Nakangiting mukha ni Sean ang bumalandra sa harapan ni Dona. Dahil sa aliwalas at sayang nakikita nya sa mga mata nito ay nahawa na rin sya. Nasa isang sikat na Eat-All-You-Can sila, matapos manggaling sa Montero Hospital upang kumpirmahin kung totoong nagdadalang-tao nga sya. Masaya nilang sinalubong ang balitang dalawang buwan na syang buntis. “Nag-aalala ka pa rin ba kay Mia?” malumanay na tanong ng lalaki. Tanging buntong hininga lamang ang naisagot nya kay Sean. Ilang linggo na lamang at mag-iisang dibdib na sila ng nobyo, at hindi pa rin nya makita o ma-contact si Mia. Nang inabutan sya nito ng PT, paglabas nya ng CR para sana i-comfort ang kaibigan ay wala na ito. Mag-iilang araw na rin nya itong hindi nakikita at nararamdaman. “Wala bang nababanggit sa'yo si Monty? Di

