Isang-daang beses na atang irap ang ibinabato ni Nice kay Angelina pero hindi pa rin ito tumitigil na kakukulit sa kanya. Gusto na niyang pilipitin ang leeg ng kaibigan. Nasa canteen sila ng mga oras na iyon para kumain ng lunch. Akala niya ay makakatakas na siya sa mga ito kanina pero bago pa niya maituloy ang balak na lunch out ay nakita na siya at kinaladkad papuntang canteen.
“Grabi ka! Anong klaseng date ang ibinigay sa iyo ni Weeyam na umabsent ka pa talaga kahapon” malawak ang ngiting sabi nito.
“At anong klase kayong kaibigan at iniwan ninyo ako sa taong hindi ko naman kilala!” nanlalaki ang mga matang balik-tanong niya sa mga ito habang isa-isang itinuro ang mga kaharap. Ang mga walanghiya.
“Kind and pretty gorgeous stunning looking friend.” Inirapan niya ang mga ito. “Besides, hindi na other si Weeyam, kaibigan niya si Rapael kaya kasama na rin natin siya sa circle of friends natin.”
“Wow, kailan pa siya naging parte ng barkada, di ako na-inform” sarkastikong sagot niya.
“Oo nga, saka takot naman sigurong gumawa ng labag sa batas si Weeyam dahil alam niyang sa kanya ka namin hahanapin in case na balak ka niyang gawing hostage at ikulong sa loob ng mansion niya. We also have CCTV in the lobby. Ebidensiya rin iyon” anino abogadong sabi ni Joanna.
Sabay-sabay na tumango ang mga may saltik niyang kaibigan.
“Still, you guys abandon me, when I needed you all, the most!” himutok niya. Kung hindi siya iniwan ang mga kaibigan noong araw na iyon, hindi sana nangyari ang nangyari. Hindi siya makakatulog sa biyahe, hindi niya masasampal si Weeyan at hindi sana nito maaksidenteng halikan siya.
Well yeah, almost!
Bumalik na naman sa isip niya kung paano nito basain ang mga labi. Kung paano ito tumingin sa kanya, she remembered the passion in his eyes. Hindi sana siya mabubulunan at hindi sana ito lumapit sa kanya. Hindi sana niya maamoy ang mabago nitong hininga, hindi sana-
“Bakit ka namumula? May sakit ka ba Ate?” nabigla siya ng ipatong ni Rica ang kamay sa noo niya. “Wala naman ah” sabi nito saka dahan-dahang ibinaba ang kamay at muling umupo sa tabi niya.
“So ano na? Saan ka dinala ni Weeyam?” naiinip ng tanong ni Angelina.
Sa lahat ng kaibigan niya, ito talaga ang numero-unong tsismosa sa mga buhay nila. Muli na namang bumalik sa isip niya ang nangyari. Damn that man for making her feel strange.
“O..M..G!” nanlalaking ang matang pabulong na irit ni Angelina. Lahat sila ay napalingon rito. “Don’t tell me, dinala ka ni Weeyam sa isang hotel at doon kayo nagloving-loving?”
“Napakamalisyoso mong tao ano, Angelina? Buti hindi ka pa iniiwan ng asawa mo?”
Angelina smirked. “Sorry darling but that’s what my husband love about me. You can do nothing about it” nang-aasar na sabi nito.
“Ewan ko sa inyo” muli niyang irap bago iniwan ang mga ito. Alam niyang hindi titigil ang mga kaibigan hangga’t hindi siya nagsalita tungkol sa nangyaring date na hindi naman talaga natuloy.
“Hoy babae, bumalik ka rito wag kang KJ!” sigaw sa kanya ni Angelina na sinagot lamang niya ng isang tumatagingting na “che”.
She would never tell it to those gabby friend of her.