Naalala ko rin na may isinulat akong ilang impormasyon sa notebook ko noon bago pa kami magtour sa baguio. At dahil matalino naman ako ay natatandaan kong lahat. Sinimulan ko na rin 'yong isulat sa aking talaarawan. Ang Baguio ay isang 1st-class highly urbanized na lungsod sa hilagang Luzon sa Pilipinas at ang punong-lungsod ng Cordillera Administrative Region. Napapalibutan ito ng probinsya ng Benguet. Itinatag ang Baguio ng mga Amerikano noong 1900 bilang isang bakasyonan sa panahon ng tag-araw sa isang nayon ng mga Ibaloi na dating tinatawag na Kafagway. Ginawang "Summer Capital" ang lungsod noong ika-1 ng Hunyo, 1903 ng "Philippine Commission" at idineklarang lungsod ng "Philippine Assembly" noong ika-1 ng Setyembre, 1909. Ang pangalang Baguio ay hango sa salitang Ibaloi na bagiw na

