
Lahat nang tumatakbo, may tinatakasan. Wala sa bokabularyo ni Aira ang mamatay. Bata pa siya at marami pang gustong patunayan. Kaya naman pilit niya ring mailigtas ang sarili niya, isang gabi, kahit ang ibig sabihin noon ay maiiwan niya ang ina sa kamay ng delikadong ama.
Sa pagtakbo ay makikilala niya ang limang taong katulad niyang tumatakbo sa kaharasan at nakaraan. Walang may alam ng kani-kanilang mga motibo. Walang nakakaalam kung sino ang may madilim na plano.
Ang anim ay muling bababa sa tatlo, dalawa at isa. Ang pagkakaibigang nabuo ay pinalitan na lang ng litro-litrong nagkalat na dugo sa paligid at maging sa utak niya.
Ang pinakamalala, hinding-hindi mamamalayan ni Aira na ang ugat ng lahat ay matagal ng nasa tabi niya. Magagawa kaya nitong iligtas ang sarili niya o paghahandaan na lang nito na harapin ang kamatayang matagal nang tinatakbuhan niya?

