“Ka Jessie, bakit ba atat na atat na itong Sungay na ito at ang mga hybrid niyang bataan na malahian sila ng dalisay na dugong aswang ni Arvin?” ang tanong ng isa sa mga beteranong nakapalibot kay Jessie bago pa sila tuluyang tumungo sa quarry station ng Haguhit upang gawin ang kanilang protesta laban sa zipline. Mahaba-haba ang naging paliwanag ng tunay na ama ni Arvin. “Ilang daang taon na naghintay ang angkan ng mga hybrid na aswang sa ganitong pagkakataon na tuluyan nang malahian ng dugong purista natin. Ilang pagtatangkang gamit ang iba-ibang paraan upang makamtan nila ito. Mula ika-13 hanggang ika-16 na siglo bago pa dumating ang mga Kastila sa Pilipinas, ginamit nila ang kanilang pagka-aswang upang itaboy ang mga Moro dito sa Calamianan at sa iba pang lalawigan sa gawing kanluran

