Andrea's POV Buong durasyon ng biyahe ay natulog kaming magkahawak kamay ni Jeffrey. Nakasandig ako sa balikat nya at payapang natulog. Ang kaninang puno ng tampo na dibdib ko, ngayon ay nawala na. Madali lang naman kasi akong suyuin. Sabi nga pusong mamon. Kung iniisip ng iba na uto-uto ako, bahala na kayong mag-isip basta ang importante sa akin maayos na ang pakikitungo ni Jeffrey sa akin. Kailangan lang pala syang pagselosin. I am sure darating ang time na marerealize nya na ako talaga ang mahal nya. I am very sure of that because I feel it in his kisses and in his touch. When we arrived at our distination at Malè International Airport of Maldives, I can't contain the happiness I felt. Pagbaba na pagbaba namin sa eroplano hindi ko napigilang abutin ang labi ni Jeffrey at gawaran sya

