Nang matapos ang kaarawan ni Isabelle ay ang pagpasok nito sa eskwelahan. Nag aral ito sa Greece ng ilang taon sa bahay bago lumipat sa paaralan, may sarili itong tutor. At kapag walang tutor class ay pareho silang magfocus mag asawa sa pagtuturo rito. Lumaking mabait at masunuring bata si Isabelle. Kaya masaya ang mag asawa sa panibagong buhay nilang dalawa. Kuntento at masaya dahil kumpleto ang kanilang pamilya. Batang Isabelle Point Of View "Isabelle anak, pupunta sila Papa mo sa bukid. Sasama ka ba?"sigaw ni mama mula sa labas. Nandito kasi kami ngayon sa London. Sa bahay ng Ninang Lanea ko. Dito sila nanirahan ni Ninong Rafael. Bakasyon nga lang sana kami. Kaso ayaw na ni mama doon sa amin sa Greece masyado kasing magulo ngayon doon. "Opo, mama!"sigaw ko. Mabilis akong nag ayos

