KABANATA 23

2223 Words
"TUMAYO ka na diyan at may gagawin tayo ngayon. Importante ito para sa iyong kaligtasan. Dali na," utos ni Astra kay Dindo. "Bakit? Anong gagawin natin?" tanong niya na may halong pag-aalinlangan. "Basta. Sumunod ka na lang. Malalaman mo mamaya," seryosong tugon nito sa lalaki. Di na niya nakuhang komontra dahil astig ito, baka mabanat ang buto niya mula sa paghatak nito sa kanya. Nakarating na sila sa sinasabi ni Astra na kanilang pupuntahan. Isang malapad na open field ang bumungad sa paningin ni Dindo. Sa may di-kalayuan naman ay may mga gym na mainam pagpraktisan ng mga martial arts, may firing area at iba pang practice area sa kung anong nais mong sanayin. Dito nagsasanay ang lahat ng mga miyembro ng OMARE CORPs. "Anong gagawin natin dito? Huwag mong sabihin na papanuorin kitang mag-eensayo? Siguro, hindi mo naman kailangang mag-practice pa dahil magaling ka naman, Astra. I think I gonna go," pahayag ni Dindo na hindi man lang kakitaan ng curiosity. "What? Anong ako? Ikaw ang mag-eensayo ngayon. I will teach you. Mas mabuti nang may kasanayan ka sa paggamit ng baril, at may kasanayan sa iba't-ibang klase ng martial arts. Mas mainam na kahit papaano ay may kakayahan kang ipaglaban ang sarili sa mga taong gustong manakit sayo," seryosong tugon naman ni Astra sa kanya. "Eh, hindi ko nga gusto. Mahirap kaya iyon at baka ikamatay ko pa iyon. Bumalik na lang tayo sa hideout ninyo. Mas safe na doon na lang ako," wika niya na puno ng pagtatanggi. "Dindo, ang engot mo! Huwag kang matakot para kang bakla. Bakit hanggang ba ngayon nagtatago ka pa rin ba sa saya ng nanay mo? Di ba doctor ka na? Sa dinami-rami na nang taong ginamot mo, di ba wala kang takot na ginamot sila kahit nag-aagaw buhay pa, di ba? Think about it. I'll give you five minutes to think about this. Tatanggapin ko ang magiging pasya mo at sana huwag mong pagsisihan ang lahat,"sarkastikong sagot ni Astra. "What? So ano naman ang paki-alam mo? Okay, I'll think about it first," walang ganang tugon niya sa sinabi ng babae. Nagkibit balikat na lang siya. Iniwan muna siya ni Astra habang nag-iisip. Umalis muna ito at kumuha ng dalawang baril at saka mineral water. Hindi niya siguradong makukumbinsi si Dindo pero susubukan niya gaya ng ipinangako niya kay Scarlett na tuturuan niya ng self-defense o maging paghawak ng baril ang lalaki. "Sana pumayag ka na lang Dindo para naman ito sa kapakanan mo. Tsk! Bakit pa kasi ako inutusan ni Scarlett na turuan siya,ang tigas pa naman ng ulo ng doctor na iyon. Nakakainis! Babalik na nga ako. Tapos na ang five minutes na binigay ko sa kanya," usal niya. Bumalik na si Astra sa kinaroronan ni Dindo. Nakaupo na ang lalaki sa isang gilid at parang wala naman sa aura nito na pumapayag nang turuan siya ni Astra. "Are you ready? Pumayag ka na bang turuan kita?" tanong ni Astra na nasa harapan ni Dindo. "Okay. Pero huwag mo akong pagalitan o biglain man lang. Ito ang unang subok ko na malaman ang iba't-ibang klase ng martial arts. Ayaw kong mabalian ako ng mga buto. Medyo okay lang ang firing dahil minsan na akong tinuruan ng bestfriend ko," kinakabahang wika ni Dindo. Talagang conscious pa siya sa sarili niya. Natawa si Astra sa inasta nito, ang laking tao takot mabaliang buto. Sa palagay niya nagji-gym naman ito. "Just relax man, hindi ka naman mamatay kapag mabalian ka nang buto. I will going to teach you gently, okay? Magtiwala ka lang sa'kin," natatawa pa ring pahayag ni Astra. "Here, kunin mo ang isang baril na hawak ko. Firing ang uunahin natin dahil ang sabi mo nakaranas ka naman dahil tinuruan ka na dati ng kaibigan mo. Kaunti na lang ang ituturo ko sa'yo," sunod pa nitong wika. "Okay let's go," yaya niya sa lalaki. Sumunod naman si Dindo kahit kinakabahan pa rin. Matagal na kaya iyon, last year pa kaya di sya sure if marunong pa siya. "Nandito na tayo sa firing area. Isuot mo na ang headphones na 'to. Kahit papaano ay hindi ka mabibingi dahil sa ingay na gawa ng putok ng baril," seryosong saad ng babae. "Okay, posisyon na at ituon mong mabuti ang baril mo sa mismong target mo," dagdag pa niyang sabi. "Ganito ba? Tama na ba itong ginagawa ko?" tanong niya kay Astra. "Hey, tama na ba? Bakit ka tumatawa lang diyan, sige tawanan mo lang ako nang tawanan dahil baka sumpungin ako ng katamaran ko at umalis na lang ako bigla rito Astra," sunod niyang wika. Naiirita na siya sa pagtatawa nito. " I'm so sorry, hindi ganyan. Sige na nga, dito na nga ako sa likod mo. Igigiya kita. Para sa susunod na paghawak mo ng baril ay sakto na." "Okay, hawakan mo na ng dalawa mong kamay. Ang isang daliri mo ilagay mo sa gatilyo ng baril. Dali,"wika ng babae saka pumwesto sa likuran ng lalaki. Hinawakan niya ang kamay nito saka iginiya sa mismong target. "Okay, ready ka na ba? Ganito lang naman dapat ang tamang paghawak ng baril. Sa mga first timer ay kailangan na dalawang kamay talaga ang gamit pero kapag magaling ka na pwede nang isang kamay na lang," paliwanag pa nito. "O—okay." "Sige, iputok mo na," utos ni Astra sa lalaki. "Tika lang, kailangan ba talagang nandiyan ka sa likod ko? Parang hindi yata ako makagalaw ng husto Astra. Please, usog ka nang kaunti palayo sa'kin. Ang init ng panahon at heto ka dumidikit pa sa'kin?" naiilang na nagtanong si Dindo sa babae. "Hoy, ano ba ang pinagsasabi mo? Ang badoy ng alibi mo. Paano kita maigiya ng husto kung ang layo ko? Huwag mo na lang bigyan ng malisya ang ganitong sitwasyon. At alam mo malabo namang magkakagusto ako sa isang tulad mo. Hindi kita type Dindo kaya umaayos ka nga!" sarkastikong wika niya. "Sige, iputok muna!" malakas niyang sabi saka ipinutok na nga ni Dindo ang hawak nilang baril. Sapul ang target. Magaling talaga si Astra magturo palibhasa sanay na siyang humawak ng baril. "Wow. Ang galing! Sige,magta-try pa nga ako ng bago, sige ako na lang muna. Mamaya mo na ang ako turuan kapag palpak. Diyan ka na tingnan mo na lang ako sa gagawin ko," pagamamalaking saad niya. Hindi naman siya sure kung matatamaan niya ang target o madaplisan man lang. Buong puso niyang itinuon ang hawak niyang baril sa target at saka ipinutok. Tulad nang mga pangamba niya at iniisip ay hindi man lang nadaplisan ang traget. Nakakahiya ang ipinakita niyang pagmamalaki kay Astra kanina, ayon naman pala'y napakapalpak. Palihim na natawa si Astra. Tumalikod na lang ito para hindi makita ni Dindo. "Tss. Nakakainis naman!" sigaw niya na puno ng pagkadismaya. Kinuha niya muli ang baril na ginamit niya saka pumwesto ulit. Ipinutok niya itong muli. Sunod-sunod niya itong ginawa hanggang sa mapagod siya at maupo. "Oh, suko ka na?" pangungutya ang tono ng boses ni Astra ng magtanong tiningnan niya ng masama ang babae. "Here, tubig. Uminom ka muna. I think nauuhaw ka na. Huwag mong pwersahin agad ang sarili mo. Ganyan talaga ang unang pagsasanay. Hindi mo naman talaga iyon agad-agad ma-perfect. May bukas pa at susunod pang araw," wika nito saka umupo sa tabi niya. "So what? Di ba ang sabi mo tuturuan mo ako hindi ba? Di ba ayaw ko 'tong gawin nung una at talagang pinilit mo lang ako. At ngayon na gusto ko nang matuto iyan lang sasabihin mo?" "Wala naman akong ibang sinabi ah." "Uuwi na lang ako kung iyan naman ang gusto mo," pagsisinuplado niya kay Astra. Ang layo naman ng mga sinabi niya sa tinutukoy ng babae. Ang engot niya talaga. "Ang engot mo. Ano naman ang kinalaman ng mga sinabi mo at sa mga sinabi ko?" Nagbingi-bingihan si Dindo. "Kalalaking tao pero kung umasta parang ewan. Ang sabi ko lang naman sayo na dapat dahan-dahan lang. Hindi mo naman makukuha ang lahat ng gusto mo sa unang subok pa lang hindi ba?" medyo galit na saad ni Astra kay Dindo. Astig itong kumilos kaya walang sinuman sa mga kasamahan niya ang may lakas ng loob na sagut-sagutin siya at pagsabihan ng ganun pero si Dindo ay panay talak ang nakukuha niya rito. "What did you say? I am what?" Di siya pinansin ni Astra, inubos lang nito ang laman ng mineral water. "Turuan mo ako ulit. Sige payag na akong nasa likod kita. Gawin mo hanggang gusto mo akong lapitan pa. Sige lang Astra at baka kakainin mo rin naman ang mga sinabi mong hindi ka magkakagusto sa'kin. Sa guwapo kong 'to, sino nga ba ang hindi magkakagusto sa'kin," pabirong wika ni Dindo sa kanya. Tama naman, hot at guwapo pero walang paki-alam si Astra sa lalaki. Di naman siya tomboy, sadyang wala lang siyang attraction. "Tse!Asa ka pa. Sige, hawakan mo na ang baril mo. Ituon mo and give a right sight on the target, okay?" wika niya saka hinawakan muli ang kamay ng lalaki. "Sige, tira na!" malakas nitong wika. Ipinutok naman agad ni Dindo saka sapul ang target. "Papa-anong nagagawa natin iyon kapag hawak mo ang kamay ko Astra? Siguro ikaw ang anghel ko no?"medyo napangiti siya. "See, you need me." "Okay, I'll give it a try. Last shot then I will take a rest for a while." Nakakapagod naman talaga itong pagsasanay. "Siguro naiilang lang ako sayo pero noong tinuruan ako ng kaibigan ko ang dali-dali lang noon.Sige,maupo muna ako," wika nito saka umupo at uminom ng tubig. Natawa si Astra sa sinabi ng binata "Ang feeling mo. Tingnan mo na lang ako. Ganito kasi ang tama mong gawin, huwag kang padalusdalos lang. Ang hirap sayo minamadali mo ang lahat. Hindi naman ito katulad sa trabaho mo sa hospital na kailangan mong magmadali para maisalba mo ang lahat ng buhay ng mga pasyente mo," wika ni Astra saka nagpaputok ng baril. Tatlong sunod-sunod na putok ang narinig ni Dindo. "Wow. Ang galing niya talaga. Anyari sa'kin ba't ba ang init ng dugo ko kay Astra. Nasisiraan na ba ako ng bait? Umayos ka nga Dindo. Para naman ito sa kapakanan mo di ba? Pakisamahan mo na lang kaya siya para mabilis kang matuto para mabilis ka ring makabalik sa pamilya mo," usal niya. Kinakalaban niya ang kanyang sarili kaya nang balingan siya ni Astra ay parang ang lalim ng mga iniisip niya. Makikitang lutaw ang utak niya. "Hey, are you okay? Baka nahihilo ka na? Bumalik na lang muna tayo ng hideout. Bukas na natin ipagpapatuloy ang pagsasanay. Nasasayang lang kase ang mga bala ng baril natin. Tumayo ka na diyan. Bukas martial arts na lang muna ang gagawin nating pagsasanay," seryosong wika ng babae habang hinuhubad nito ang kanyang mga gloves na suot. Saka tumalikod na. Sumunod na lang si Dindo. "Tika, hintayin mo muna ako. Saan ko ilalagay ang baril na gamit ko? Hey," tanong niya saka binibilisan ang paglalakad para maabutan ang babae. Hindi niya alam kung nagalit ba ito sa kanya dahil ang bilis naman maglakad ang babae. Huminto lang ito sa may tapat ng kotse nilang dala. "Give it to me. Ako na lang ang magdadala niyan. Akin na," seryosong wika na naman nito sabay lahad ng kamay niya. "Hey, are you mad at me? Please tell me, okay? I'm so sorry. Siguro na inis ka lang sa mga inasal at sinabi ko kanina. Sorry na. Hindi ako dapat nagsisinuplado sayo besides dapat pa nga na magiging thankful ako sayo o sa inyo dahil kung hindi dahil sa inyo, I think I already died. Kaya sorry na," wika ni Dindo na naghihingi ng tawad. Walang sinabi na kung ano pa si Astra. Binuksan lang niya ang pinto ng kotse at sumakay. Sumakay na rin si Dindo dahil ayaw din naman niyang maiwan doon. Walang imikan na nangyari. Nagsusulyapan na lang sila sa side mirror ng kotse. Nakakabingi ang katahimikan sa pagitan nilang dalawa. "Astra, Are you okay? Hey, sinabi ko na sayo ng paulit-ulit na naghihingi na ako ng sorry sayo pero bakit hindi mo man lang ako pinansin at pinatawad sa mga inasta ko kanina. Alam mo namang lahat ng gusto ko ay gusto ko laging minamadali, kaya I'm sorry. Hindi mo pala ako kilala kung sino nga ako at ano ang mga bagay na nangyayari sa mundo ko. I'm so sorry. Hindi mo naman kailangang mag-adjust para sakin," paghihingi niya ulit ng tawad. "Tss. Okay na. One word is enough for a wise man, ika nga nila hindi ba? Mas nainis na talaga ako sa mga paulit-ulit mong sinasabi. Okay na. Hindi ako galit pero medyo naiinis na rin... puro ka kasi dada eh. Wala ka namang napatunayan. Oh, sige magalit ka sa huli kong sinabi dahil babawiin ko ang pagpapatawad ko sa'yo," wika ni Asta at nagawa pa nitong magbiro. "Okay fine. Grabi nakakatakot ka talaga. Sige, hindi na ako magsisinuplado sa'yo. Baka sa susunod mapikon ka na talaga at hindi sa target bottle ang puntirya mo ng baril kundi sa katawan ko na. Edi, patay tuloy ako," pabirong tugon din niya sa sinabi ni Astra Dahil sa sinabi na iyon ni Dindo ay tumawa naman si Astra kaya nagkatawanan na lang silang dalawa. Mas mabuting maganda ang kanilang pakikitungo sa isa't-isa para matuturuan ng husto ni Astra si Dindo ng mga self-defense na iniutos ni Scarlett sa kaniya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD