Muling pag alala sa nakaraan.. Paglalarawan Tagalog dress, early 1800s. Original caption: Costumes tagals. From Aventures d'un Gentilhomme Breton aux iles Philippines by Paul de la Gironiere, published in 1855. Ang mga Tagalog[1] (Baybayin: ᜆᜄᜎᜓᜄ᜔) ang isa sa pinakamalaking pangkat etniko sa Pilipinas kasunod ng mga Bisaya, at ang may pinakamalawak na distribusyon sa bansa. Sila ang pangunahing pangkat etniko sa mga lalawigan ng Batangas, Cavite, Bulacan, Laguna, Bataan, Quezon, Camarines Norte, Marinduque, at Rizal. Nagtataglay rin ang mga lalawigan ng Nueva Ecija, Tarlac, Aurora, Zambales, at Mindoro Oriental, at ang Kalakhang Maynila, ng mga malalaking populasyong Tagalog. Mayroon ding mahalagang bilang ng mga Tagalog sa mga lalawigan ng Palawan. Kaibang-kaiba ang kalinangang Tagal

