ISANG breaking news ang gumimbal sa buong Pilipinas.Kilalang notorious groups ng mga sindikato ang walang awang tinambangan at pinatay. Ginilitan ng leeg ang mga ito nang mga sinasabing grupo ng mga kababaihan ayun sa mga nakasaksi.Ang pangyayaring ito ay may hawig sa EJK na ang mga user, p****r at protector lang druga ang kanilang target.Well, hindi naman masyadong big deal sa lahat ng mga ganitong balita, it's a day to day news na mababasa sa dyaryo at marinig sa TV at radyo. Kailan pa ba kasi hihinto ang mga ganito—ay hindi na pala, mas palala nang palala ang sitwasyon.
Kahit isa itong masamang balita ay may pakinabang din sa lipunan dahil ang mga namamatay ay mga salot naman sa ating lipunan. Not a grief pero kawawa ang mga naiiwan nilang mahal sa buhay na umaasa sa kanila. Marami na namang mga kabataan ang mawawalan mga ama, which is hindi nila inisip bago sila sumuong sa ganitong illegal na trabaho.
Hindi rin naman maganda ang naidudulot ng paggamit at pagbibenta ng ipinagbabawal na gamot. Maraming mga kabataan ang mga gumagamit nito at napapariwara sa kanilang buhay. Nawawala ang kanilang future at nakukuha na ring masangkot sa ibat-ibang krimen.
Ang mga grupo ng mga kababaihan ay hindi pa hanggang sa ngayon natutukoy ng mga pulisya kung ano ang mga motibo ng mga iyon, kung bakit sila umaatake at pumapaslang ng mga sindakatong grupo. Kung ano man ang kanilang hangarin, natutuwa naman ang ibang kapulisan dahil napapagaan ang kanilang trabaho.
Iniimbestigahan na rin sa ngayon kung bakit sila pinatay ng grupo ng mga kababaihan. Hindi pa tiyak kung sa personal na alitan ba iyon o mga grupo sila ng mga hindi nagpapakikilalang miyembro ng mga terorista or mga grupo ng NBI na hindi nagpapakilala.
Nahagis ni Regor ang hawak niyang remote control ng TV, basag itong tumilapon sa sahig. Biglang tumaas ang dugo niya matapos mapanuod sa TV ang brutal na pagkapaslang ng kanyang mga tauhan. Hindi niya ito matanggap, wala siyang paki-alam sa mga tauhan niya pero ang mga negosyo niya ang nadadamay kaya siya nagagalit. Parang kailan lang nasa peak of success siya dahil siya ang nangungunang drug lord sa buong bansa pero ngayon may mga kumakalaban sa kanya at hinihila siya pababa. Maraming pera ang mawawala sa kanya, he can't afford to lose it.
Galit na galit din siya dahil malaking halaga ng druga ang nakumpiska ng mga awtoridad. Nagkakahalaga iyon ng isang bilyong piso kung tuluyang naipuslit. It's a big amount of money pero naging bato pa.
"Sino ba talaga ang mga kumakalaban sa akin? Humanda kayo dahil hindi ko kayo mapapatawad sa oras na mahuli ko kayo. Magababayad kayo at pagsisihan ninyo na binabangga ninyo ako," galit na galit na naman si Regor na halos umapoy ang mga mata niya. His brown eyes turns into dark, umiigting ang mga panga at nanginginig siya sa galit.
Sino nga ba ang kumakalaban sa kanya?
Bakit, bawal ba? Deserve niya iyan, demonyo siya, at walang awa. Di naman habambuhay siya ang may hawak ng lahat.
Ipinatawag niya lahat ng kanyang mga tauhan at inutusan na magmanman at mag-imbestiga laban sa mga grupo ng mga kababaihan na kumukontra sa kanya. Kailangan niyang maunahan ang mga ito sa susunod nilang plano.
"Gawin ninyo ng maayos ang mga pinapagawa ko, at kung hindi. Alam niyo na ang mangyayari. Understood?" Lumabas na ang mga tauhan niya pagkatapos. Nanatili siyang naka-upo sa kanyang trono. Nagmuni-muni saka napapamura ulit.
Kapag patuloy ang pinsala nilang magagawa sa negosyo niya ay ikakahina nito ng salapi niya. Baka kung hindi druga ang pagtuonan niya,lumipat na naman siya sa mga child trafficking o iba pa.
Parang mga kabuting sumusulpot lang kung saan ang grupo ng mga kababaihan. Kinakalaban talaga ng mga ito illegal niyang negosyo.At gusto siyang pabagsakin at lumuhod sa kanila. Iyan ang ayaw mangyari ni Regor. Ang tulad niya ay walang kinatatakutan at walang inuurungan.
Lalaban siya sa madugong labanan kung kinakailangan. Ayaw niyang tintapakan siya ng ibang tao o grupo man. He's so egocentric since he was young, namana niya iyon sa kanyang ama.
Pinalaki siyang ganun ang mindset ng kanyang ama. Drug lord din naman ito kaya no doubts. Malakas ang impluwensya nito sa pagkatao ni Regor.
Di na mabilang na mura ang lumabas sa bibig ni Regor. Dismayado siya sa laman ng balita.
Marami na ang mga kasong sangkot ang grupo ng mga kababaihan. Mga tiwaling opisyales at mga drug pushers ang mga target nila na siya namang mga galamay ni Regor.
Masyado na siyang apektado dahil dito. Kapag patuloy pa rin itong mangyari ay talagang maghihirap siya agad. Tuso nga siya pero sa mga ilegal na bagay naman.
Bakit ba kasi may mga kasabwat pa siyang mga politiko, mga nasa mataas na opisyal ng pamahalaan at pati na sa pulisya. Ang sasama naman ng mga taong mga ganito. Hindi na nakukuntento sa mga pera nilang nakukulimbat galing sa gobyerno at nagawa pang magprotekta at magbinta ng ilegal na dr*ga.
Hindi nila alintana ang masamang epekto nito sa mga tao lalo na sa mga kabataan. Bagkos pera lang ang laman ng utak nila, ang magpayaman mula sa ganuong negosyo o trabaho. Kaba lang ang kapital, easy money pa.
Pagkatapos ng meeting na iyon ay agad na lumabas ng Alpha Mouhiere Empire si Regor.
Kapag mainit ang ulo niya ay umaalis siya para magpalamig ng ulo. Pupunta na naman ito sa club na madalas niyang puntahan, sa Halimuyak.
Sumakay siya sa kotse at pinaharorot iyon nang napakabilis. Akala niya siya lang ang nagmamay-ari ng kalsada.
Palihim siyang sinundan ni Ezekiel para masigurado kung saan ito patungo.
Nang makita niyang pumarada sa harap ng isang club si Regor ay palihim din siyang pumarada ng kanyang sasakyan sa hindi kalayuan.
Pumasok ito sa loob at agad na um-order ng maraming alak. Naupo sa palaging tambayan, sa Isang sulok ng club.
Tumable na din ng mga kababaihan. Nagsikapit ang mga ito sa kanya, parang mga linta.
Lingid sa kaalaman niya ay may mga matang nagmamasid lang sa paligid. Siya ang pokus mga iyon, binabantayan ang mga kilos at galaw niya.
Tumayo si Regor at nagpunta ng restroom. Naiihi siya sa dami ng mga nainom. Nakabangga siya ng isang magandang babae. Sexy, gorgeous, o damn, she's so hot. Napa-wow nga siya ng hindi inaasahan. Ngumisi siya na parang natatakam sa babae.
"Hi, Miss beautiful. I'm so sorry kung nabangga kita. Nakainom lang ako," wika nito saka hinimas ang balikat ng babae. Ang manyak din pala nito kapag lasing.
"It's okay handsome. Kaya mo pa bang pumunta ng restroom?" Sensual na wika ng babae. Kiniliti naman ang mokong,napapakindat pa ito.
"Bakit ihahatid mo ba ako? Kung pwede nga sana na ihatid mo ako," nakangising wika nito ulit."Pero baka maabala ka pa."
"Sure. Come on," sagot ng babae saka sinamahan siya papuntang restroom.
Sa labas lang naman naghintay ang babae. Hindi naman pala ito malandi para samahan sa loob ng CR ang lalaki.
Pagkatapos ay lumabas na si Regor. Success,naihi na niya ang mga nainom na mga alak. Hindi na ito masyadong lasing. Baka may ginawang hindi maganda kaya maayos na ang pagkatindig nito.
"Sorry, Miss ang tagal ko sa loob, but thanks dahil hinintay mo pa rin ako."
"Nag-aalala kasi ako sa'yo handsome kaya hindi ako umalis. Halika na. Ihahatid na kita sa table mo. Tara," inalalayan pa rin siya ng babae.
Ang bango ng babae, seducing ng aroma ng perfume. Natu-turn on si Regor sa kanya. She's the best pulutan ngayong gabi.
Hinatid nga siya ng babae sa kanyang mesa. Naki-upo na rin sa tabi niya ang magandang babae.
"Miss, can I ask? Are you working here?" nakangising tanong niya sa babae. Hinimas pa niya ang hita ng babae.Napasinghap ito at halatang nagulat sa ginawa niya.Nakasuot lang ito ng mini dress kaya kita ang magagandang hita. Minamanyak si Regor.
"No, I'm not," sagot nito saka dahan-dahan na kinuha ang kamay ni Regor sa hita niya. "I'm also a customer here." Napangisi naman si Regor, palagi na lang siyang nagkakamali ng mga impresyon niya sa tuwing lapitan siya ng mga babae. Akala ni mga nagta-trabaho sila sa club.
"I'm so sorry. I'm so judgemental." Pahayag niya. Wow, ang bait sa harap ng mga magagandang dilag, he's playing to his weakness.
Tumayo na ang babae."It's okay. I will go first. Bye. See you again next time."
"Wait. May I know your name?" Pigil niya sa babae. Maganda naman talaga ito kaya siguro naging subrang type niya. Gusto pa nga niya makilala.
"Call me,Trisha. How about you?" she answered, seductively.
"I'm Regor Marcial, nice meeting you. Okay bye," sagot niya sabay wink. Di na rin siya nagpumilit na pigilan pa ang babae na umalis.
Pagkatapos niyang makipagkamay kay Regor ay kaagad na itong lumabas.
Dumiretso siya sa kotse nito at may tinawagan.
Sinundan din pala siya ni Ezekiel at nagulat ang babae ng makita na nasa loob ng sasakyan niya ang lalaki.
Naputol nito ang tawag dahil sa nagulat siya.
"Sino ka ba Miss, anong pakay mo kay Regor bakit mo siya nilapitan kanina? Kaaway ka ba niya o sabihin nating isa ka sa mga kasamahan ng mga grupo ng kababaihan na siyang kumakalaban kay Regor? Sumagot ka!" Usisa niya sa babaeng na shock pa rin sa presinsya niya. Napapailing ito at natampal ang manobela ng kotse.
"F*ck!"usal nito. Nilingon niya si Ezekiel na nasa passenger seat.
"Bakit? Sino ka ba para tanungin ako ng ganyan? Hindi ko siya kilala at ngayon ko lang siya nakita rito. Tinulungan ko lang naman siya na pumunta ng restroom at wala na akong ibang motibo maliban doon," cold nitong sagot. Sana umubra ang pagsisinungaling niya.
"At anong pinagsasabi mong baka isa ako sa mga myembro ng mga grupo ng mga kababaihan na kumakalaban kay Regor?" Natawa ang babae saka nagsalita muli. "Baliw ka ba? Ang mukha kong 'to? Mapagkakamalan pa pala."
Umismid si Ezekiel, hindi siya naniniwala sa mga sinabi nito. Pwede namang e-deny ang totoo e.
"Huwag kang magsinungaling,Miss. Alam ko na ang mga modus ninyo. Nagpapanggap ka lang,hindi ba?" pangbibintang pa niya.
The woman hissed for annoyance. Ayaw talagang maniwala ni Ezekiel. Di umi-epekto ang acting skills ni Trisha. Ayaw niyang ma corner, lagot siya.
"Me? Of course not. I'm so sorry sir. May I go now? Pwede ka nang bumaba sa kotse ko," pinapaalis na niya ito pero parang walang balak lumabas.
"Ay, tika lang bakit mo nga pala ako pinagbibintangan ng ganun? Sino ka ba? Tauhan niya? Alalay o ano?" nakangising tanong nito sa kaniya.
"Tama ka. I'm his right hand. Nagulat ka ba sa malaman mo?
Umismid ang babae. "No, I am already aware. Pero bakit mo pa ako kinausap ng ganito?"
"Don't worry wala akong masamang gagawin sa'yo. I need some help,gusto ko ng kumalas sa grupo nina Regor. Matutulungan mo ba ako?"
I hope so,but I am not convinced yet. Malay ko,inuuto mo lang ako para umamin din ako kung sino ako."
"Gusto ko na talagang magbagong buhay. Kaya huwag kang mag-aalala hindi kita isusumbong sa kanya. Sabihin mo lang na mga kasamahan mo ang mga iyon!"pangungumbinsi niya kay Trisha.
"Sir, ang kulit mo. Hindi ko sila kilala. Ang tigas nang ulo mo. Sige,labas na. Kung ayaw mo na sa kanilang grupo, edi umalis ka. Wala akong paki-alam sa'yo. O sa inyo. Mag-ingat ka nalang." Napilitang lumabas si Ezekiel, wala siyang nakuhang sagot mula sa babae.
Naiwan na nakatayo si Ezekiel. Hindi talaga siya naniniwala sa sinabi ng babaeng iyon. May hinala talaga siya na myembro iyon ng mga kababaihan na kumakalaban kay Regor.
Tinungo niya ang kanyang kotse. At mabilis na sinundan ang babae. Nabigo siyang malaman ang gusto niyang malaman. Ang babae ay umuwi sa isang malaking bahay.
Hindi naman kanina-hinala ang paligid at labas ng bahay kaya umuwi na lang siya.Wala naman siyang masamang intensyon kung bakit gusto niyang malaman kung anong grupo ang mga bumabangga kay Regor.
Kung malaman niya kung sino sila mas pipiliin pa nga niya na doon na kumampi dahil nawawalan na siya gana na manatili sa grupo nina Regor dahil wala na nga si Scarlett.
Ito lang naman ang dahilan niya kung bakit nananatili pa siya roon, mahal niya ang babae.
Puno ng kabiguan ang sarili. Umuwi siya sa kanilang bahay para magpalamig ng ulo. Kailangan din niyang magpahinga. Iipon ulit siya ng lakas para sa mga plano niya.