Hindi pa Rin Siya nagigising. Mas pinili Kong maupo sa tabi Ng higaan ni Michelle habang inaantay Ang paggising nito. Pinisil ko Ang kamay niyang may suwero. Nakita Kong may namumuong mga butil Ng pawis sa noo Niya. Kumuha ako Ng tissue sa bedside table at pinunasan Ang mga iyon. Tumaas baba Ang dibdib ni Michelle. Bumilis Ang paghinga nito. Hinihingal na para bang tumatakbo. Umungol ito Saka nagpabiling biling Ang mukha. Nagulat ako. "Ano Ang nangyayari?.." Naguguluhan ako. "Baka nananaginip na Naman Siya..." Nagpatuloy Ang pagbiling biling Ng mukha nito. At pabilis Ng pabilis Ang pagtaas baba Ng dibdib Niya. Di ko alam kung ano Ang gagawin ko. Hinawakan ko Siya at sinubukang gisingin. Niyugyog ko Siya pero Hindi pa Rin gumigising. Nababahala na ako. Iniisip Kong tumawag na Ng nurse

