“SINCE when did you start taking pills?!” galit na galit na tanong nito. Lumuluhang napapikit si Lia. “Two months ago,” pag-amin niya. “At kelan mo planong sabihin sa akin ang tungkol dito?!” “I don’t know, wala akong lakas ng loob na sabihin sa’yo ang totoo,” pag-amin niya. Napapitlag siya nang tumalikod ito at malakas na hinampas ni Michael ang pinto ng walk in closet nila. “Wala?! Lia, wala?!” hindi makapaniwalang tanong nito. “Hinahayaan mo lang ako mag-mukhang tanga, umaasa na sa wakas ay mabubuntis ka na ulit! Iyon pala wala akong hinihintay!” Tumayo siya at hinawakan ito sa balikat pero muli na naman siyang napapitlag nang agad itong pumiksi at lumayo sa kanya. “I’m sorry. I’m r

