Third person’s point of view
“PAPA! TAMA NA PO!” MAS LALO ATANG nagpantig ang tainga ng ama nang marinig nito ang makabibingi sigaw ni Aira. Sapat na para marinig din ng mga kapitbahay. Sapat na para magsimulang makiusyoso ang mga ito.
Nakatira sa maliit na lugar malapit sa paanan ng bundok ay talagang magkakalapit na ang mga bahay kaya ganoon na lang kadali rito para marinig ang palahaw.
Lasing ang ama ni Aira kaya’t isa lang ang ibig sabihin nito, magiging magulo sa bahay dahil nakasanayan na nilang kapag lasing ang ama ay saka ito nag-uungkatin kung anong issue nito sa ina ni Aira, si Alisa.
Sa isang iglap, ang katakot-takot nitong ama na ang papalapit sakanya. Gustong-gustong sumigaw ni Alisa pero wala siyang magawa. Maging siya ay takot rin sa asawa lalong-lalo na kapag nakainom ng alak.
Malakas na lang na palahaw ang ang lumabas sa bibig ni Alisa nang sumirit ang dugo mula sa braso ng anak. Braso ang ginamit nitong pandepensa sa kutsilyong ginamit ng ama nito kaya nagpang-abot ang galit at takot kay Aira. Nang magtaas ito ng tingin sa ama, nagawa na nitong mabitawan ang kutsilyo. Siguro ay dahil sa gulat rin. Siguro ay dahil hindi rin nito inasahan ang pupwede nitong magawa.
Napipilan ang lahat ng naroon, si Alisa, Aira, ang ama nito pati na ang mga kapitbahay na nakiki-usyoso. Pagkatapos ng ilang sandali, dali-daling nilapitan ni Alisa ang anak. Nakatulala lang ito at paniguradong nasa kung saan na naman ang isip. Mabilis niyang kinuha ang maliit na telang una nitong nakita at saka pinagbukos iyon sa sugatang braso ng anak.
Hindi nito mapigilan ang hindi maawa para sa anak. Hindi niya deserve ang bagay na ito. Hindi nito deserve ang pamilyang katulad nito.
“Anak, hindi ko sinasadya.”
Nagsimulang maisip ni Raldo, ang ama ni Aira, ang nagawa kaya tuluyan na itong napahagulgol. Blanko na ang ekspresyong nakikita nito sa anak kaya mas lalo lang siyang natakot. Hindi siya ang tunay na ama ng dalaga pero ni minsan ay hindi niya ito itinuring na iba. Patuloy niya pa ring inaalagaan ang babae lalo pa’t mas kailangan nito ng espesyal na pagkalinga. Hindi nga lang niya makontrol ang sarili nito tuwing lasing at naalala nito ang kataksilang nagawa ng asawa nito sakanya noon.
Wala pa silang anak ni Alisa nang matanggap siya sa isang trabaho sa Qatar at para maiahon sa kahirapan ang pinaplano nilang pamilya ni Alisa at para makatulong sa mga magulang ay mabilis siyang pumanhik. Nagtrabaho ito ng halos limang taon sa nasabing lugar, tiniis niya ang hirap sa trabaho at hirap sa pakikipaglaban sa pangungulila sa pamilya, pero sa pagdating ay hindi na lang si Alisa ang nag-aabang sakanya. Hawak ang dalawang taong gulang na bata ay pinagtapat ni Alisa sakanya ang pagkakamali. Ilang beses nitong sinubukang kitilin ang buhay ng nasa sinapupunan noon pero hindi siya nagtagumpay hanggang sa tuluyan na lang itong tumigil at tinanggap ang bata. Kaya lang, sa paglabas nito, ang lahat ng ininom nitong pampalaglag noon ay tuluyan nang nakaapekto sa bata.
Bago pa lang ito mag-aral ay pansin na ni Alisa at Raldo ang pagiging kakaiba nito sa iba pang mga bata. Aira had a diffulty on paying attention. Hindi siya iyong tipong kayang magpokus sa iisang bagay lang. Hindi nito kayang making sa pangmatalagang oras at agad na naghahanap ng ibang bagay na pupwede pang gawin. She had an inability to sit still for stable or calm activities katulad na lang ng pagkain at pagbabasa.
Sinubukan nilang magpakonsulta pero sa unang beses lang nila itong nagawa dahil sa pagiging magastos sa chek-ups at gamot. She was diagnosed as an Attention Deficit Hyperactivity Disorder or an ADHD patient.
Pero dahil sa kakulangan, mas naging mataas lang ang risk ng bata para magkaroon ng mas malalang sakit.
Sa edad kinse, na-diagnose na itong mayroong Schizoprenia o Schizoaffective Disorder. Iyon ang dahilan kung bakit madalas lang itong nasa gilid na parang palaging may iniisip. She tends to lose touch with the reality. This is a mental disorder that interfere with the person’s perception of reality. Kadalasan nga ay hindi pa nito magawang maalala ang mga magulang. Dahil doon, talagang nakakulong na lang siya sa bahay kasama ang sandamakmak na mga delusions at hallucinations ng dalaga. Bukod pa sa hindi na nito mawari ang totoo sa hindi ay nakadagdag pa ang paglayo nito sa mga tao.
Wala na siyang gustong kausapin kaya kahit ang iilang doktor ay nahirapan na rin sa dalaga. It was a painful childhood and teenage years. Mahirap para sa mag-asawa ang sitwasyon pero dahil sa pagmamahal kay Aira ay nagawa nilang kayanin ang lahat. Kahit pa kulang sila pagdating sa pinansyal na aspeto ay sinusubukan nilang gawin ang lahat ng makakaya. In fact, Aira isn’t their child at all. Aira is their treasure.
Gustuhin man nilang matulungan ang anak ay habang patagal nang patagal ay mahihirapan na itong maalis. Aira’s illness can’t be cured but can be controlled with a proper treatment. Magiging mahirap man ang pagdadaaanan nilang lahat, patuloy nilang ipagsasawalang-bahala iyon para sa kaligtasan ni Aira.
“Papatayin mo ba talaga ang anak ko? Ganyan ka ba gumanti?” Nakabibingi ang bulalas na iyon ni Alisa sa asawang sunod-sunod lang ang paghagulgol, labis ding pinagsisishan ang nangyari.
Raldo is a softie for Aira. Oo nga’t may espesyal na pangangailangan ang anak niya pero napakalambing naman nito kaya niya nagawang mahalin ang babae. Kaya kung iisiping nasaktan niya ito dahil lang sa hindi pagkontrol sa sarili ay halos baliwin din siya sa pag-iisip. Madalas man sila mag-away ni Alisa pero ang saktan ang anak na ang pinakahuli-hulihan niyang gagawin.
Natataranta niyang hinarap ang asawang pulang-pula na ang mukha sa sobrang galit habang nasa kanang kamay nito ang kutsilyong nabitawan niya kanina. Mabilis at umiiling-iling niyang kinuha ang baril sa maliit na aparador. Sarado ang isip niya at sinisisi niya sa sarili ag duguang braso na ngayon ng anak na siya ang may gawa. Masyadong naging mabilis ang pangyayari pero bago niya pa man maitaas ay umalingawngaw na ang sigaw ng anak− sigaw iyon ng takot.
Bago pa man makapagsalita ang asawa ay dali-dali nang lumabas si Aira sa bahay at nagtatatakbo. Pilit itong nagsisisigaw kaya hindi rin halos magkandaugaga ang dalawa sa gagawin.
Hindi ito ang unang beses na ginawa iyon ni Aira kaya alam na nila kahit paapaano ang gagawin.
“'Pag may nangyaring masama kay Aira, ikaw ang papatayin ko Raldo!” bulalas ni Alisa sa asawa habang naghahanda ito palabas para sundan ang anak. Si Raldo rin kasi ang nakatoka sa paghabol kay Aira tuwing sinusumpong ito dahil alam ni Alisa na mas kakayanin ng asawa ang anak.
“Isay, pasensya ka na talaga. Hindi ko sinasadyang mapagbuntungan ng galit ang anak lalo na tuwing lasing ako, alam mo ‘yan. Pasensya na sa lahat ng p*******t na nagawa ko sainyo. Pangako, pagkatapos nito, magbabago na ako. Babawi ako sa mag-ina ko, hmm?” Natigilan doon si Alisa, lalo na nang hinalikan pa siya nito sa noo bago tuluyang gumayak.
***
Walang katapusan ang naging pagtakbo ni Aira. Bukod pa sa hindi nito alam ang ginagawa ay wala pa ang isip nito sa totoong nangyayari. Dire-deretso lang itong tumatakbo habang lumuluha.
Tuwid lang ang daan at alam na ni Raldo ang posibleng puntahan ng dalaga kaya agad niya rin itong natagpuan. Kailangan niya talagang bumawi. Hurting his daughter is taking a toll on her. Siguro ay habangbuhay na siyang makokonsensya rito.
“Anak,” sabi niya nang tuluyan nitong maabutan ang anak. Nasa likod lang siya nito at pilit lang siyang sinusundan. Mula rito ay rinig niya ang mumunting salita ng babae.
“No! He’s not a bad person. . .” Nang biglaan itong bumagsak sa kalsada ay agad-agad na tinulungang maitayo ni Raldo ang anak. “No! One thing that I loved from Angel is that he keeps on saving other people. He loves saving his loved ones. At naniniwala akong kung ano man ang ginawa ni Angel sa Daddy mo ay paniguradong deserve niya ‘yun!”
“At pumatay ka rin!”
“Anak, uwi na tayo? Sama ka na kay Papa? Pasensya ka na ha? Hayaan mo, gagamutin natin ‘yan at babawi sainyo ni Mama si Papa− “
“No!”
Naging mabilis ang lahat nang pangyayari, gamit ang nakuhang malaking bato sa gilid ng kalsada kung saan na naabutan ni Raldo si Aira ay walang-awa kong pinagpupukpok ng babae ang ulo nito. Wala itong ibang ginawa kundi ubusin ang lakas sa pagpukpok hanggang sa tuluyang nagtalsikan ang nagpira-piraso nitong utak.
Walang naging laban si Raldo, sa hindi mabilang na pagpukpok ng bato sa ulo nito ay agad siyang binawian ng buhay. Maraming nakakita sa pangyayari, maraming hindi halos nakayanan ang napanood at bumaliktad ang sikmura. Mayroon din naming agad na nakatawag ng tulong pero wala ni isang umawat. Kilala ng mga ito si Aira at hinding hindi nila susubukang kantiin ang dalaga.
Nang dumating ang tulong kasama na ang ina ni Aira ay mabilis nilang napigilan ang babae sa ginagawa. “Ano ba?”
Samantalang hindi naman makapaniwala si Alisa sa nakikita, oo at labis ang nararamdaman nitong pagkamuhi sa asawang nanakit sa anak pero halos mahimatay pa siya sa nakikita. Kalagim-lagim ang ginawa ng anak at alam niyang magiging kalagim-lagim din ang kabayaran dito.
“Aira Farrales, you have the right to remain silent and refuse to answer questions. Anything you say may be used against you in a court of law. You have the right to consult an attorney before speaking to the police and to have an attorney present during questioning now or in the future.”
Nakakunot lang ang noo ni Aira, wala siya ni isang naiintindihan sa nangyayari. Nasa isip lang nito ang mga kaibigang nananatili lang sa isip, naiisip lang nito ang ginawang paghihiganti sa lalaking kinamumuhian nito sa isip.
Mabilis na nagliwanag ang mukha nito nang makita ang ina. Walang pag-aalala itong ngumisi hanggang sa nagsalitang muli ang ina nito.
“Aira, bakit mo ginawa ‘yun sa papa mo?”
***
Malalaki ang ngisi ni Aira nang makita ang kababata. Ilang beses na itong nagpupunta roon pero hindi pa rin maalis sa dalaga ang excitement. Iba sa pakiramdam nito ang makakita ng ibang tao. Sawang-sawa na nga ito sa iilang mga taong ilang taon niya na ring nakikita, mula sa paggising hanggang sa bago nito ipikit ang mga mata sa gabi.
“You feelin’ better?” Mahihinang halakhak lang naisagot nito sa lalaking kadarating lang. Nakakaramdam kasi siya ng pagkahiya. Madalas na ganito lang si Aira. Pili lang ang sasagutin niya, tsambahan lang rin kung makukuha mo ang atensyon nito. Pero sa kabila noon, laking pasasalamat pa rin ng mga ito na nakakakita sila ng maliliit na improvements mula sa dalaga.
Matapos ang nangyari limang taon na ang nakararaan, napatunayan sa korte na wala nga sa tamang pag-iisip ang dalaga noong magawa niya ang pagpatay dahilan para hindi ito makulong at ipinadala na lamang sa isang mental institution para matulungan.
Ang Schizophrenia ay wala pang gamot sa panahon ngayon pero maraming treatment. Hindi pa man tuluyang magaling, kahit papaano ay labis na ang kagalakan nila sa nakikitang improvement kay Aira.
Hindi nga lang naging madali ang limang taon para sa lahat. Kay Aira, na ilang taon ding hindi nilubayan nang pag-iisip sa mga kaibigan nitong nanatili lamang sa isipan. Para sa ina nitong labis ding dinamnam ang pagkawala ng asawa pati na sa pinagdadaanan ng anak. Pati na rin sa mga nag-aalaga sa dalaga dito sa lugar.
Sa loob ng limang taon ay parang nakikipaglaban ang mga nurses sa lugar na iyon sa isang napakalaki at napakalakas na nilalang. Ilang beses na silang nawalan ng pag-asa. Labis man ang paghihinagpis ay naisip na rin ni Alisa na tuluyang sukuan ang anak pero hindi niya tuluyang kinaya.
Pagbali-baliktarin man ang mundo ay alam nitong anak niya pa rin si Aira at alam niyang lumalaban din ito kaya lalaban din siya.
Natural sa isang Schizophrenia patient ay magkaroon ng depresyon kaya iyon ang isa sa pinakababantayan nila. Ilang taon ding nakulong si Aira sa mga kaibigang nanatili lamang sa isip kaya natatakot si Alisa na baka sundan niya ang mga ito at tuluyang wakasan ang buhay.
“Better!” tipid nitong sagot sa lalaki. Maiksi man, labis na natuwa na roon ang binata.
Ayon sa mga doctor, maganda raw iyong madalas na alam ni Aira ang nangyayari sa paligid at nakakasagot ito sa iilang mga kasagutan pati na ang pakikipag-usap.
“Bakit mo ba ako laging pinupuntahan?” walang kamuwang-muwang na tanong ni Aira, pero hindi pa rin naalis ang ngisi nito. Ang totoo, lingid sa kaalaman ng lahat, gustong-gusto niya tuwing nagpupunta ang lalaki para bisitahin siya. Gustong-gusto niya itong palaging nakikita.
“Bakit, ayaw mo bang puntahan kita?” Imbes na sumagot ay awtomatikong napasimangot si Aira. Ayaw niyang wala ang lalaki, iyon ang totoo. “Aira, kilala mo ba ako?”
Sa ilang beses na pagpunta rito ng lalaki ay hindi niya nakakaligtaang itanong iyan kay Aira lalo pa’t ayon sa doctor ay makikita roon ang iilan nitong improvements. Pero sa lahat ng beses na tinanong niya ito, ni minsan ay hindi pa nagkamali ang dalaga. Sa limang taon, kilalang-kilala siya nito at hindi man lang nakalimutan ni minsan.
“Paulit-ulit mong tinatanong ‘yan sakin, Angel.”
Napangiti agad ang binata. Hindi nga siya nag kamali. Talagang hindi siya magawang kaligtaan ng kaharap.
Magkababata si Angel at Aira, nagawa lang magkahiwalay ng dalawa nang kailangang umalis ng pamilya ni Aira sa dating baryong tinitirahan dahil sa nakukuha nitong panghuhusga sa mga kapitbahay tungkol sa sitwasyon ng dalaga. Pagkatapos noon ay hindi na nagawang kumustahin ni Angel ang kababata. Bukod kasi sa hindi niya alam kung paano niya ito makokontak ay saka naman nagkaroon ng gulo sa pamilya niya.
Noon pa man, alam at naiintindihan na ni Angel ang sitwasyon ng kaibigan kaya naman noong malaman nito ang nangyari sa dalaga ay hindi na ito nagsayang ng oras para puntahan ito.
Sa limang taong pananatili ni Aira ay hindi niya pinalipas ang isang linggong hindi siya nakakabisita.
Dito na rin siya nakakuha ng trabaho sa kalapit na siyudad kaya naging madali na lang sakanya ang pagparito.
Nakatulong din ang natapos nitong kurso at ang pagiging nurse para mas maalagaan ang kababata. Katulad ng lahat, wala itong gustong mangyari kundi ang tuluyang pagiging stable ni Aira. Dahil wala pang eksaktong gamot sa sakit na ito ay pinananalangin niya na lang ang tuloy-tuloy na maging pagbabago ng kaharap.
“Syempre, ayokong makalimutan mo ako.” Sa sinabing iyon ni Angel ay mas lalo lang humalakhak si Aira, hindi man pansin ng dalaga ang pamumula ng mga pisngi ay sapat na iyon para tuluyang makita ng binata.
Simula bata, nagkaroon na siya ng kung anong pakiramdam kay Aira. Alam na niyang higit pa sa kaibigan ang tingin niya rito. Akala niya ay walang magiging problema pero nang tuluyan itong lumaki at saka naintindihan ang lahat, lalo lang tumindi ang nararamdaman niya.
Malinaw sakanya ang nararamdaman para kay Aira. Matagal man niyang hindi nakasama ang dalaga ay hindi iyon kailanman nawala. Dahil sa sitwasyon ay natanggap na ng binata ang magiging lugar niya pero hindi iyon ang nakapigil sakanyang mas alagaan ang babae.
Nataranta si Angel noong biglang sumeryoso ang itsura ng kaharap. Baka kasi bigla na naman itong sumpungin at magsisisigaw. “Aira−”
“Pwede ba tayong lumabas?”
***
Sa ilang sandali pa, kitang-kita na ni Aira ang mga bulaklak sa maliit na hardin sa lugar. May mga pagkakataong pwede naman itong lumabas basta ay babantayan lang. Sa pagkakataong ito, hinayaan silang lumabas na kahit si Angel lang ang kasama.
Karaniwan kasi ay kailangan niya pa ng tatlong magbabantay pero dahil bumubuti ang kalagayan ng dalaga ay medyo lumuwag na rin ang mga ito sakanya.
“May problema, Ai?” Nakararamdam ng kaba si Angel na pilit niya ring binabalewala. Ang kaso lang, takot siya tuwing sinusumpong ang kaibigan. Nagmimistulang ibang tao kasi si Aira kapag gano'n at hindi iyon kayang tiisin lang ni Angel.
Ilang minuto silang natahimik, pilit itong pinakikiramdaman ni Angel. Nakahinga lang ito nang maluwag nang tuluyang nagsalita ang kasama matapos ang ilang sandali.
“Si papa? Pinatay ko ba talaga siya?”
Gulat man sa tanong ay hindi mapigilang matuwa ni Angel. Ibig sabihin lang noon ay nagsisimula na siyang maalala ang lahat. Kahit papaano ay nakakaramdam na ito sa mga nangyayari. Medyo hindi nga lang okay na tungkol sa ama pa nito ang naalala.
Ayon kasi sa ina ni Aira ay mas mabuting ilihim na lang sa dalaga ang nangyari dahil baka kung ano pang maging epekto nito sakanya.
“Aira. . . kanino mo naman nalaman ‘yan?”
“Narinig ko, Angel. Could you please tell me the truth? Pinatay ko ba talaga ang tatay ko?”
“Aira. . .” Hindi malaman ni Angel ang maaaring isagot. Ayaw nitong mas pahirapan ang dalaga pero ayaw naman nitong tuluyang magsinungaling sa kababata.
Mas lalo lang siyang mataranta nang magsimulang rumagasa ang luha ni Aira. Hindi niya mawari ang dapat gawin. Paano kung bumalik si Aira sa dati? Paano kung magwala itong muli katulad ng ginagawa nito noon?
“Angel, please. . . gusto kong malaman ang totoo. Did I really do it? Pinatay ko ba talaga si Papa?”
Huminga nang malalim si Angel, pagkatapos ay awtomatikong nagsipasok na sa utak nito ang pupwedeng gawin. Doon ay mabilis niyang tinapatan ang mukha ng kaharap. Kapagkuwan ay nginitian niya ito, dahilan para matigil ang babae sa pag-iyak at saka ngumiti sakanya.
“Aira, listen. Whatever happened in the past, happened. We cannot do anything about it. Ang mahalaga na lang ngayon ay ito. You're getting better, pagkatapos nito makakauwi ka na sa bahay niyo.”
Tuluyang ngumiti ang dalaga. Pagkatapos ay umiling, lumuluha. “So, ginawa ko talaga? Pinatay ko si Papa? It. . . It wasn’t Papa. . . Si. . . Si–”
“Aira, you should stop thinking about it.” Nanginginig man ang nga kamay sa taranta, nagawang pakalmahin ni Angel ang kaibigan. “Ano 'yung palaging sinasabi sa'yo ni Angel noon−”
“Magiging maayos din ang lahat.”
“–Magiging maayos din ang lahat.”
Sabay pang natawa ang dalawa sa pagsasabay. Maliban pa sa sayang naipapakita ni Aira ay labis na kasiyahan naman ang nararamdaman ni Angel. It was a sort of contentment, masaya itong makitang masaya ang kababata. Alam nitong hindi magagawang maibalik ni Aira ang nararamdaman niya para rito, masaya na siyang nakitang paunti-onting bumubuti ang lagay nito.
“Thank you for always saving me. . .” biglang sabi ng dalaga, dahilan para mas lalong lumambot ang puso ng kaharap. Napahawak ito sa batok, nahihiya. Hindi ito sanay na kinakausap siya ni Aira ng ganito pero nagugustuhan niya iyon higit pa kung saan.
“I'm not, Aira. You are. You are saving yourself now.”
Umamba si Aira na yakapin ang lalaki, malalaki ang ngisi nito at pinamulahan pa ng pisngi. Nag-aalangan man dahil sa sitwasyon ay natatarantang inilapit ni Angel ang sarili sa dalaga saka nito naramdaman ang yakap ng kababata.
Matagal silang natahimik, pinakikiramdaman ang mga paru-parong lumagi na sa tyan. “Magiging maayos din ang lahat, Aira. And when that time comes, I’ll be there. . . with you.”
Nanatili pa sila sa posisyong iyon at nanatiling tahimik. Mayamaya ay dumating ang isang babae na nagbabantay rin kay Aira. Wala itong ibang nagawa kundi mapangiti sa nadatnan.
Lingid sa kaalaman ni Angel, madalas siyang naikukwento ni Aira sa mga taong naroon. Palagi siyang binibida ng dalaga, palaging si Angel ang bukang-bibig nito.
Hindi man nito gustuhing istorbohin ang dalawa ay kailangan na si Aira sa loob.
“Aira, Angel. . .”
Sa gulat ay mabilis na naghiwalay sa pagkakayakap ang dalawa at nagpatay-malisya. Si Aira ang mabilis na humarap sakanya pero si Angel ay agad-agad na tumalikod at napakamot na lang sa ulo.
“Balik na tayo? Nandyan kasi si Mama Alisa,” malumanay na sabi ng babae kay Aira pero hindi katulad ng nakasanayan, hindi kinakitaan ng excitement ang mukha ni Aira. Bagkus ay natakot pa ito sa ina dahil sa nakumpirma.
“Aira, tara na,” sabi na lang ni Angel nang matauhan. Sandali pa itong may binulong kay Aira para mapangisi ito.
“Andito lang ako. I won't leave you.”
***
“Aira, anak?” Nag-aalalang sinipat ni Alisa ang anak. Hindi katulad nang pagpunta niya rito noong nakaraan ay tahimik lang si Aira ngayon na parang may malalim na namang iniisip. Mahigpit ang pagkakahawak nito kay Angel, natatakot itong baka magalit sakanya ang ina lalo pa't alam niya kung gaano kamahal ng mama Alisa niya ang ama.
“Aira, nandito na si Mama. Hindi mo ba ako na-miss?” Wala pa rin itong nakuhang sagot ngunit pahigpit nang pahigpit ang pagkakakapit nito sa kababata. Mayamaya lang, maharang hinaplos-haplos iyon ni Angel.
Sa loob kasi ng maraming beses na pagbisita niya kay Aira ay halos kabisado na nito galaw niya. Alam na nito ang mga reaksyon at kilos na pwedeng magawa ng kaibigan depende sa emosyon nito.
“Ah! Si Angel na lang ata ang gusto ng anak ko–”
“Mama! I’m. . . really, really sorry. Sorry po kung nagawa ko ‘yun kay Papa. Hindi po sinasadya ni Aira. Hindi ko po alam kung bakit ko nagawa ‘yun, Mama. Pasensya na po. Bad akong anak. Bad na anak si Aira!”
Nagsimula itong humagulgol kaya mabilis na nagkatinginan ang tatlo: si Alisa, Angel at ang babaeng isa sa mga nagbabantay rito. Gulat na gulat ang mga ito sa biglaang pagso-sorry ng anak lalo pa’t talagang sinadya nilang hindi ipaalam pero mas nagulat ang mga ito nang hindi man lang nagwala ang babae sa pag-iyak katulad ng parati nitong ginagawa noon. Ngayon ay nakapirmi na lang siya sa wheelchair na kinauupuan.
Ilang minuto pa ang lumipas bago tuluyang makapagsalita si Alisa. Labis ang nararamdaman nitong kagalakan lalo pa’t napakalaki na ng pagbabago ng anak.
“‘Nak, alam mo. . . kung nasan man ang papa mo, siguradong masayang-masaya siya ngayon. Wala ‘yung ibang ginusto kundi ang maging maayos ka.” Natigil sa pagsasalita ang ginang dahilan para magsimula na itong lumuha. “Mahal na mahal ka niya, anak. Mahal na mahal ka ng Papa mo.”
Pagkatapos nang pag-iiyakan ng dalawa ay tuluyan nang kumalma si Aira. Mabilis din nitong nakalimutan ang problema. Mas naging madalas na rin ang pagtawa nito.
Inubos nila ang maghapon sa walang kapagurang pagtawa pati ang pag-aasaran. Madalas si Angel ang napagtitripan kaya mas lalo lang tumitindi ang kasiyahang nararamdaman ni Aira — maya’t maya ang kilig.
Hindi man nito maamin sa sarili, alam nitong espesyal si Angel sakanya. Simula nang mangyari iyon, simula noong harap-harapan niya mismong nakita ang pagpatay ay Angel sa isipan ay hindi na naalis ang binata sa isip nito. Kaya ganoon na lang rin ang saya niya nang makitang bibisitahin siya ng lalaki — na buhay ito at hindi totoo ang mga naiisip nito noon.
Hindi totoo ang lahat. Hindi totoo ang mga kaibigang matagal na nasa isip niya lang simula pa noong una. Hindi totoo ang palaasar at makulit na si Joshua. Hindi totoo ang maarte, mataray, bitchesa pero babaeng walang ibang inisip kundi kaligtasan niya sa dulo na si Reign. Hindi totoo ang sky blue na bahay at ang napakabait na si Maxwell. Hindi totoong namatay ang mga ito pati na si Angel at higit sa lahat, hindi totoo si Toti. Hindi totoong may paghihiganti at pagpatay.
At habang nararamdaman ni Aira na mas masaya ang mamuhay sa reyalidad ay mananatili siya rito. . . bubuo ng panibagong mga ala-ala at hindi na muli pang magpapadala sa isipan. Naging posible ang lahat ng iyon dahil sa napakalaking suportang natanggap nito sa ina, kay Angel pati na sa mga nars na araw-araw siyang inaasikaso at inaalagaan. People with Schizophrenia really need support. Wala mang lunas, labis na makakatulong sakanila, bukod pa sa mga treament, ang emotional support na pwedeng makukuha sa mga mahal nito sa buhay. Hindi man konkreto sa isipan ni Aira ang kagalakan, gustong-gusto nitong magpasalamat sa lahat ng taong hindi siya sinukuan mula pa noong una.
“Mahal kita, Mama.” biglang sabi ni Aira sa ina nito. Maluha-luha naman itong binalingan ni Alisa, walang mapaglagyan ang kasiyahan.
Rumagasa sa isipan nito ang lahat ng hirap na pinagdaanan, lahat ng beses na nawalan sila ng pag-asa at lumaban ulit. Alam nito sa sarili nitong hindi niya susukuan ang anak lalo pa’t silang dalawa na lang ngayon.
“Mas mahal ka ni Mama, parati mong tatandaan ‘yan.”
Sa pagyayakapan muli ng dalawa, rumagasa ang samu't saring emosyon. Pagwawagi, tagumpay at kasiyahan na matagal ding ipinanalangin ni Alisa para sa anak.
Hindi man ito katulad ng ibang mga anak, habangbuhay niyang ipagmamalaki si Aira. Ilang beses man siyang bigyan ng pagkakataong pumili, si Aira ang paulit-ulit nitong pipiliin, aalagaan at mamahalin.
“Anak? Anong tingin mo kay Angel?” Hindi niya mapigilang makiusyoso, maging si Alisa kasi ay pansin na pansin ang pamumula ng pisngi ng anak sa mga kilos ni Angel.
Imbes na sumagot, sapat na ang malawak na pagngisi ng anak para malaman ito. Napailing na lang siya, nagpipigil din sa sumusipil na ngiti. Masaya siyang mahanap ang lalaking handa ring alagaan ang anak katulad ng ginagawa niya.
“Ma’am Alisa, nandyan na po siya.” binalingan niya muna ang babae bago tumayo. Nang madaanan ang binatang si Angel ay sandali niya itong tinapik sa balikat.
“Sino po ang nandyan?” tanong sakanya ni Angel.
“Ah, ‘yung bagong magbabantay rito kay Aira.”
“Kulang pa po ba ang dating nagbabantay sakanya? Madalas naman po ako rito, Tita–”
“Anak, ayoko ring maapektuhan ang trabaho mo dahil lang kay Aira pero pupwede mo pa rin naman siyang bisitahin kahit kailan. Mas gusto ko lang mapalagay,” sagot nito kay Angel.
Sabay-sabay silang napatingin sa lalaking papalapit, nakauniporme na ito at ayos na ayos. Bata pa rin kaya kampante si Alisa na maaalagaan at mababantayan nito ang anak.
Hinarap niyang muli si Aira na malaki pa rin ang ngisi saka ipinakilala ang lalaking kadarating lang.
“Anak, eto ang bagong magbabantay sa'yo. Kasama na siya nila Ate Amy kaya magiging mabait ka rin sakanya, okay?”
Mabilis bumagsak ang ngiti ni Aira nang tuluyang makita ang mukha ng lalaki. Nakangiti ito nang magiliw sakanya pero kabaliktaran lahat ang nararamdaman niya rito.
“Hi, Aira! Ako 'yung makakasama mo simula ngayon. Promise, aalagaan kita at hindi papabayan, I’m Toti.”
“No . . .”