Nakakasilaw na sikat Ng Araw na pumapasok sa bintana Ng kwartong iyon Ang nasilayan ko pagmulat Ng aking mga mata. Agad Kong ipinikit na muli Ang mga mata dahil sa silaw Ng Araw. Saka dahan dahan na muling iminulat Ang mga mata. Nasa loob ako Ng kwarto. "Nasaan ako? Kaninong kwarto ito?.." Iginala ko Ang paningin sa buong paligid. Walang tao doon maliban sa akin. Sa ayos Ng kwarto, Hindi iyon Kay Frank. Iginalaw ko Ang kamay. May naka kabit na suwero. Noon ko napagtantong nasa Isang kwarto pala ako Ng ospital. Nalito ako. "Bakit ako nandito?.." Bumangon ako at umupo sa gilid Ng hospiTal bed. Pilit inaalala Ang nangyari. Ipinikit ko Ang mata. At sa aking balintataw, bumalik sa isip ko Ang mga nangyari. Nasa kalagitnaan na ako Ng paglalakad pabalik sa Cuisine. Pinili ko na lang maglaka

