Chapter 1
“Kapag sinaktan mo si Joanna, alam mo na kung saan ka pupulutin Delvo!” seryosong sabi ni Nice kay Rafael ng magkaroon ng pagkakataon na makausap ito ng sarilinan.
Humalukipkip pa siya at umayos ng tayo para mas magmukha pang nakaka-intimidate rito. Kanina pa siya kating-kati na makausap ito, hindi nga lang niya magawa dahil busy ang lalaki sa pag-aasikaso ng mga bisita.
Naroon sila sa resort ng mga ito sa Bulacan kung saan isa sa mga may-ari roon si Rapael, kaya naisipan nitong doon nalang mag-celebrate ng birthday para na rin daw makita nila ang nasabing resort. Kung sakali raw na magustuhan nila roon ay pupwede silang bumalik kahit kailan nila gustuhin. Pero syempre ay hindi na raw libre, mayroon lang silang one percent discount. Madadagdagan ang discount na iyon depende sa dami ng makakasama nilang magbabakasyon. Ngali-ngali niyang batukan ang lalaking kaharap. Hindi pa man, ipinapakita na nito ang masamang ugali sa kanila.
Naaaliw na tumawa ang kaharap niya. Napataas tuloy ang natural nang mataas niyang mga kilay. “Naiintindihan ko Nice, don’t worry hindi na uli iiyak si Joanna. I love her so much” nakangiting sagot naman nito sa “pagbabanta” niya ngunit nakikita niya sa mga mata na seryoso at sincere naman ang binata sa pagmamahal na sinasabi nito para sa kaibigan niya.
Nasiyahan naman siya kahit papaano sa naging sagot nito. Hopefully ito na ang tamang lalaki para kay Joanna. Pero hindi niya maiwasan ang magduda sa sinasabi nitong hindi na nito papaiyakin pa ang huli dahil unang-una mababaw ang luha ng babaeng iyon kaya mabilis umiyak. Pangalawa,selosa ang kaibigan. Pangatlo, sa unang tingin pa lang niya sa lalaking ito ay parang hindi matutupad ang sinabi nitong hindi na iiyak ang kaibigan niya. Mukha kasi itong chickboy at lapitin ng mga babae . May itsura ang lalaki-itsurang sa tingin niya ay hindi magdadalawang-isip ang mga kalahi ni Ebang lingunin ang lalaki kapag nakasalubong ng mga iyon ang binata. Kawawang Joanna kapag nagkataon.
“Let’s see?” paismid na inirapan niya ito saka tumalikod. Nang may maalala ay muling pumihit si Nice kaya kitang-kita niyang sinusundan siya nito ng naaaliw na tingin habang tumatawa ng walang tunog na nawala rin ng bigla siyang humarap. Nagsalubong ang mga kilay niya. Mukhang hindi siniseryoso ng lalaking ito ang mga sinabi niya kanina. Muli niya itong inirapan saka suminyas ng “I am watching you” at binigyan ng wag-kang-magpapahuli-kung-hindi-tapos-na-ang-maliligayang-araw-mo look saka naglakad palapit sa mga kaibigan niya sa lamesang nakalaan para sa kanila.
“Tapos mo na bang pagbantaan si Raphy my loves?” nakangusong sabi agad ni Joanna hindi pa man siya nakakaaupo sa nakalaang upuan para sa kanya. Tumango lang siya bilang sagot.
Napahagikhik naman ang mga kasama nilang nasa mesa. “ Hindi ka pa sanay kay Nice, lahat naman ng mga naging boyfriend natin napagbantaan niyan e” sabi ng katabi niyang si Janessa.
“Oo nga, naalala ko pa ang naging komprontasyon niya kay Julian noon ng sabihin niyang ipapatumba niya kapag sinaktan ako.” Tumawa si Angelina. Marahil inaalala nito ang senaryong iyon. “Julian think she was some random crazy woman who decided to have some frank on him!” saka ito humalakhak.
Sumimangot siya ng maalala rin ang tagpong iyon. Kakalabas lang niya noon sa huling subject ng madaanan niyang nakaupo si Julian sa isang bench malapit sa soccer field ng university na pinapasukan niya. Mag-isa lang ito. Siguro ay hinihintay nito ang kaibigan niyang si Angelina. Hindi sila magkaklase ng huli dahil kumukuha ito ng kursong BS in Secondary Education major in English while she decided to take BS in Tourism Management. Pare-pareho silang graduating student ng mga panahong iyon. Nilapitan niya ang lalaki sabay sabing, “Julian Passion, subukan mong saktan si Ange at hindi ako mangingiming ipadampot ka bago ko ipapachop-chop ang katawan mo at ipatapon sa iba’t-ibang parte ng pilipinas para hindi kana makita ng pamilya mo.” Bago siya tumalikod ay nahagip pa niyang nabigla at namutla ito saka nanlalaki ang mga matang sinundan lang siya ng tingin.
“Talagang magiging crazy si Nice sa paningin niya dahil sino ba namang tao ang bigla ka nalang haharapin at sasabihan na balak gawing giniling ang katawan mo saka ipapatapon sa lahat ng sulok ng bansa?” ani naman ni Anna saka humagalpak ng tawa. Hawak pa nito ang mga tiyan.
Tinaasan lang niya ito ng kilay saka inabot ang tubig na nasa harap. Kapag talaga magkakasama sila paborito ng mga itong gawing topic ang lahat ng mga threat na ginawa niya sa mga boyfriend ng mga ito noon. Some of them think she’s crazy, and some…well.. feel threaten and bigla na lang nangawalang parang bula sa buhay ng mga kaibigan niya.
Noong una, naiinis at nagtatampoo ang mga kaibigan kapag bigla na lang iniiwan ang mga ito ng mga current boyfriends nito. Na ipinagkikibit balikat lang niya.
Kung totoo naman kasing mahal ng mga lalaking iyon ang mga kaibigan niya ay hindi sila matatakot sa mga pinagsasabi niya. Lalo na at imposibleng magawa niya iyon. Like duh? Sino ba ang babaeng makakagawa ng mga ganoong klase ng mga threat unless wala siya sa sariling katinuan para gawin ang mga pinagsasabi niya.
”Sinusubukan ko lang kung seryoso siya sa iyo. Dapat pa ngang pasalamatan ninyo ako dahil nailayo ko kayo sa mga maling lalaki” proud na sabi niya saka tinuro ang sarili. Puro iling at tawa lang ang naging sagot ng mga ito.
“Tsk Tsk. Kung gaano kaganda ang pangalan at kaamo ang mukha mo siya namang kabaliktaran kapag ibinubuka mo na ang bunganga mo!” iling na sabi naman ni Hanna. “Paano ka magkakaboyfriend niyan kung lagi kang amasona sa mga lalaki?”
“Sino ba nagsabi na kailangan ko ng boyfriend. Mabubuhay ako ng masaya kahit walang lalaki sa buhay ko!” matigas na sabi niya.
“Sayang ang bahay-bata mo teh! Tuyot na tuyot na iyan. Pustahan tayo!” nakangising sabi ni Angelina.
“Ido-donate ko kapag nagka-time ako, busy pa ako sa ngayon e.” baliwalang sagot niya rito.
“Pwede ba iyon ate?” si Rica, ang pinaka-bata at pinaka-inosente sa kanilang lahat. IT graduate naman ito.
“But of course darling. Sa akin walang imposible!”
“Niloloko niyo na naman ako e. Kukuha na lang nga ako ng pagkain” nakasimangot na tumayo ito saka dumiritso sa buffet table ilang hakbang lang ang layo sa kanila.
“Kita mo, naunahan ka pa ni Rica makahanap ng forever niya!” sabi ni Hanna na sinang-ayunan ng lahat. Ganoon talaga ang mga bu-ang niyang kaibigan. Iisa lang naman ang ginagawa niya kapag ganoon na ang usapan.
“Oy, ayan na ang infamous walk-out ni Nica Celle Andrade.”
“Tse, wag niyo ko pakialaman!” walang lingon niyang nilayasan ang mga ito. Dumiritso siya sa buffet at saka kumuha ng mga pagkain at nilagay sa isang plato. Balak sana niyang bumalik sa lamesa pero nakita niyang may kanya-kanyang partner na ang mga ito ay kumuha na lang siya ng panibagong baso ng pineapple juice saka nagdesisyong dumiritso sa dalampasigan para mapag-isa kahit sandali lang.
Dumiritso si Nice sa mga upuan na gawa sa kahoy at nakahirela sa mga puno ng niyog na malapit sa dalampasigan. Pinili niya ang medyo malayo sa building kung saan siya nanggaling.
She choose a seat where she can’t be seen instantly if someone might stray on that area.
Ipinatong muna niya ang mga dala sa gilid saka umupo sa kabilang bahagi ng upuan. Matapos tanggalin ang sapin sa mga paa ay itinaas niya ang mga iyon saka ipinagcross na animo nag-yoyoga siya. Nang makuha ang pinakacomportableng pwesto ay nagsimula siyang kumain. Puro finger foods lang naman ang mga kinuha niya dahil busog pa siya sa mga kinain kanina.
Habang kumakain ay tahimik niyang pinapanood ang mga alon na animo naghahabulan na makarating sa pampang. Sinasabayan rin ng mabining tunog ng hampas ng alon ang tila simisipol na hangin ang kanyang paligid. Napangiti si Nice. Nakaka-relax talaga ang ganitong senaryo.
Kung may mapagpipilian lang siya ay gugustuhin niyang tumira sa ganitong klase ng lugar kaysa ang manirahan sa Manila na napaka-ingay at araw-araw na nakikipagpatintero sa mga tao kapag pumapasok sa trabaho. Nasasakal siya sa sikip at dikit-dikit na bahay. Nahihirapan rin siyang huminga kapag nakakaamoy siya ng polluted air. Kung mabibigyan siya ng pagkakataon ay gusto niyang sa ganitong lugar manirahan. Malapit sa dagat o kaya ay malapit sa bundok at mga bukirin. Hindi lang siya makaalis ng Manila dahil naroon ang kanyang trabaho. Pero kapag siguro nakapag-asawa siya ay sa ganitong lugar niya nais manirahan.
“Asawa?”
Napatawa si Nice sa naisip saka napailing. She can’t believed na pumasok sa isip niya ang tungkol sa pag-aasawa. Pati utak niya ay napu-pollute na dahil sa pagtutulak ng mga kaibigan niya na kailangan niya ng lalaki sa buhay niya.
“Hindi ba nila nakikita na masaya ako sa buhay ko? The hell I care with all the boys in the world.”
Sa kanilang magkakaibigan, siya na lang ang walang boyfriend. Noong college pa silang dalawa ni Angelina hindi naman issue ang kawalan niya ng boyfriend. Pero ng magsimula siyang magtrabaho at nasama sa circle of friends nila sina Anna, Angelina, Rica, Hanna, Janessa, Joanna at ng unti-unti ay nagkaroon ang mga ito ng asawa at boyfriend ay naging trip na ng mga ito ang pagtripan ang pagiging single niya.
Tatlo na ang may asawa sa grupo nila: Angelina, Janessa, at Anna. Si Hanna naman ay mayroong long-time boyfriend. Kung kailan nito gugustuhing magpakasal ay maari dahil matagal na itong pinipilit ng pamilya ni Glen-ang boyfriend nito na magpakasal na ang dalawa-na tinutulan ng kaibigan dahil gusto pa nitong magtrabaho at e-enjoy ang pagiging buhay dalaga. Si Anna naman ay kasalukuyang nag-aayos ng mga papeles nito patungong Australia kung nasaan ang asawa nito. As of now ay LDR ang peg nang dalawa dahil naroon ang trabaho ng lalaki. Si Rica naman ay less than two years palang sa boyfriend nitong si Jake.
Habang si Joanna ay buwan palang sa new boyfriend nitong si Rafael. Matagal kasing naging on and off ang relasyon nito sa huling ex dahil minahal nito iyon ng todo. Ilang buwan pa lang ang nakararaan ng matauhan ito at tuluyang matanggap na hindi na ito mahal ng kulugong ex nito. Isa siya sa mga naunang nagbunyi ng marinig ang balitang iyon. Gusto pa nga niyang magpa-spagetti kung hindi lang niya nakita ang miserableng mukha ng kaibigan. Kaya sa huli ang balak na spagetti ay napunta sa isang case ng San Mig Light at isang mangkok ng tuna with corn na pulutan. Matagal na kasi nilang pinagsasabihan ang kaibigan na humanap na lang ng ibang lalaki dahil hindi naman worth it ang pagmamahal na ibinibigay nito sa ex. Isa siya sa mga naging parang sirang plaka na halos araw-araw nagpapaala-ala rito noon na bumitiw na.
Isinubo niya ang huling cupcake na nasa plato saka pinagdiskitahan ang pineapple juice nasa gilid. Isinandal niya ang likod sa sandalan ng upuan at ipinatong ang kanang braso roon.
“Ah, this is life. No boyfriend means less stress equals happy life.” Nakangiting sabi ni Nice bago muling pinanood ang mga alon. Pagkatapos ng ilang minuto pang pagmamasid ay nagpasya siyang bumalik na sa loob dahil baka hinahanap na rin siya roon.
***
“Hindi rin!” hindi napigilan ni Weeyam na sagutin ang huling tinuran kanina ng babaeng naglalakad na ngayon pabalik sa loob ng hotel building ng resort. Kanina pa niya ito tinitingnan. Akala siguro ng babae na walang tao roon. Hindi naman kasi siya basta-basta makikita sa duyang kinahihigaan.
Sa likod kasi ng mga puno ng niyog ay marami pang mga punong nakatanim. Nilagyan iyon ng mga hammock para maaring mapagpahingahan ng mga guest ng resort kung sakaling mainit sa parte ng mga kinalalagyan ng mga bench sa dalampasigan.
Balak sana niyang umidlip dahil simula pa noong nakaraang linggo ay wala pa siyang maayos na tulog. Marami siyang inaasikaso sa resort ngayon dahil balak niyang mag-expand ng business. Tatlo silang may-ari ng resort na iyon. Him, Amy and Rafael. Siya ang namamahala sa over-all production at tumatayong CEO. Siya rin ang may pinakamalaking share sa kanilang tatlo. While Amy is the Financial Manager and the Officer in Charge if his not around the country. Rafael is the Marketing Manager. Mostly ito ang laging wala sa bansa. Photographer talaga ang trabaho ng huli. At dahil marami itong kilala at kaibigan sa ibang bansa. Lagi nitong ibinibida ang ganda ng Pilipinas. Syempre kasama na ang resort nila kapag nagbibida na ito. Ito rin ang gumawa at nagmimintina ng Official websites nila.
Alam na rin ng dalawa pa niyang kaibigan s***h partners ang balak niyang expansion na agad na sinang-ayunan ng dalawa ng makita ang proposal niya. Binili niya ang katabing resort at balak iyong i-develop. Gusto niyang magdagdag ng mga cottages sa lugar na iyon dahil kinukulang sila ng rooms kapag peak season. Mostly, nagsisimula ng November hangggang May ang month na marami silang guest, lalo na kapag summer.
Last year lang ay marami silang hindi na-accommodate na guest dahil nga punuan na sila. Doon pumasok sa isip niya na madagdag ng cottages. Hindi naman siya nahirapan na amuin ang katabing lupa ng resort nila dahil balak rin pala ng mag-asawang Del Rosario na ibinta iyon upang sa America na manirahan kung saan naroon na rin ang dalawang anak ng mga ito.
Nagiging in-demand na ang mga beach resort ngayon dahil painit na ng painit ang panahon nitong mga nakaraang taon kaya halos hindi rin sila nawawalan ng mga guests. The first two years of their business operation only caters mostly European countries. Habang ginagamay niya ang negosyong iyon ay lumalawak rin ang target market nila.
After three years of operation, they finally let local tourist as their secondary target market. Lalong lumakas ang business nila. Masaya siya dahil nami-meet nila ang expectation ng mga guest na tumutuloy sa kanila dahil halos lahat ay nagbibigay ng magandang rate pagdating sa kalidad ng trabaho nila at bumabalik pa. Kaya para mas mapaganda pa ang kalidad ng in-ooffer nilang services sa mga ito, nag-desisyon siyang mag-hold ng seminar para sa mga employee once a month. Noong una ay hands-on siya sa pagte-traning ng mga tao. He, himself attended seminars about personality development and such and then teach it to his employee. Pero dahil dumarami ang trabaho niya as time goes by, naglagay siya ng tao para um-attend sa mga seminar at magturo ng lahat ng mga natutunan niyon sa mga employee nila. Sa ngayon ay si Amy ang nagtutuloy ng adhikain niyang iyon.
And then Amy, suggested that they should try to expand and try something new to offer to their client. Hanggang sa pati ang pagca-cater ng lugar for wedding, birthday and tour packages ay pinatulan na rin nila. Well, ang tour packages ay nabuo lamang dahil karamihan sa mga foreigner na kliyente nila ay hindi gamay ang Pilipinas. Kaya kung gusto ng client nila ang mag-tour sa mga sikat ng lugar rito sa Pilipinas ay agad nila iyong itinatawag sa partner travel agency na pinsan niya ang may-ari at ito na ang bahala sa lahat.
At sa susunod na linggo na ang simula ng pagtatayo ng mga cottages. Gusto niyang masiguro na walang magiging problema sa mga panahong iyon. Kaya lang ay nawala ang antok niya ng makita ang babae na may dalang pagkain saka umupo sa mismong upuan sa harapan niya.
Naaaliw siyang pagmasdan ito habang kumakain. Lalo na ng magsalita ito mag-isa. The girl has a long curly hair. Umabot iyon hanggang baywang nito. Nakasummer dress rin ito na umabot hanggang kalahati ng binti nito. Hindi man ganoon kaliwanag sa lugar ay napansin niyang medyo singkit ang babae. Katataman lang rin ang tangos ng maliit na ilong nito. Sa tantiya niya ay nasa five feet three inches lang ang babae. Bilugan rin ang katawan nito pero hindi masasabing mataba. Cute ang unang word na pumasok sa isip niya kanina ng mabistahan ang babae. Napangiti siya. Well, cute is his weakness. Mapabagay, hayop o tao man iyon.
Napaisip siya. Marahil ay isa iyon sa mga bisita ni Rapael. Kunti lang kasi guest nila ngayon. Karamihan pa roon ay ibang lahi. Kaya malaki ang posibilidad na kakilala iyon ng kaibigan. Hindi pa nga pala niya ito napuntahan. Pero nabati na niya kaninang tanghali ng magkita sila.
Tumayo na rin siya. Pupuntahan na lang niya si Rapael tutal ay wala na rin siyang balak na umidlip. Ewan ba niya pero lalong nabuhay ang dugo niya sa isiping makikita niya roon ang cute na babae sa dalapasigan. At kung suswertehin ay makakadaupang palad pa niya ito. Napangiti siya ng malawak. He can’t wait to hold her soft hands next to him. Hindi niya maiwasang mapailing ng makaramdam siya ng matinding excitement dahil sa naisip.
What have you done to me young Lady?