Chapter 6

1513 Words
“Good morning, Love!” ang masiglang boses at mukha ni Weeyam ang nabungaran niya ng lumabas siya ng bahay. Paalis na sana siya papasok ng trabaho. Tatlong araw rin itong hindi nagpakita sa kanya pagkatapos niyang magising sa kama nito at inakalang itinanan siya ng pamilya nito. Hindi na rin ito nagpapadala ng mga bulaklak sa kanya sa opisina kaya naisip niyang baka galit nga ito sa kanya. Not that she cared or missing him. Hindi lang kasi siya makatulog ng maayos dahil hindi pa siya nakakahingi ng tawad sa ginawa niyang pagsampal rito. Oo, may pagkamaldita siya pero kapag alam naman niyang siya ang mali ay marunong naman siyang lumugar. Nakausap niya ang kapatid nitong si Amber bago siya umuwi ng araw na iyon. Ipinaliwanag nito kung ano ang nangyari, na ito ang nagpalit ng damit dahil sinabihan raw ito ni Weeyam para maging comportable ang tulog niya. At kinabukasan nga ay inutusan rin ito ng kuya nito na ibili siya ng damit na maaring pamalit kapag nagising siya. Iyon nga lang masyadong naging advance ang utak niya kaya nasigawan, naakusahan and worst, nasampal pa niya si Weeyam. Sa totoo lang pwede naman siyang humingi na tawad rito the same day na nalaman niya ang totoong nangyari but everytime she make a step to tell him she’s sorry, lagi siyang natitigilan kapag naaalala niya ang almost kissing-moment-in-front-of-Weeyam’s-familiy scene sa utak niya. Sa huli hindi niya magawang kausapin man lang ito hanggang maihatid nga siya ng binata sa apartment na kanyang tinutuluyan. “The name’s Nice, mister” pormal na wika niya bago naglakad palabas. Mag-aantay pa siya ng taxi sa labasan. “Papasok ka na ba? Hatid na kita?” “No thank you, baka saang kuwarto na naman ako magising!” “Don’t worry, alam ko na ang address mo kaya kahit tulugan mo ako ulit, maihahatid pa rin kita ng safe sa bahay mo. Come on, medyo traffic ngayon. Kung makikipag-agawan ka pa ng taxi sa labas paniguradong aabutin ka ng siyam-siyam” pangungulit pa rin nito. Nang masiguradong maayos na ang lock ng pinto ng bahay ay diritso na siyang umalis ng hindi ito pinapansin. Nice stomping her left foot while looking at her wristwatch then to the road in front of her. Inabot na siya ng thirty minutes sa pag-aantay pero wala pa rin siyang nakukuhang taxi. May mga dumadaan naman pero kung hindi out of the way daw ay may laman. Minsan gusto niyang sapakin ang mga taxi drivers na namimili ng pasahero. Like hello, kaya nga namamasada para maghatid ng pasahero diba? Anong sense ng pagtanggi nila. Kaya nga minsan kahit na maaga siyang nagigising ay hindi maiwasang ma-late siya sa trabaho dahil sa traffic at maaarteng taxi drivers. At mukhang isa ito sa mga malas niyang araw dahil malaki ang posibilidad na malate siya. She groaned. Kaltas na naman sa kakarampot niyang sahod. Napaatras si Nice ng tumigil ang pamilyar na kotse ni Weeyam sa harap niya. Akala niya ay umalis na ito ng layasan niya kanina. “Come on, mali-late kana!” seryoso na ang mukha nito. Dali-dali siyang sumakay hindi dahil natatakot siya rito kundi dahil ayaw na rin niyang ma-late. Nakailang-late na siya ngayong cut-off. Napalatak si Weeyam pero wala namang sinabi. Tahimik lang rin niyang ibinaling ang tingin sa labas ng bintana. Ganoon sila ng binata hanggang sa tumigil ang sasakyan sa harap ng building na pinagtatrabahuhan niya. “Salamat!” hindi tumitinging sabi niya rito. Nang akma niyang hahawakan ang pintuan para lumabas na ay inilock nito ang pinto. Nakakunot-noong tumingin siya rito. “A minute!” sabi nito saka may inabot sa backseat. Ibinigay nito ang dalawang paperbag sa kanya. “Ano ang mga ito?” nagtatakang tanong niya rito. “Chocolates and among other things" simpleng sagot nito. Mailap ang mga mata. “Aanhin ko ang mga ito?” naguguluhan pa ring tanong niya. “Kakainin?” “What I mean is bakit mo ako binibigyan ng mga ito?” “Hindi kasi kita nabigyan ng flowers this past three days dahil pumunta ako ng Cebu, so bilang pambawi sa mga araw na wala ako, binilhan kita ng pasalubong.” Nice felt something warm envelop her heart. Tinitigan niya ang binata. She was moved by that simple action. Ayaw man niyang aminin sa sarili, pero na-touch siya sa sinabi ng binata. Aside from her family and friends, ito ang kauna-unahang tao na gumawa ng effort para sa kanya kahit hindi naman talaga nararapat. He is still a stranger to her, after all. Tinitigan niya ang binata. She’s not naive. Alam niya kung saan pupunta ang lahat nang ito. Nagdesisyon siya ora-mismo. Kailangan nang itigil ng lalaki kung anuman ang binabalak nito. Huminga siya ng malalim. “Look Weeyam, I don’t want to assume things here but I believe na mas makakabuti kong ititigil mo ang lahat ng ito. The flowers, itong chocolates” itinaas niya ang paperbag na ibinigay nito “ang pagpunta mo sa bahay at paghatid sa akin ngayon…this is inappropriate-” “Anong inappropriate roon? Dalaga ka, binata ako, wala akong nakikitang masama sa lahat ng ginawa ko, at sa mga gagawin ko pa.” Weeyam says, looking at her with a frown face. “Look, alam kong busy kang tao! You have a resort to run too, yet narito ka para lang kulitin ako at makipaglaro sa akin. This kind of game is not my thing. Mas mabuti pang humanap ka nalang ng taong handa makipaglaro sa iyo. I’m a very busy person, and my job is much more important than anything else.” Kitang-kita ni Nice ang pagdilim ng mukha ng binata. Nakagat niya ang dila. Dang! Masyado atang harsh ang sinabi niya. Gusto niyang humingi ng paumanhin pero pinigil niya ang sarili, mawawalan ng saysay ang lahat ng sinabi niya kung aamuin niya ito. “Puwes, papatunayan ko sa iyo na hindi man lang dumaan sa isip ko ang larong sinasabi mo.” Kinabahan si Nice sa kung ano ang balak ngayon ni Weeyam. Judging from the determination she saw from his eyes, mukhang hindi niya maide-despatsa ang binata sa lalong madaling panahon. Pagkatapos sabihin ng binata ang mga salitang iyon ay umibis na ito ng sasakyan, lumigid sa tapat niya at binuksan ang pintuan. Lutang ang utak na bumaba siya. Hindi niya alam kong dinadaya lang ba siya ng mga tainga niya sa narinig buhat sa binata. Pagkatapos ay walang lingon itong sumakay at agad na pinaharurot ang sasakyan. Napangiti ng mapait si Nice. He’s gone, and he’s mad. Dapat na masaya siya dahil hindi na siya ulit kukulitin nito pero bakit kabaliktaran ang nararamdaman niya? Napangiti si Nice ng maamoy ang aroma ng kapeng nakahain sa kanyang harapan. It’s her day-off. Karaniwang senaryo kapag day-off niya ay kung hindi siya magge-general cleaning ng bahay ay matutulog lang siya maghapon. Well, iyon ang plano niya kagabi bago matulog pero nagbago nang magising siya kanina at bigla siyang natakam ng kape. At dahil nananawa na siya sa 3-in-one coffee mix na araw-araw niyang nakakaulayaw, nagdesisyon siyang pumunta ng pinakamalapit na cafe- ang Ayesha’s Cafe and Sweets. Nice take a sip of her coffee. Napaungol pa siya sa sarap ng malasahan iyon ng kanyang dila. Heaven. Well, can’t blame her. She’s a coffee lover. Para sa kanya okay lang na walang boyfriend basta wag lang silang magkahiwalay ng pinakamamahal na kape. Hindi lumilipas ang isang araw na hindi sila nagkikita ng kape. It became her stress-reliever when she’s stress at work and in life. Speaking of stress. Napasimangot siya ng makita ang lalaking pumasok . Simple lang ang suot nito; a white collared shirt and a blue jeans paired with white snickers. Hindi niya alam kung bakit kahit na simple ang suot nito ay naghuhumiyaw pa rin ang gandang lalaki nito. She pout at that thought, bakit nga ba niya pinupuri ang lalaking ito? She’s supposed to shoo him away, not ogling-wait what? Hinding-hindi niya pagnanasaan ang lalaking ito! Yeah right! Shut up! Dumiritso ito sa harap ng counter. Matapos nitong kausapin ang babaeng nakatalaga roon ay nakita niyang inilibot nito ang paningin. Huli na para bawiin niya ang tingin rito. Nang magtama ang kanilang mga mata ay biglang bumilis ang t***k ng puso niya. Wala sa loob na hinawakan niya ang tapat niyon. What was that? Matapos ang ilang segundo ay siya ang unang nagbawi ng tingin. Itinuon niya ang pansin sa kapeng hawak-hawak. “Hi, can I take this seat?” ang nakangiting mukha ni Weeyam ang kanyang nakita ng mag-angat ng mukha. He has a cup of coffee on his right hand while the other pointing on the chair in front of her. “No” tinaasan niya ito ng kilay. “Mas masarap magkape kapag may kakwentuhan at may dessert na kinakain” sabi nito na parang walang narinig dahil hinila nito ang bangkong itinuro kanina at saka umupo. As if on cue, may lumapit sa kanilang server na may dalang tatlong platito ng cake na may iba’t-ibang flavor. Matapos iyong maisilbi ay umalis na rin ito kaagad. “Here, try them. Iyan ang mga best-seller nila.” saka nito iniusod ang mga platito sa harap niya. Natakam siya pero pinanatili niya ang pormal na mukha. “Sinusundan mo ba ako?” nagpipigil sa inis na tanong niya rito. This past few days ay lagi itong nakasunod sa kanya. Akala niya ay titigil na ito sa pamimisti sa kanya ng linawin niya ritong wala siyang balak na makipaglaro rito. He look really mad that time. Akala nga niya ay hindi na ito magpapakita sa kanya. Pero nagulat na lang siya dahil kinabuksan paglabas niya ng apartment ay naroon na ang binata at hinihintay siya. Kapag papasok siya sa trabaho ay naroon na ito sa labas ng bahay niya at magpupumilit na ihatid siya. At kapag oras naman ng uwian ay naroon rin ito sa tapat ng building ng opisina niya para naman ihatid siya pabalik. Sa umaga ay lagi itong maaga kaya lagi siya nitong naabutan sa bahay. Pero sa hapon ay madalas siyang nasa labas kaya madalas rin na dumidiritso nalang siya pauwi ng bahay. Nalalaman nalang niyang naroon ito at inaantay siya dahil inaabisuhan siya ng mga kasama niya sa office. Hangga’t kaya niya itong iwasan ay iniiwasan niya dahil ayaw niya itong mabigyan ng false hope kahit pa hindi niya alam kung sinsero nga itong sa ginagawa nitong “panliligaw” sa kanya. Iyon ang ibinigay nitong rason sa kanya ng tanungin niya kung bakit ayaw siya nitong tantanan. “Well, not exactly!” he replied while adorably scratching the back of his head. Tinaasan niya ito ng kilay. “Really,I’m not. Papunta talaga ako rito dahil bibili ako ng cake na paborito ni Amber at ni Mama.” he smiled at her in a cunning way. “Good, akala ko kasi mayroon na namang asong bumubuntot-buntot sa akin.” “A dog? Did you just compared me to a dog?” nanlalaki ang mga matang sabi nito sa kanya habang itinuturo nito ang sarili. Pati nga ilong nito nanlalaki rin. Hindi niya mapigilang matawa sa itsura nito. He look ridiculous. “Ang pangit mo!” she said while laughing. Hindi maalis sa isip niya ang itsura nito. Tumigil lang siya ng makita niyang nakangiti ito habang titig na titig sa kanya. She saw something flicker in his eyes but decipher before she could name what it is. She cleared her throat. Dang! Bakit ba nawala siya sa sarili? “Anong tinitingin-tingin mo?” masungit na sabi niya rito. “You look more beautiful when your smiling!” sabi nito habang hindi pa rin inaalis ang tingin sa mukha niya. She feel her face burning. Hindi siya sanay na sinasabihan ng mga ganoong compliment. Lalo na at galing iyon sa isang lalaki. Ibinuka niya ang bibig para sana sumagot para lang muling isara ng walang maapuhap na salita. Mabilis siyang nag-iwas ng tingin rito. Ang cake na nakahain sa harap niya ang kanyang pinagtuunan ng pansin. Ang mga ganoong sitwasyon ay hindi niya kayang harapin. Naiilang siya. Hindi rin nakatulong ang tila kabayong nagrarambulan sa dibdib niya ng mga oras na iyon. Well, alam niyang may itsura naman siya pero iyong hitsurang hindi pansinin. Maliit din siya sa height niyang five feet two inches at may bilugang katawan na karaniwang deskripsiyon ng iba ay chubby siya. Most of the time, ang compliment na natatanggap niya sa ibang tao lalo na sa mga kakilala at kaibigan ay “cute” siya, hindi maganda. Kaya nga sa tinagal-tagal ng panahon ay nananatiling single siya. Bukod sa pagiging maldita at mataray ay ang totoong dahilan ay dahil hindi naman angat ang panlabas niyang anyo. Plus the fact na karamihan sa mga lalaki ay mas gustong maganda ang girlfriend ng mga ito para maipagmayabang sa iba. O nagi-girlfriend lang para makasunod sa uso. Hindi naman niya nilalahat pero marami siyang kilala ganoon ang mindset. Kasama na ang walang kwenta niyang ex. Sukat sa naisip ay napasimangot siya. Ibinaba niya ang tinidor. Nawalan na siya ng gana. “Masarap hindi ba?” “Ha?” Inginuso nito ang plato sa mesa. Napasunod ang tingin niya roon. Lihim siyang napangiwi ng makitang said na ang tatlong platitong cake na inorder nito. Siya ba ang umubos ng lahat ng iyon? Masyado na ba siyang nadala sa mga iniisip niya na hindi niya napansin ang paglamon sa mga iyon? She heard him chuckled. “No need, I think I already know the answer!” he teasingly said to her. She clear her throat. “Papalitan ko nalang itong mga inorder mo.” hindi makatinging sabi niya rito. Siomai! Nagmukha pa ata siyang patay-gutom sa harap nito. Nang akma na siyang tatayo para om-order ay pinigilan siya ng binata. Weeyam grab her hand. Nice breath in as she felt the warmth of his hand on hers kasabay niyon ang mumunting boltahe na tila kuryente na tumulay sa bawat himaymay ng kalamnan niya. Naguguluhang tumingin siya sa kaharap. Hindi niya sigurado kung naramdaman rin iyon ng binata dahil nakita niyang nakunot-noo itong nakatingin sa magkahawak pa rin nilang kamay. Nang akma niyang tatanungin kung ano iyon ay narinig niya ang isang boses ng batang babae na tinatawag ang pangalan ni Weeyam. Napako ang tingin niya sa isang cute at chubby na batang tumatakbo papalapit sa kinaroroonan nila habang nakasunod ang babaeng tingin niya ay ina nito-magkamukha kasi ang dalawa. When Weeyam let go of her hand to hug the little girl, nakaramdam siya ng matinding panghihinayang. Strange! “SO, this lady I met earlier, is she the one Aunt Olivia been talking about?” Kim said while attending to her four years old daughter Ayesha. Kim and him are first degree cousin. Ang papa nito at mama niya ay magkapatid. Nasa Ayesha’s Cafe and Sweets pa rin sila. Matapos niyang ipakilala si Nice sa mag-ina ay nagpaalam na rin siya sa dalaga. Maliban sa pagbili ng paboritong cake ng ina at kapatid ay may kailangan kasi silang pag-usapan ni Kim regarding sa balak nitong surprise birthday party para sa asawa nito. Balak gawin ng huli ang surpresa sa resort niya. “Yeah, Mom thought she’s my girlfriend!” he said smiling at what he said. He recalled that moment when he see her wearing that sexy lingerie while inside his room. Muntik na niyang hilahin at lamukusin ng halik ang dalaga. Damn! she’s hot and sexy on that clothes. He silently groan when he felt something throb under his pants. See, just the thought of her can make his system go haywire. Para pa ngang gusto niyang magpasalamat sa dalaga ng sampalin siya that night dahil bumalik sa tamang huwisto ang sala-salabit niyang isip. Hindi niya alam kung bakit sa tuwing malapit siya sa dalaga ay palaging parang mayroong sariling-isip ang katawan niya at gustong-gusto niya itong yakapin at halikan. Simula kasi ng makita niya ang babae sa dalampasigan ay hindi na ito nawala sa isip niya. Aaminin niyang curiosity ang unang dahilan ng paglapit niya sa dalaga. Mukha kasi itong bitter sa mundo ng gabing iyon. Base sa narinig niyang sinabi nito, masaya ito sa buhay kahit walang boyfriend, pero ng makasalo niya ang babae sa table kasama ang mga kaibigan nito, nakita niya kung paano tingnan ng dalaga ang mga kasama habang kalambingan ang mga asawa at boyfriend ng mga ito. So, he therefore concluded that she’s really not happy at all dahil nakita niya ang lungkot at inggit sa mga mata nito ng mga oras na iyon na pilit nitong itinitago sa pagiging magaspang ng ugali nito. Kaya simula ng gabing iyon, nangako siya sa sarili na gagawin niya ang lahat para ngumiti at maibalik ang kislap sa mga mata ng dalaga. Pero marahil masyadong makapal ang pader na iniharang nito para sa sarili kaya inabot rin ng ilang buwan bago niya nakita na unti-unti ay tinatanggap nito ang presensiya niya. Kahit di na mabilang ang nakamamatay na irap at singhal na iginawad ng dalaga sa kanya ay hindi siya sumuko, bagkos lalo niyong pinalalakas ang loob niya na pag-igihan ang ginagawa. Kaya labis siyang nasaktan ng sabihin ng dalaga na isang ‘paglalaro’ lamang ang lahat ng ginagawa niya. For the first time, someone caught his attention and drives him crazy, doing things he can’t even imagine he will do, just to tell it to his face that his just playing some f*****g games? Man, it does not just bruise his ego but cut his goddamn heart! And it hurts, really. It took him a whole night to realize that he done everything not because he only want to see her smile again but because he already like her..and continually falling for her. So, when he witnessed the first laugh she ever made since the day he meet her, warm flooded through his system up to his heart knowing he was the one who made her laugh. “You can’t blame her. Sa tinagal-tagal ba naman ng panahon na hindi ka nagdala o nagpakilala ng babae sa kanila, iba talaga ang iisipin nila kapag bigla kang may iniuwi!” sagot nito. “Wala pa naman akong ipinakilalang girlfriend sa kanila dati?” nakakunot-noong sabi niya rito. “Exactly. Most of our cousins think your a gay because we never see you dated a girl. As in never!” Napahalakhak siya sa sinabi nito. “Me? A gay?” kinikilabutan niyang turo sa sarili. “I can’t believe you guys think those kind of things behind my back” napapalatak niyang sabi saka tumayo sa harap nito bago tinuro ang sarili. “Look how perfect my genes is para lang hindi ko ipamahagi sa mundo” mayabang niyang sabi rito. “Naku Weeyam, tigil-tigilan mo nga iyang pagmamayabang sa gandang lalaki mo. Kaya siguro hindi ka makahanap ng tamang babae dahil hindi nila makayanan iyang kahanginan mo. ” Kim scolded her like a five year old child. Narinig niyang humagikhik si Ayesha. “Mommy’s angry at Tito.” Nasa tabi ito ni Kim habang nilalantakan ang cake sa harap nito. Umupo ulit siya sa kinauupuan kanina saka inilapit ang mukha sa bata. “Baby, say Tito Weeyam pogi” na inulit-ulit naman ng masunuring bata na may kasamang irit pa. Nakangising umayos siya ng upo saka kibit-balikat na tiningnan si Kim. “See, kids don’t lie.” “And you should start dating. Remember that your not getting any younger. Hindi titigil ang oras at ang mundo para lang hintayin ka kung kailan ka na ready” hindi siya nito pinansin at patuloy pa rin sa pag-sasalita na akala mo ito ang ina niya. He groan. Kaya nga halos ayaw niyang umuwi sa bahay ng mga magulang niya dahil iyong mga salita ring iyon ang maririnig niya. At syempre pa hindi papalampasin ng mommy niya ang mga ganoong pagkakataon para ireto sa kanya ang anak ng mga kumare nito. “Chill Mom! And I’m still young” he slouch from his seat. Kapag ganoong usapan ay inaantok siya. Tumingin ito ng masama sa kanya. Probably because he called her mom. “Young?Your thirty-two. Naunahan ka pa ni Jerome na makapag-asawa. And in three months time, uunahan kana ring magkaroon ng anak” hindi makapaniwalang sabi nito. Pinsan rin nila si Jerome- he is five years younger than him. “Darating din tayo riyan. I don’t want to rush things now. Baka lalong hindi ako makapag-asawa” baliwalang sabi niya rito. “What do you mean by that?” “Just prepare yourself for making another batch of big five layered white cake by the end of the year” nakangising sabi niya habang inaantay ang magiging reaksiyon nito. Natawa siya ng manlaki ang mga mata ni Kim sa gulat bago impit na tumili. Bago pa siya nito mahampas ay umalis na siya sa kinauupuan. “Oh my God! Don’t tell me…..” pabiting sabi ni Kim habang nakatitig sa kanya. Isang misteryosong ngiti lang ang kanyang sinagot rito.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD