Lumipas ang mga araw, buwan at taon na masaya silang namuhay. Napalago ni Xavier ang kanyang Hacienda at marami siyang naging tauhan sa planta. Naging sikat siya bilang si Don Marcelo Alexander Serrano. Yan ang naging bago niyang katauhan binago niya iyon nang bumisita ang kanyang kaibigan at tiya Julia. Hindi lamang iyon agad napalitan. Lumaki na rin ang kanilang anak na babae. Napakaganda ni Isabelle. Manang mana ito sakanyang Mommy Luna o kilala ngayong Luisa Santibañez-Serrano. Binago na nila ang kanilang pangalan at pagkatao. Nagkita sila ni Blanca at nagkaayos. Nilihim rin nito ang tungkol sakanya. At napatawad naman niya ang kakambal sa mga maling nagawa nito. Binisita rin sila ng kanilang pamilya sa side ni Luna. Pero hindi ang kay Xavier. Dahil delikado iyon. Minamanmanan kas

