ka din pala sa cooking," wika ni Amore na may halong pagtataka. Ngumiti lang si Liam. "Am, tungkol nga pala sa sinabi mong pupunta tayo sa Tinagong Isla, ano naman ang gagawin natin doon? Kapupunta lang natin doon noong isang linggo tapos ngayon babalik na naman tayo dun? Ano na naman ang binabalak mo, Am?" wika niya na puno ng pag-uusisa "Ah, tungkol doon sa pagpunta natin sa Tinagong Isla ay secret muna iyon. Let's enjoy the food first, ang sarap kaya tiyak mapaparami ako ng makakain ngayong umaga," sunod pa nitong sinabi saka sumubo ulit ng pagkain. "Aba. Ayaw ko namang magpresenta na magaling din ako dahil hindi pa ako nagtry na magluto para sa iba. Yes, I studied Culinary Arts but it's only for myself. Saka gusto kong ipagluto balang araw ang babaeng mahal ko kasama ng magiging anak naming dalawa. Palagi ko silang bubusugin sa pagmamahal ko at pagluluto di ba ang saya noon?"nakangiting wika nito. Grabi ang humble ng katwiran niya. Hindi pa rin naman iyon dahilan para mahiya siya na magluto para sa iba. "Gusto mo pang kumain, ikukuha kita ulit. Marami pa doon. Huwag kang mahiya Am, ang ginawa kong ito ngayon ay bilang isa na ring pasasalamat dahil nga ipinaghanda mo pa ako ng birthday party. Kaya maliit na bagay lang naman na ipagluto kita," dagdag pa niya. Ngumiti muna siya bago sumagot. "Wow. Ang suwerte naman ng babaeng mamamahalin mo kung nagkataon, Liam. Talagang mabubusog siya hindi lang sa pagmamahal kundi pati na rin sa kusina. Mas mainam na ang babaeng pipiliin mo ay kagaya ko," napabiro si Amore. Tumaas ang kilay ni Liam at medyo nagulat sa sinabi niya. "Oh, bakit nagulat ka? Joke lang. I mean, kagaya ko na kahit anong lamon ay hindi tumataba ganun pa rin ka fit ang katawan," dagdag ni Amore saka dinaan na lang niya sa biro dahil alangan namang mag-assume siya na siya nga ang masuwerteng babae na mamahalin ni Liam. "Sorry. Nagbibiro ka lang naman pala. Akala ko totoo na eh. Dahil perfect ka namang maging wife ko." Natawa na rin ito. Napaawang ang bibig ni Amore. Totoo? Kinikilig pa naman siya. "Di joke lang," sunod na wika ni Liam na dinaan din niya sa biro. Ganun din naman siya hindi niya maamin kay Amore ang totoo niyang nararamdaman. Nagtawanan na lang sila at natapos na rin silang kumain kaya niligpit na nila ang kanilang pinagkainan. Si Amore na ang naghugas ng mga pinggan at ang mga pinaglutuan ni Liam. Samantalang si Liam naman ay naglagay ng mga pagkain sa sisidlan. Magdadala silang dalawa ng pagkain sa Tinagong Isla para kung aabutin man sila ng tanghali o gabi doon ay hindi sila magugutom. Tinirhan na lang nila ng pagkain si Tiyo Gusting dahil tiyak na gutom na gutom na iyon pag-uwi mamaya. Pumasok ng kuwarto niya si Amore at may mga kinuhang mga bagay na dapat nilang gamitin mamaya. Dinala niya ang kanyang pana at isang baril na matagal na niyang itinago sa ilalim ng kanyang mga damit. Doon niya iyon sinilid para hindi makita ng kanyang Tiyo Gusting. Pagkatapos ay lumabas na siya sa kanilang kuwarto. Nagsulat siya sa isang piraso ng papel na aalis sila ni Liam at papunta sila sa Tinagong Isla. Para naman huwag mag-aalala ang Tiyo Gusting niya mamaya. Nagdala na rin siya ng mga extra clothes para kung sakaling maliligo siya mamaya ay may papalitan na siya. Hindi na niya kailangan na magtiis o mangisay sa lamig. Si Liam ay ready na rin para makaalis na silang dalawa. Sa yate sila sasakay dahil nandodoon pa rin naman ang yate sa may daungan. Hindi pa niya ito naibabalik sa kanyang pinagkakatiwalaan sa may bayan. Siguro sa susunod na lang niya ito ibabalik doon or dito na lang para mabilis siyang maka-alis kung gusto na niyang bumalik ng Maynila. "Okay let's go, Am. I'm ready to go. Dala ko na ang mga foods na babaunin natin," nakangiting wika ni Liam na nasa harapan na ng pinto at ready na ngang lumabas ng bahay. "Sige. Mauna ka na roon sa yate. Isasara ko muna ang bahay saka ilalagay ko muna itong karatula na closed ang karenderya ngayon. Sige na, alis na," wika ni Amore na parang tinataboy na si Liam pero nakangisi ito kaya halatang nagbibiro lang siya. "Okay. Bilisan mo ha. Sa'kin na iyong bag na dala mo. Ako na lang ang magdadala niyan," suhestiyon ni Liam kay Amore para hindi na mahirapan ang babae. Medyo malaki ang dala niyang bag dahil doon niya isinilid ang pana at baril na dinala niya. "No... Ako na lang. Don't worry sanay naman akong magbuhat at magdala ng mga mabibigat na bagay. Sige, mauna ka na," wika nito saka isinara na ang bintana at pintuan nila. Umalis na rin lang si Liam. Doon na lang siya nito hihintayin. Pinaandar na rin lang niya kaagad ang makina ng yate para pagdating ni Amore ay makaka-alis na sila kaagad. In-i-lock din ni Amore ang kanilang mga kubo at nagpaskil ng karatula "Sorry, were Closed" pagkatapos ay pumanhik na patungo sa kinaroronan ng yate niya. "Alam na alam na talaga ni Liam ang routine namin sa tuwing pupunta kami ng Tinagong Isla," usal niya saka ngumiti. Pagbungad niya sa yate ay agad na siyang umakyat at umupo sa lagi niyang puwesto. Malapit iyon sa may gilid. Ang ganda ng pwesto niya dahil makikita niya lahat ng madadanan nila. Siyempre si Liam ang magmamaneho niyon. "Wow....ang ganda talaga ng mga tanawin no? Siguro kung may hasang lang ako ay talagang susubukan kong languyin ang dagat. Siguro exciting nun no." Narinig niyang tumawa si Liam sa sinabi niya. Para siyang isang batang nangangarap na magkakaroon ng super powers. "Maybe,someday kapag hindi na ako busy susubukan ko talagang sumisid at languyin ang dagat," natatawang wika ni Amore. Grabi naman ang pangarap niya. Napakalabo naman samantalang napakatayog para sa isang babae. Simple iyon na may pagkamahirap gawin. "Talaga lang ha? Huwag naman sana. Baka pupulikatin ka at makita ka ng mga pating at magustuhan kang kainin. Sos, napakasayang naman." "Hala, di kaya no!" "Buti sana kasama mo ako, for sure hindi ka pupulikatin basta nandiyan ako pero baka sa time na iyon ay kasama mo na si Lysander at kayong dalawa ang magkasama," pagbibiro ni Liam. Pinapatawa lang niya ang babae. Pero nainis lang si Amore ng marinig ang pangalan ng lalaki. "Asus! Pwede naman kitang isama. Huwag mo nang banggitin ang pangalan ni Lysander dahil naiinis lang ako." Mataray nitong sagot kay Liam. Ayaw niya na kasing marinig ang pangalan ni Lysander. Bakit paulit-ulit pa niyang binabanggit ayan tuloy, tumaas ang dugo ni Amore "Sorry, Amore. I'm just teasing you." "Wow, ang ganda ng tubig. Makikita talaga ang mga nasa ilalim. Look at the corals they're so lovely and it looks fascinating when a group of fishes flashes as they cross and pass through the colorful corals." Namamangha niyang wika. Iniba niya ang usapan para huwag na nilang pag-usapan ang tungkol kay Lysander. "Parang gusto ko tuloy maging isang sirena para malaya akong makalangoy ng hindi napapagagod. Totoo kaya ang mga sirena, Liam? Do they really exist? "I don't know if they really exist. Ang mga sirena ay mga kathang isip lang siguro ng mga tao. I think they're just a portrayal creatures that seem to be real because some people believe that they really exist. Bakit ngayon mo lang napansin na maganda pala talaga ang dagat? Diba maikailang beses ka nang tumungo doon at pumalaot, Hindi ba?" "Kasi sa tuwing pupunta ako doon sa Tinagong Isla ay hapon o di kaya'y gabi. Iba ang view ng dagat. Only sunset and sunrise lang naman ang focus ko saka busy din ako sa pagsasagwan kapag bangka ang dala ko papunta roon. Ngayon ko lang napagmasdan ng klaro ang tubig dahil may nagmamaneho ng yate at kumbaga isa lang akong pasahero," paliwanag niya. "Tsk! Nevermind na nga lang niyon. Malapit na tayo oh," pag-iiba niya ng usapan. "Oo nga. Sige, mag-ready ka na. Ano ba ang gagawin mo kapag nakarating na tayo?" agad na tanong ni Liam sa kanya. "Well, we will have some adventure," wika ni Amore saka ngumiti. Inayos na kaagad ang mga dalang bag. "Wow, is it exciting? Siguro may kakaiba ka namang plano bukod sa maliligo ka ano?" natatawang tanong nito sa kanya. Liam looks so handsome when he smiles but oh gash he's looks hotter when he is laughing. Nakakagigil ang karisma nito. At mas lalo na nang naka-topless lang ito at kita ang maganda nitong katawan. Siguro ito ang kumuha sa puso ni Amore ng minsan niya iyong masilayan noong nagsisibak ang lalaki ng kahoy. PAGKARATING nila sa may dalampasigan ay kaagad na dinala ni Amore ang kanyang bag. Nahahalata ni Liam na parang kung may isang milyon doon. Kung bakit ba kasi hindi niya maiwan-iwan lang kung saan, dala-dala niya pa rin. Hindi naman alam ni Liam na pana at baril ang laman nun bukod sa mga dinala niyang damit. "Anong meron diyan sa bag na dala mo? Importante ba talaga iyan, Amore?Bakit di mo man lang iniwan sa yate. I think it's heavy," saad nito na puno ng pagtataka. "Relax, gagamitin natin to mamaya. Magiging libangan natin 'to. Tika lang Liam naranasan mo na bang humawak ng baril o maging palaso?" nakangiting turan niya. "Noon naranasan ko nang humawak ng baril at palaso. Bakit?" Tugon nito saka kumunot ang kanyang noo. "Don't you say may dala kang baril o palaso diyan sa bag mo?" sunod nitong tanong. Ngumiti lang si Amore at tiyak na tama nga ang sinabi niya. "Yeah exactly. Alas-dyes pa lang naman so we have enough time para mag-practice. Saan mo mas prefer, sa baril o sa palaso. We're going to hunt and catch some birds and wild animals here in the island. I think marami pang mga wild animals dito. So, pili ka nang magiging target natin," nakangising wika ni Amore saka pinasadahan niya ng tingin si Liam. "Oy, huwag naman. Huwag na lang ang ibang wild animals dito. Ibon na lang. Mas mainam pagpraktisan dahil malabong matatamaan natin sila. Kawawa naman kapag mamatay sila." "Talaga ba?Hindi ka pala papasa kung sasali ka sa grupo namin. Subra kang mabait kaya siguro inaapi ka lang ng gahaman at tuso mong kapatid." "Hindi naman sa ganun, wala namang kasalanan ang mga hayop sa atin e." "Okay, so maghanap na lang tayo ng mga ibon. Dapat iyong nasa itaas ng puno," wika ni Amore saka nagsimula nang maglakad. Sumunod naman si Liam sa kanya. Tumigil lang sila sa ilalim ng malaking puno dahil may mga ibon na silang nakikita. "Alin dito sa dalawa ang gusto mo? Baril o palaso?" mahinang wika ni Amore na pinapapili ang lalaki. "Okay, I'll go for the gun. Hindi naman uso iyang palaso eh. Kaya sayo na lang Am," mahinang tugon nito sa kanya saka inabot na ang baril. "Hmm. Paramihan tayo ng mahuhuli ha," nakangising wika ni Amore na ikinagulat ni Liam. Baril vs. palaso? Siguro malabong makakapaghuli si Amore ng ibon gamit ang palaso kaya napaismid ng kaunti si Liam. Wala talaga siyang tiwala sa kakayanan ni Amore. Let's see who will win. "Really? Are you sure? Hmm,baka matalo ka? Anong parusa ba ang gusto mo sa matatalo? Ilang ibon ba ang minimum at maximum?" wika nito saka talagang naninigurado si Liam. "Minimum of two and maximum of three. Pero kapag isa lang o wala ka talagang nahuli, ikaw ang magluluto sa karenderya for 2 weeks. Pwede na ba iyong parusa?" nakangising sabi ni Amore. Confident din siya na matatalo niya si Liam kaya iyon ang parusa. Mababawasan ang trabaho niya sa karenderya 'pag nagkataon. "Sure. Sige, simulan na natin 'to. Dito ka sa kabila manghuli at doon din ako sa kabila. Magkikita tayo rito at exactly 11:00 AM. Kapag hindi nakabalik sa tamang oras ang isa sa'tin ay automatic na talo kahit marami pa ang kanyang nahuli," ani ni Liam saka pumanhik na kaagad. Nagbigay pa naman siya ng kondisyon, confident siyang mananalo. Baril ang hawak niya kaya it's easy to win. Ngumiti na lang si Amore bilang tugon. Naghiwalay silang dalawa. Sa kabila si Amore at sa kabila naman si Liam para hindi masyadong magulat ang mga ibon. Sino kaya ang mananalo? In-assemble muna ni Amore ang kanyang palaso at nang matapos na ay naghanap na siya ng ibon sa ibabaw ng puno. Mabilis naman siyang nakakita kaya iyon ang una niyang naging target. Gamit ang palasong hawak ay itunuon niya ang hawak na arrow sa mismong ibon at pinakawalan. Ang galing niya. Natamaan niya ang ibon. Bumulusok iyon sa lupa. "Hmmm, one down. Paano na kaya si Liam, nakakahuli na rin ba siya?" usal niya habang pangiti-ngiti Naghanap ulit siya. At ang swerte niya. Maraming ibon ang nandoroon sa sanga. Pumwesto siya ulit at kumuha ng buwelo saka muling pinakawalan ang arrow at ulit sapol ang isang ibon. "Dalawa na. Sana Liam makahuli ka rin ng kahit isa. Dahil kung hindi pagtatawanan talaga kita," wika niya saka tumawa. Wala siyang believe sa lalaki kaya siya tumawa. "Kawawa ka naman pala kung ganun at talagang matatanggap mo ang parusa." Samantalang si Liam ay nakahanap na rin ng magandang puwesto. Maraming ibon ang nasa sanga kaya tiwala siya sa sarili na kahit isa sa mga ito ay matamaan man lang niya. Itinutok na niya ang kanyang baril at agad na pinaputok. Nagulat siyang ni hindi niya nadaplisan ang kahit isa man lang sa mga ibon na nandodoon sa sa sanga. "OMG. Nakakainis," napakamot siya sa kanyang batok sa pagkadismaya Kanina pa siya paikot-ikot pero wala pa siyang nahuhuli. Talo na ba siya? "Thirty minutes na lang wala pa man lang akong nahuhuli ni isa. Ayaw kong matalo ng ganito. Kaya pa Liam,kaya mo pa," wika niya at talagang kinakausap na niya ang kanyang sarili. Nasisiraan na siguro siya ng bait. Bakit ba kasi ang malas niya, wala bang ganang makisama ng baril niya? Naghanap ulit siya. Sa hindi kalayuan ay nakakita ulit siya ng mga ibon. Pumwesto siya muli at kinalma ang sarili. Bumuga muna ng hangin saka itinutok ang hawak na baril sa mga ibong nasa sanga. "Tamaan na sana kayo. Please," usal niya na parang nagpapa-goodluck sa sarili. Ipinutok niya ito at na timingan na nakatama siya ng isang ibon. Halos mapatalon siya sa subrang saya dahil sa wakas ay nakahuli na rin siya. "Yes! one down." Isa pa lang at wala na siyang oras. It's almost 10:50 AM ng tingnan niya ang relo niya.Nainis siyang tinunton ang daan papunta sa kanilang starting point. Kailangan niyang makabalik kaysa ma-disqualifed siya. One is bitter than none, sa isip niya. Kailangan niyang magmadali. Wala nang oras. Habang si Amore naman ay kanina pa naghihintay sa kanya. Umupo na lang ito sa ilalim ng malaking puno at nagmuni-muni. "Hmm... Talo ka na Liam, it's 11:00 AM na. Nasaan ka na?" tawag niya kay Liam. Tumayo na siya para hanapin ang lalaki. "Anong talo? Narito na ako. Oh, may nahuli ka ba? Patingin nga!" wika nito na sumulpot na lang bigla sa likuran niya. "Akala ko talo ka na agad," nakangising wika ni Amore saka binalingan siya nito. "So, let me see your catch? Show me then," sunod nitong sabi na may halong pang-aasar. "Here," pakita niya ng isang ibon na nahuli niya. Proud pa talaga siya sa nahuli niya. Humalakhak naman si Amore dahil sa hindi niya napigilan ang sariling matawa. "Oy, grabi ka. Makatawa 'to oh. Sige nga, pakita mo rin sa'kin ang huli mo. Baka naman wala. Edi, ikaw ang talo!" "Here!" sabay pakita sa tatlong ibon na huli niya. Biglang natigilan si Liam at hindi naka-react. "Oh, ano ikaw iyong natalo. Naisahan kita Liam, I'm free for two weeks so pwede na naman akong pumunta sa bayan. Magsa-shoping ako roon." "Okay, I lost." "Balik na tayo sa yate. Gutom na ako. Bye, Liam, talo ka," wika ni Amore habang inaasar si Liam. "Okay. Sige na nga, talo na ako. So, ano ang gagawin natin sa mga ibon. Sayang kapag itapon. Malalaki at matataba pa naman." "Iihawin natin mamaya. Kumain muna tayo ng dala mong baon," tugon niya saka umalis na. Kumain na muna sila ng tanghalian at nagpasya na sa bandang alas kuwatro nila iihawin ang mga nahuli nilang ibon. Saka napagpasyahan rin nilang maghuli ng mga isda. Masaya nilang pinagsaluhan ang kanilang pagkain sa pananghalian habang nagkukuwentuhan.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD