Pagkatapos ng kanyang debut na sinundan ng kasal ay dumeretso sila ni Jeffrey sa airport dahil sa Maldives sila maghohoneymoon. Regalo iyon ng kanyang mga magulang. Limang araw din silang maghohoneymoon na nataon naman na long weekend sa school. Walang pasidlan ang ligaya na nararamdaman ni Andrea habang pasakay na sila ng eroplano. Wala naman imik si Jeffrey. Sumusunod lamang ito sa bawat naisin ng asawa. Nang nasa eroplano na umupo sa may bandang bintana si Andrea. Nag akala nya ay nakasunod si Jeffrey sa kanya. Ganoon na lamang ang pagtataka nya nang makitang nasa kabilang upuan ito umupo. Lilipat sana sya sa tabi nito nang may humarang na seksing babae at nauna ng umupo sa tabi nito. Hindi alam ni Andrea kung ano ang mararamdaman at iisipin. Sinadya ba ni Jeffrey ang hindi umu

