Pinanlakihan naman ng mata ni Alexis si Althea dahil sa kadaldalan nito. Hindi nito napigilan ang magkomento. "Ano ka ba Althea, hindi naman gold digger si Andrea at saka mayaman naman na si Andrea. At isa pa hindi natuturuan ang puso. Ano magagawa natin kung si Jeffrey talaga ang type ng kaibigan natin." Nagkatinginan ang dalawang kaibigan nang hindi man lang kumibo si Andrea. "Okay ka lang ba Andrea?" nag-aalalang tanong ni Alexis. Hindi parin kumibo ang dalaga at blanko ang expresyon. Natahimik ang dalawang kaibigan at hinayaan muna sya. Nakikiramdam ang mga ito. Ilang sandali pay bumuntung hininga ng malalim si Andrea at matamis na ngumiti sa mga kaibigan. "Sorry guys, I should not be like this. Nasa party tayo kaya dapat mag-enjoy tayong lahat." Nang may dumaan na waiter na may dal

