"Bata pa ako para magpakasal," tanging nasabi ko matapos makabawi mula sa pagkawindang. "Sayang nga eh," nakangising tugon ni Tyron. Mahina ko siyang kinurot dahil napapansin kong inaasar niya na ako. Nakakainis tuloy dahil hindi ko masabi kung parte rin ba nang pang-aasar niya iyong tungkol sa kasal o seryoso talaga siya roon. Pero dahil totoo namang hindi pa ako handa ay hindi ko na inungkat pa ang tungkol doon. "Puntahan na natin iyong mga chocolate mo," pag-iiba ko sa usapan. "Ilang oras na lang ay hapunan na kaya dahan-dahan lang sa pagkain ng matatamis," bilin niya sa'kin. Pinapayuan niya pa talaga ako gayong mas adik pa siya kaysa sa'kin. "Konti lang talaga ang kakainin ko, promise," nangangako kong tugon. Pinisil niya muna ang pisngi ko bago ako pinakawalan. Pagkalabas nam

