UNTI-UNTING iminulat ni Scarlett ang kanyang mga mata. Matapos ng tatlong araw ay nagising na siya. Napakatapang niyang tao kaya nalampasan niya ang bahid ng kamatayan.
Who really think she would survive, ni wala na siyang pulse rate ng matagpuan siya ni Astra. It's a miracle.
"N-nasaan ako?" mahinang wika niya. Pinipilit niyang igalaw ang buong katawan pero subrang sakit ng kanyang nararamdaman. Dulot ito ng mga sugat na natamo niya. Hindi pa kasi masyadong humihilom ang mga sugat niya. Puno pa ng binda ang buo niyang katawan.
Inikot niya ang paningin sa loob ng silid na iyon. Puro puti ang kanyang nakikita sa paligid.
"Nasa langit na ba ako? Patay na ba ako? Paano na 'to hindi ko na matutulungan si Amore," wika niya ulit. Tumulo ang kanyang mga luha na hindi niya mapigilan.
Napagkamalan niyang patay na siya dahil puro puti ang lahat ng kulay ng dingding ng silid na iyon. Masyado pa siyang mahina at tila nanlalabo pa ang kanyang paningin kaya napagkamalan niyang nasa langit na siya.
Di pa naman bumungad sa kanya si San Pedro na may hawak na manok kaya tiyak niyang buhay pa siya sa mga oras na 'yun.
Eksakto namang papasok na si Dindo sa loob ng kuwarto para e-check ang kalagayan ni Scarlett. Nakita niya itong gising na. Agad niya itong nilapitan.
"Kamusta ang pakiramdam mo, Miss? Huwag kang masyadong magalaw at baka bumuka ulit ang mga sugat mo. Marami ang mga natamo mong sugat kaya hindi ka pa pwedeng gumalaw nang gumalaw," wika niya. Concerned siya sa kalagayan ni Scarlett at the same time humanga sa katapangan nito.
"Nasaan ako? Buhay pa ba ako?" tanong niya ulit. Hindi pa rin siya makapaniwala na may nakaka-usap siyang tao. Si San Pedro na ba ito?
"Oo, buhay ka pa. Ang suwerte mo dahil sa dinami-rami ng mga malulubhang tama ng baril na tumama sa katawan mo ay nakaligtas ka pa rin. Congratulations for being a strong woman. Huwag kang mag-aalala safe ka na," pahayag ni Dindo.
"Huh. Talaga buhay ako? Salamat sa'yo," pinilit nitong ngumiti. Hindi pa rin siya nito nakikita ng malinaw. Medyo blurry pa kaya hindi niya nakilala na si Dindo ang kausap niya.
"Oo. Huwag kang magpasalamat sa akin. Kay Astra ka dapat na magpasalamat, kung hindi dahil sa kanya siguro totoo na nasa langit ka na ngayon. Siya ang tumulong sayo at dinala ka rito sa hideout. By the way, I'm Dindo Ruiz, I'm a doctor. Sila ang kumidnap sa akin para hindi ako makuha nina Regor. Ngayon ko lang napagtanto na mas safe pala na naririto ako kaysa nasa labas ako."
"Ikaw pala Dr. Dindo Ruiz. Maraming Salamat sa pagligtas mo ng buhay ko."
"Walang anuman. Matulog ka na lang ulit para mas lumakas ka pa lalo. Wala pa naman dito si Astra kaya mas mabuting magpahinga ka muna para pagbalik niya ay makaka-usap ka na niya. Sige, lalabas na ako. Huwag kang mag-aalala maraming bantay sa labas. Hindi ka na rito mahahanap ng mga gustong pumatay sa iyo."
"Sige."
Dahil sa matinding panghihina ay kaagad na nakatulog muli si Scarlett. Kinakailangan niyang maging malakas para mas madali siyang gumaling at nang makapag-lie low na muna.
Pagkalabas naman ni Dindo ay agad niyang tinanong ang inutusan niyang isang miyembro ng OMARE CORPs na magmanman sa bahay nila.
"Hi," unang bati niya ng malalapit siya. "Anong balita ang nasagap mo mula sa bahay?" Sunod niyang tanong.
Excited siyang may malaman mula sa ibabalita ng babae. Subrang na miss na rin niya ang mga magulang niya, tiyak niyang hindi na sila mapakali sa kakahanap sa kanya.
"Pinapahanap ka ng mga magulang mo at may isang babae na mataas, maputi at siyempre maganda ang pumunta sa bahay ninyo. Kakalabas lang din niya sa bahay niyo ng makita ko siya. Siguro kilala mo iyon,sir Dindo," tugon nito sa kanya.
"Maybe, it's Britney, my fiancee. Okay, thank you,"sagot niya.
"I see." Yumuko ang babae bilang paggalang at nauna nang umalis.
KAAGAD na pumanhik sa silid niya si Dindo. Di siya makapaniwala, umuwi si Britney para hanapin siya. Natuwa naman siya kahit papa-ano. Dati kahit anong paki-usap niyang umuwi ito dahil may maganda siyang surpresa, puro dahilan nito ay busy siya sa trabaho. Siya busy din sa pagiging doctor niya a.
"Umuwi ng Pinas si Britney? Sana bumalik na siya sa States. Hindi siya safe rito," Bumuntong-hininga siya. Baka madamay pa ang babae sa mga gulo nilang sinuong.
"God. I really miss her. Subra." Sinapo niya ang kanyang dibdib. Sino ba naman ang hindi mami-miss ng nubya. Bihira lang sila magkita, chat at video calls lang ang bumunuhay sa relasyon nilang dalawa.
"Then, sina Mom and Dad subra na talaga silang nag-aalala sa akin. I need to communicate them. Pero paano kung gagamitin namang advantage nina Regor kapag malaman nina mommy kung nasaan ako? What should I do?" Mga naibulalas pa niya.
Halo-halo ang kanyang naging emosyon. Napatampal na si Dindo sa noo niya. He sighed.
"Yeah, I need Astra, I need her help. Ipapa-alam ko muna sa kaniya ang mga gusto kong gawin,"usal niya ulit. Dapat lang na ipa-alam niya kaysa malagay ang lahat sa problema.
Kinuha niya ang stethoscope niya saka bumalik ulit sa silid ni Scarlett, ayaw niyang magdamdam dahil hindi din naman iyon makakatulong sa problema niya.
Pagkarating niya sa labas ng silid ng babae ay timing na papasok na rin si Astra kaya sabay na silang pumasok.
"Kamusta na siya? Nagising na ba siya kanina?" bungad nitong tanong.
"Yes. Pero dahil lubha pa siyang mahina. I better suggest that she need to sleep again in order to gain enough strength and energy. Wala naman akong binigay na gamot. Maya-maya ay magigising na naman siya ulit."
"Salamat," sabi nito sa kanya.
Lumapit ito sa kama ni Scarlett, hinawakan ang kamay nito. Thanks, Lord. Finally she's fine."
"A-Astra, can I ask some favor?" nag-aalinlangan niyang wika.
"Sure, ano iyon? Basta ang pwede lang mangyari at hindi iyong makapagpahamak sa iyo at maging sa amin," agad naman nitong sagot sa kanya ni Astra. Binalingan siya nito pagkatapos.
"Pwede ba akong makipag-communicate sa mga parents ko? Or can I send some letters para kahit papa-ano ay huwag na silang mag-aalala man lang sa'kin," bumuga siya ng hangin.
"Because I know, from now on nalulungkot sila pareho. Sino nga ba ang matutuwa na wala silang alam sa naging kalagayan ko rito? Kaya sana payagan mo man lang ako. I really miss them but I know they missed me more than I feel."
"Okay. Sulat lang ang maaari. Bawal ang text or tawag o chat dahil anytime mati-trace up nila ang number na ginamit mo and through GPS mahahanap nila ang kinaroroonan mo. Mas makabago na ngayon. Magaling na ang lahat in terms of using ICT kaya be ware."
"Okay lang, basta mapahatid ko ang mensahe ko para sa kanila. Matagal na rin akong nawalay sa pamilya ko for sure masyadong nag-aaalala na silang lahat.Okay, I will write my letter, now."
"Pwede ka na lumabas at magsulat ng mensahe mo. Ipapa-deliver ko iyan mamaya. Ako na muna ang bahala na tumingin kay Jasmine. Tatawagin na lang kita kapag may kailangan ako. Take your time."
"Okay. Thanks!"
Biglang nabuhayan si Dindo kaya medyo masaya itong lumabas ng silid ni Scarlett at tumungo na rin sa kanyang silid. May nakita siyang mga bondpaper doon sa may cabinet kaya iyon ang naisipan niyang gamitin upang sulatan.
Kahit papaano ay lumuwag na ang pakiramdam niya. Wala siyang sakit pero daig pa niya ang may lagnat araw-araw.
Naiwan naman na nagmamasid kay Scarlett si Astra.
Mataman siyang pinakatitigan ng babae. Parang sinasaulo nito ang bawat sulok ng kanyang mukha.
Napangiti ito sa hindi malamang dahilan, siguro may naaalala lang na masayang pangyayari na magkasama sila o kaya'y nagagandahan ito sa kanya. Kilala bilang isang boyish si Astra kaya hindi magkakalayo na nagkaka-crush ito sa kanya.
Sumilay ulit ang ngiti sa mga labi ni Astra ng makitang gumalaw ang isang daliri ni Scarlett sa kamay, indikasyon na gising na ito.
Dahan-dahan nitong iminulat ang kanyang mga mata. Napadako agad ang mga paningin niya sa babaeng malapad ang pagkangiti.
"Scarlett, mabuti at gising ka na. I'm so very thankful and happy," agad niyang wika
"Astra, sa...lamat sayo. Pa... paanong nalaman mo ang nangyari sa akin? At pa...paanong...na laman mo rin ang ...true name ko...?" medyo na uutal niyang sagot. Tumutulo kasi ang mga luha niya. Hindi niya napigilan na umiyak.
"I'm on my way back,when I saw you entered that damn building. Sinundan kita at nagmanman ako. Aalis na sana ako noon eh nang marinig ko ang pinag-uusapan ng mga tauhan ni Regor na pinatay daw nito si Scarlett." Tumalim ang mga mata niya.
"Sila ang mga inutusan na itapon ka sa ilog, pero may lalaking kumuha sa sinasabi nilang bangkay mo. Dinala ka niya sa gubat dahil akala niya siguro na patay ka na. Pagdating doon ay pinukol ko ang ulo niya at kinuha ka."
Nakita niya sa mga mata ni Scarlett ang galit. At ganun din siya galit na galit kay Regor.
"Nang pinulsuhan kita biglang pumitik ang pulse mo. Kaya kahit agaw-buhay ka na noon ay pinilit ko si Dindo na gamutin ka. I knew Scarlett this is not the end of your journey kaya gusto kong mabuhay ka pa. Thanks God, He is great," pagkukuwento pa niya. Scarlett is so lucky enough for her new life.
"Salamat. Kasalanan ko din naman kung bakit nangyari ito sa'kin. Masyado akong bungangera. Nagalit sa'kin si Regor kaya ginawa niya iyon. Pero nagkakamali siya dahil tulad ng mga sinabi ko sa kanya na kahit saang sulok pa siya ng impyerno ay uusigin ko siya at maniningil ako. Gaganti din ako sa tamang panahon."
"Tutulungan kita. Pero bakit nandoroon ka sa building nina Regor? Anong ginagawa mo doon?"
She sighed."I'm secretly working on his company but I'm a spy. Minamanmanan ko lang naman ang bawat galaw nila. Wala sa kanya ang loyalty ko kundi nasa kay Sapphire."
"Ganun ba?" walang kaalam-alam si Astra tungkol dito. "Speaking of her, nasaan na ba siya ngayon? Matagal ko na siyang hindi nakikita. Wala na rin siya sa dati niyang bahay. Mga alikabok na at mga tuyong dahon ang makikita sa paligid ng bahay niya. Wala namang ibang ebidensya ang maaari kung maging lead para matagpuan siya."
"Sa ngayon ay nag-lie low na muna siya. Pinapahanap na rin siya nina Regor dahil sa ngayon ay naging magka-away na rin sila. Hintayin na lang natin ang tamang panahon na bumalik si Sapphire. Tika, papa-ano na lang ang mga ebidensya na nakalap ko? Naiwan ko iyon sa bahay."
"Don't worry. It's safe. Kinuha ko kaagad iyon sa bahay mo. Lahat nandito na. Huwag kang mangamba. Sa bahay mo rin na confirm ko na Scarlett Reyes pala ang true name mo. Ang ganda ng pangalan mo Jasmine, at maganda rin naman ng code name mo."
"Hmm. Huwag kang magbiro sa'kin. Sa'yo din kaya, bagay sa personality mo. Astra,dahil ang astig mo, besides you're shining star. Kahit saan ka mapadpad, ikaw ay patuloy na kikinang." Nakangiti wika ni Scarlett.
"Aba, talaga? Parang hindi naman."
"Hmm,Thank you pala sa pagsagip mo sa'kin. Siguro ngayon nasa impyerno na ang kaluluwa ko kung tuluyan akong namatay at hindi na ako makakapaningil kay Regor."
"No worries. Nakalimutan mo na ba? Kung hindi dahil sa inyo ni Sapphire mas nauna na akong namatay dahil may mga addict na gusto akong reypin. Dahil din sa inyo naging matapang ako. Lahat ng mga naging miyembro ng OMARE CORPs ay may mga hindi magandang pinagdaraanan noon pero tinulungan ninyo na maging matapang, kaya heto kami ngayon magiging loyal sa inyo hanggang sa dulo ng aming mga hininga."
"Sos. Tama na iyan. Tulungan mo na akong makatayo. Ayaw kong nakahiga lang dito. Gusto kong lumabas upang makalanghap ng sariwang hangin," pamimilit niya na kahit medyo mahina pa siya. Hindi pa niya kayang tumayo, ego lang niya ang malakas.
"No! Hindi mo pa kaya. Magpahinga ka ulit. Magagalit ako, kaming lahat. Huwag kang masyadong magalaw. Masama sa mga papahilom mong sugat baka ma-infect. One week na lang at babalik na ang lahat sa dati kaya sa ngayon, tiisin mo lang muna iyan. Sige ka. Kung lumalala iyan mas matagal pa iyan mahihilom at matagal ka pang makaka-alis diyan sa higaan mo."
"Kaya ko na, promise."
"No. Mahina ka pa kaya kailangan mo pa ng maiging pagpapahinga. Don't worry sa mga inaalala mong trabaho kami na ang bahala saka mabait at masunurin na si Dindo kaya wala na kaming problema. Nadala na siguro o natakot dahil sa nakita niyang sinapit mo."
"Okay, fine.Totoo nga hindi ko pa kaya. Sorry, ang tigas ng ulo ko. Salamat sa inyong lahat, pakisabi na lang sa kanila na taos puso akong magpapasalamat sa lahat ng tulong nila sa'kin habang wala pa akong malay."
"Sige. Aalis na ako. May importante pa akong gagawin."
Pagkapaalam ni Astra kay Scarlett ay lumabas na ito at tumungo sa silid ni Dindo kinuha niya roon ang sulat na ginawa ni Dindo para sa mga magulang nito. Siya na ang bahalang magpapadala niyon sa may kartero.