Napatayo ako pero bigla din akong nabuway dahil sa pagkahilo. Mabilis naman akong dinaluhan ni Jeffrey. Isinandal ko ang ulo ko sa kanyang dibdib. Parang gusto kong umiyak dahil nararamdaman ko ang unti-unting paglayo ng loob nya sa akin. Hindi ko parin maiwasan ang makaramdam ng insekyuridad lalo na sa pagmamahal nya sa akin. Kumapit ako sa batok nya at buong suyo akong tumingala sa kanya. Kailangang maawa sya sa akin. Kailangan na ako lang ang mahal nya at sa akin lang ang lahat ng atensyon nya. "Tell me Hon, do u.....heck!...s-till lo-ve me?" tanong ko sa pagitan ng pagsinok. Ramdam ko ang higpit ng pagyapos nya sa katawan ko pero hindi ko ramdam ang dating init na hatid nito. Lalong sumakit ang dibdib ko. Hindi ko napigilan ang pagmalisbis ng luha sa pisnge ko. "Shhhh! Stop it Trin

