“Sige po nay, pagbalik ko ng Manila aasikasuhin ko kaagad” sabi na lang niya bago muling nagpaalam sa ina. Pabalik na siya kanina sa pinagdaraosan ng party ni Rafael ng tumawag ang ina. Ipinapasuyo nito kung pwede raw bang siya na lang ang kumuha ng copy ng birth certificate ng pinsan sa PSA. Kailangan raw nito iyon dahil isa sa mga requirements ng bata para sa pagpasok ng college.
Napaismid siya bago ibinalik ang aparato sa bulsa. Okay lang naman sa kanya ang mga ganoong pasuyo lalo na at kadugo niya ang nangangailangan. Ang hindi lang gusto ay kung bakit ang ina pa niya ang kailangang magsabi niyon sa kanya.
Oh, well wala nga palang lakas ng loob ang ina ng pinsan niya na kausapin siya. Ito lang naman kasi ang numero unong nag-tsismis sa kanya noon na hindi siya makakapagtapos ng college dahil inuuna raw niya ang “paglalandi” at hindi ang pag-aaral.
Nagkaroon kasi siya ng boyfriend noong first year college. Alam ng ina niya ang tungkol roon dahil sinangguni muna niya kung papayag ang ina sa possibility na magkaroon siya ng boyfriend. Hindi naman siya nito binawalan pero nagsabi ito na alam na niya ang tama at mali. Nasa kanya na ang desisyon.
Laking pasasalamat niya dahil noong mga panahong iyon ay gustong-gusto talaga niyang maranasan kung ano ang feeling ng may nag-aalala sa kanyang ibang tao maliban sa pamilya niya. A boy particularly. Yeah, sinagot niya ang lalaki hindi dahil sa mahal niya ito kundi because of a plain curiosity. Balak niyang makipagbreak sa lalaki after a month or two.
That’s the original plan.
Pero hindi niya akalaing ang curiosity na iyon ay mauuwi sa totoong pagmamahal.
Maalaga kasi ang lalaki. Ramdam niyang mahal siya nito. Nalaman niyang matagal na pala siya nitong crush. High-school palang daw siya. Hanggang sa dumating sa puntong iniisip niya na ito na ang lalaking gusto niyang makasama habang buhay. Naka mindset na sa kanya na darating ang panahong makakapagtapos sila ng pag-aaral, magpapakasal, magkakaanak, tatanda at mamamatay ng magkasama. Her little world revolves only on him. Pero hindi naman naapektuhan ang pag-aaral niya. Ginawa niya itong inspiration. Until one day,he broke her heart not just once but trice until her heart was too broken to be fix by love nor other man.
To make the long story short, nang mag-break sila ng unggoy at walang bayag niyang ex. Ginawa uli niya itong inspiration. Oh no, hindi na niya ito mahal. Galit na siya rito. Galit na galit. Nagniningas pa nga. Ang galit na iyon ang naging lakas niya hanggang makapagtapos siya. Sinabi niya sa sarili noon na ipapakita niya sa lalaki na ito ang nawalan at hindi siya. Na tanga ito dahil nakita na nito ang pinakaperpektong babae sa katauhan niya para rito pero hinayaan lang nitong umalpas iyon sa mga kamay nito.
Lumipat siya ng Manila at doon ipinagpatuloy ang pag-aaral. Ayaw kasi niyang magkasalubong sila ng landas ng hudas. Gusto niya kapag nagkita sila, isa ng siyang professional na tao. Nang makapagtapos naman siya, nagkalat uli ng tsismis ang magaling niyang Auntie. Nangangamuhan raw siya sa Manila.
Nang ibalita iyon sa kanya ng ina ay hindi niya mapigilang humagalpak ng tawa. Naaawa siya sa mga taong katulad nito. Ang dami na ngang dumarating na problema sa buhay ng pamilya nito pero siya pa rin ang favorite topic nito.
Way back in college, may mga times na hindi niya mapigilang masaktan at mag-breakdown sa mga sinasabi ng tao sa kanya. Kahit hindi naman kasi totoo ang mga iyon ay nakakasira pa rin ng image niya. Nababahiran pa rin ang pagkatao niya.
Nang minsang umiiyak na nagsumbong siya sa isang ka-close na kaklase ay tumatak sa isipan niya ang mga sinabi nito.
“Alam mo Nice, hindi nawawala sa isang tao ang gumawa ng kwento kapag naiinggit sila sa iyo lalo na at may narating kana at sila ay naiwan sa ibaba. Ang tanging magagawa lang nila ay ang gumawa ng mga bagay o lumikha ng mga kwento na makakahila sa iyo pababa at ma-stuck sa kung nasaan ang kinalalagyan nila. Remember, kaya nga tinawag na tsismis dahil wala pang hard evidence na makakapagpatunay na totoo iyon. Kapag lumabas naman na hindi totoo ang mga sinabi nila, sino bang mapapahiya? Ikaw ba o sila? At intindihin mo na lang ang mga ganoong klase ng tao. Ang mga taong kagaya nila ay nangangailangan ng full attention ng madla kasi kulang sa sila sa pansin. And don’t ever think of revenge, karma has it’s own way to make those people shut their filthy mouth. Just do the things you should do, focus on aiming your goals in life and building your dreams. Always remember, God is always on your side.”
At kapag naalala niya ang mga salitang iyon ay kusang nawawala ang bigat sa dibdib niya.
Oh will, masarap maging artista sa sarili mong bayan. Kilala ka ng lahat. Might as well as enjoy the fame she’s getting. Feeling niya ang ganda-ganda niya kapag pinagtsitsismisan siya ng tao.
Kaya nga ng makapagtapos siya ng college ay taas noo siyang umuwi sa kanila at ibinandera niya sa sala nila ang kanyang graduation picture na mmalaki ang ngiti at nakatoga pa.
Doon din niya nalaman na ang Auntie niyang ginawa siyang artista sa baryo nila noon ay ang may apo na sa anak nitong kasabayan niyang mag-college ngayon at ang napangasawa ay nangangamuhan bilang boy sa kamag-anak nito ilang baryo ang layo sa kanila. Ang balik nga naman ng karma. Hindi na lang siya umimik. Nagpatay-malisya. Kaya ngayon ay ilag sa kanya ang taong iyon at kung may kailangan ay sa ina niya lumalapit. Katulad na lang ngayon. She tsked. Kung hindi ba naman makapal ang mukha.
Umiiling na bumalik siya sa loob ng building kung saan idinaraos ang kaarawan ni Rapael. Dumiritso siya sa umpukan ng mga kaibigan. Halos lahat ay naroon ang mga partner. Maliban sa kanya na wala talaga at kay Ana.
“Andito na pala si Nice, saan ka galing bakit ang tagal mo?”sita sa kanya ni Angelina
“Sa labas nagpahangin. Bakit may maganda bang nangyari habang wala ako?”
“Meron!” si Janesa
“Nakahanap na kami ng boyfriend mo!” segunda agad ni Hanna.
“Talaga? Should I congratulate all of you?” walang gana niyang sagot. Sinakyan na lang niya ang mga kaibigan sa kabaliwan ng mga ito. Ilang beses na rin namang nangyari ang ganoon pero laging bagsak sa kanya ang mga nakukuha ng mga ito. Hindi dahil hindi kaaya-aya ang mga ipinapakilala ng mga ito. In fact lahat ay maganda ang background at may mga itsura. Its just that she choose to decline all of them dahil wala na siyang balak pang mag-asawa. She’s happy and contented with her life. She doesn’t need a man just to tell the word she’s fine.
“Kumuha lang sila ni Rafael ng pagkain. Kararating lang rin ni Weeyam. Nauna lang sa iyo ng ilang minuto” ayaw paawat na sabi ni Joanna.
Iling lang ang sinagot niya sa sinabi nito.
“Kukuha akong pagkain, sinong sasama?” ani Rica.
“Hindi ka pa ba busog? Kanina ka pa kain ng kain e.”
“Baka buntis kaya matakaw?” sabi niya saka tiningnan ito.
“Grabi ka ate, di kaya ako buntis . Gutom lang talaga ako” mahinhin pa ring sabi nito. Ipinagkibit-balikat lang niya. Nagpadamay nalang siya ng dessert. Nagutom ata siya sa pakikipagusap sa ina kanina.
Mula sa di kalayuan ay narinig niya ang tawanan ng mga paparating.
“Iyan na ang future boyfriend mo Nice!” kinikilig na sabi ni Hanna sa kanya. Tiningnan lang niya sandali ang lalaking itinuro nito na kasama ni Rapael habang naglalakad patungo sa mesa nila.
“Wala talaga kayong balak na tigilan ako,ano?”
“Wala talaga, kasi ikaw nalang ang walang boyfreind sa amin.”
“Sino pang walang boyfriend?” sabat ng bagong dating saka umupo sa tabi niya.
Sabay-sabay na itinuro siya ng mga kaibigan na ikinataas ng kilay niya.
“Si Nice. Masyado kasing pihikan sa pagpili ng lalaki kaya hanggang ngayon wala pa ring boyfriend.”
“Baka kasi ako talaga ang inaantay niya.” sabi ng lalaki bago siya binalingan. “Hello Nice. Weeyam Legaspi. Kaibigan ako ni Rafael kaya makakasiguro kang mabait akong tao. Naghahanap rin ako ng magiging girlfriend. Mag-aaply ka ba?” masiglang wika nito habang nakatingin sa kanya. Sa lawak ng ngiti nito naisip niyang papasa itong maging model ng toothpaste. Why, the man has a good set of pearly white teeth.
Walang emosyon niya itong tiningnan.“Never.” Flat na sagot niya saka tiningnan lang ang mga kamay nito. Nang makita nitong wala siyang balak tanggapin ang kamay nito ay baliwalang ibinaba iyon.
“Ganyan talaga si Nice, Weeyam. Nahihiya pa siya sa iyo kaya siya ganyan!” nakangising sabi ni Hanna bago siya tiningnan. Pinukol niya ito ng masamang tingin na ikinatawa lang nito.
“Okay lang!” sabi ni Weeyam. Matamis itong ngumiti sa kanya bago nagsimulang kumain. Nagpatuloy na rin sa pagkukwentuhan ang mga kasama niya. Sanay naman ang mga ito na tahimik siya kaya walang problema.
“Staring is rude!” wala pa ring emosyong sabi niya kay Weeyam. Pagkatapos kumain ay itinigil na rin nito ang pakikipagkwentuhan sa mga kaibigan niya at pangungulit sa kanya. Tumahimik nga ito pero hindi na napuknat ang tingin--tingin nga ba ang tamang term o titig nito sa kanya.
At parang nang-iinis pa nang ipinatong nito ang mga siko sa lamesa at nangalumbaba sa harap niya. Nakangiti ito habang tinitingnan ang bawat galaw niya.
Hindi siya makakilos ng maayos dahil naiilang siya sa ginagawa nito. Which is very odd dahil kailan pa ba siya nailang dahil sa isang lalaki. Ang tagal tuloy maubos ng dessert na kinakain at ipinakuha niya kay Rica kanina..
“I’d rather call it admiring than staring” malawak ang ngiting sumagot ito.
“Walang ipinagkaiba iyon. Pareho pa rin na tinitingnan mo ako. Kaya bago ka pa mabulag sa ibang direction kana tumingin” saka niya iniumang ang hawak na tinidor dito.
Nakita niyang lumaki ang mga mata nito na kunwari ay nagulat pero kita niya ang kislap ng kapilyuhan roon. “That is so true!” sabi nito na parang mas sarili pa ang kausap kaysa sa kanya.
“Ha?” nagulat siya. Diyata’t sumang-ayon ito sa kanya. Ipinagkibit-balikat na lang niya iyon saka siya uminum ng wine na kanina pa rin niya hindi maubos-ubos dahil dito.
“Na nakakabulag ang kagandahan mo. Wala na nga akong ibang makita kundi ikaw e. Nakatatak kana ata sa isip ko at ……sa puso ko” pabitin nitong sabi.
Nagkanda-samid-samid siya sa sinabi nito bago inihit ng ubo. Natigil rin ang usapan ng mga kasama nila dahil sa nangyari. Normal ba ito o may probema sa pag-iisip? Hindi dapat ito pinapabayaan na lumalabas ng bahay nito.
Nang mag-angat siya ng tingin ay nakita niyang mukha itong nag-aalala habang inaabot ang baso ng tubig para sa kanya.
Bakit naman ito mag-aalala?
Syempre kapag namatay ka, makukulong siya!, sagot niya sa sariling tanong. Kibit-balikat na sumang-ayon siya sa sariling kasagutan. Oo nga naman.
Nang maging okey na ang pakiramdam niya ay nakita niyang bumalik na naman ang ngiting iyon sa mukha nito.
“ Your cute when your blushing!”
Nanggigigil na nilingon niya ito. “You!
Walanghiya ka! Balak mo ba akong patayin?”
“What-”
“And FYI, hindi ako nagba-blush dala lang iyan ng pagkasamid ko kanina at sa pagiging tisay ko.” Inis na inirapan niya ito. Lalong sumama ang timpla ng mukha niya ng parang wala lang na tumawa ang lalaki.
“ Honey, just wanted to clear some things here, first, wala akong balak na patayin ka. Bakit ko naman gagawin iyon sa future girlfriend ko! Second, tisay man or your blushing, still I find you beautiful in my eyes. Nagsasabi lang ako ng totoo. At para sa akin, ikaw ang pinakamaganda sa lahat ng babaeng naririto ngayong gabi.” diri-diritsong sabi nito habang nakatitig sa kanya.
Siya? Nakangangang nakatingin lang sa binata. Ang mga eksaheradong ubo sa paligid nila ang nakapagpabalik sa kanyang nawawalang katinuan.
Confirm!
Baliw ang lalaking nasa harap niya.