NANLALAKI ANG MGA MATA KO NANG sinubukan kong tumakbong palayo, pero bago ko pa man magawa iyon ay nahablot na niya ako. Pilit akong nagpumiglas pero bukod pa roon ay parang pinagpipira-piraso ang puso ko. He is the same Toti who helped me escape before. He's the same Toti na binuhat ako noong hindi ko na kayang tumakbo at lumakad.
Siya ang Toti na naging mabait sa akin at unang itinuring kong kaibigan.
“Toti. . .” Itinigil ko na ang pagpupumiglas. Isinuko ko na ang sarili. Hindi ko na gugustuhin pang lumaban. “I treated you. . .”
Hindi ko na natuloy ang sinasabi sa labis na panghihina. Parang napagod na rin ako sa pagtakbo. Kahapon, gustong-gusto ko pang makaalis para tulungang makasama si Reign at hindi tuluyang magtagumpay si Toti pero ngayong wala na ang natitirang kaibigan ay parang naputulan na rin ako ng pakpak para magpatuloy.
Ang gusto ko lang naman noon ay ang makatakas sa kamatayan pero iyon na ang siyang nabagsakan ko ngayon. Pagod ang mga mata ko siyang binalingan at bumalik na naman ang mukha nito sa blanking ekspresyon.
“I killed someone. . .”
Ang kaninang panghihina ay biglang nag-alab. Naging matapang ako para tapunan siya ng matalim na titig. Agad kong niyukom ang kamao. Tatlong salita ng kasinungalingan ay halos umusok ang tainga ko sag alit.
“Someone? Nababaliw ka na ba?”
Imbes na makipagsagutan at pumasok sa ninanais nitong laro ay agad kong inipon ang lakas para tumakbo. Well, in fact, iyon na lang naman ang kaya kong gawin ngayon. I have nothing. Wala akong pwedeng masandalan o mahingian ng tulong.
“Someone?” Singhal ko nang makitang nasa likuran ko na ulit si Toti. Halos maubusan ako ng hininga kakatakbo pero agad niya rin akong naabutan.
“You killed all our friends. Teka, kaibigan mo ba talaga kami? Iyon kasi pinaramdam mo samin sa ilang araw.”
“Friends? Of course, not. Paano ko gagawing kaibigan ang dahilan kung bakit wala na ang pamilya ko ngayon.”
Mahigpit lang ang pagkakahawak ko sa sariling damit. Pilit akong umiisip ng paraan, ng plano para maakalis pero pati ata ang isipan ko ay nagawa na niyang sakupin.
Matagal kong pinilit makapaglakad at sa buong oras na iyon ay nanatili lang siya sa likod ko. Hindi umiimik at mistulang mabait na tao. For God’s sake, he killed four of my friends!
Nang matanaw ang onti-onting pagsikat ng araw ay nakahinga na ako nang maluwag. Kahit papaano ay nabigyan ako ng kaonting pag-asa.
I didn’t kill any of his family member. I didn’t kill anyone. Hindi naman niya ako papatayin, hindi ba?
“I killed myself.”
Awtomatikong napatigil ako sa paglalakad. Hindi ko nagawang maihanda ang sarili ko sa narinig.
“Paano ko kayo ituturing na kaibigan kung hindi naman talaga ako buhay in the first place. . .” Dahan-dahan ko siyang hinarap. This idiot is getting into my nerves. Surang-sura na ako sa mga pinagsasabi niya. Hindi ko na alam kung ano na sa mga sinasabi nito ang totoo o panlilinlang lang,
“Shut up! Just shut it! Hindi na ako naniniwala sa’yo! Hindi na ako maniniwala sa kung ano pang sasabihin mo!” hinihingal na bulalas ko pero nagawa lang nitong humalakhak.
“Aira, did you know what I did?” Pagak pa siyang tumawa pagkatapos magsalita. Mapang-asar ang tono nito. “We met. I met Him and He offers me a very special wish. To take revenge. . . and guess what, I did it. Nagtagumpay ako. Pinatay ko si Maxwell dahil sinira niya ang buhay namin. Kinuha niya sa amin si Mommy at pinatay niya pa. He murdered my Mommy na ganon-ganon lang. Pinagbayad ko lang siya. Noong may nakita kayong buto sa likod ng bahay niya, sinadya ko yun. I know everything. I planned everything. Kalkulado ko lang lahat ng ginawa ko. Si Joshua, pinatay niya ang kuya ko. Walang masamang ginawa si Kuya Terrence sa hayop na Joshua na ‘yan pero anong ginawa niya? Duwag siyang makipaglaban nang patas. Alam niyang matatalo siya ni Kuya kaya anong ginawa niya? Sinira niya ang buhay ni Kuya. Hindi nito kinaya ang nangyari sakanya. . . sino bang oo? Basketball was his passion. Doon na siya sumikat at nabigyan ng recognition pero halos putulin ng ospital ang mga kamay at paa nito dahil sa nangyaring pambubugbog. With that, hindi niya kinaya kaya nagpakamatay na siya nang tuluyan. Alam mo ba ‘yun? Aira, sabihin mo sa akin kung sino ang hindi naawa?”
Wala akong ibang masabi. I was speechless for a minute. Gusto kong takpan ang tainga ko para maiwasang marinig ang lahat pero hindi ko na magawa. “Si… Angel, anong ginawa mo sakanya?”
“Wrong! That, Aira, should be ‘anong ginawa ni Angel sa pamilya ko’?” Tumawa itong muli nang nakakaasar at pangisi-ngising tiningnan ako. “Pinatay ang mama ko the same night na pinatay ang tatay ko. How tragic, right? Habang nahihirapan ang nanay ko sa mga saksak ng Maxwell na ‘yon, humihiyaw naman ang tatay ko sa sakit ng saksak ni Angel sakanya. At. . .”
“Alam mo ba kung bakit duguan si Angel ng mga oras na dumating siya sa bahay ni Maxwell? Kasi nakipaghabulan siya sa mga pulis kaya nadaplisan siya ng bala ng baril. Wanted na siya sa bayan. . . wala na siyang babalikan−”
“No . . .” Napabagsak na ako sa sahig. Biglaang bumigay ang mga tuhod ko sa nalaman. The Angel that always saves me before. . . “He’s not a bad person!”
“He is! He killed my father!”
“No! One thing that I loved from Angel is that he keeps on saving other people. He loves saving his loved ones. At naniniwala akong kung ano man ang ginawa ni Angel sa Daddy mo ay paniguradong deserve niya ‘yun!” Impit akong napasigaw ng biglaang hinila na Toti ang buhok ko papunta sakanya.
“Bawiin mo ‘yang sinabi mo! Hanggang ngayon ipagtatanggol mo pa ‘yung Angel na ‘yun? Pumatay siya−”
“At pumatay ka rin!” singhal ko sa pagmumukha niya. Nagpapang-abot na ang galit at sakit sa sistema ko kaya nakaramdam na ako agad ng takot.
“Ang mahalaga rito napatay ko na ang dapat patayin. I won, Aira−”
“No!” Gamit ang nakuhang malaking bato sa gilid ng kalsada kung saan na kami nakarating ay walang-awa kong pinagpupukpok noon ang ulo niya. Wala akong ibang ginawa kundi ubusin ang lakas sa pagpukpok hanggang sa tuluyan nang nagtatalsikan ang nagpira-piraso na nitong utak.
Alam ko na sa sarili kong napatay ko na si Toti pero hindi pa rin ako nakuntento. Malalaki ang ngisi ko nang kitang-kita ko ang lanta na nitong katawan. Pilit kong inaalala ang magagandang ala-ala ko sa mga kaibigan na marapat ko lamang na ipaghiganti.
Para kay Maxwell na naging nakatatandang kapatid na namin. Para sakanya na tinanggap at kinupkop kami kahit wala itong kaalam-alam na hindi na siya ligtas sa mga nakapasok sa bahay nito. He doesn’t deserve any of these shits. Nananahimik siya sa lugar na iyon pero bigla kaming nakituloy dahilan para tuluyan pa siyang mawala.
Para kay Joshua, iyong bwisit at nakakainis na Joshua na madalas akong tinatawag na KJ pero alam kong nag-aalala rin tuwing makikita akong nakaupo sa gilid at nakatulala. Iyong mapang-asar at walang ibang ginawa kundi ang bumungkaras ng tawa pero grabe rin pala ang pinagdaanan sa mga magulang.
Para kay Angel. . . na walang ibang ginawa kundi ang iligtas ako, na kahit sa kahuli-hulihan nitong hininga ay walang ibang inisip kundi ang makaligtas ako. Ang taong dapat tinulungan ko rin. Kung hindi lang ako naging duwag. . . kung hindi lang ako mahina.
At para kay Reign. . . ang bitchesang walang ibang ginawa kundi manglait pero naging tunay ko ring kaibigan sa dulo. Ang gagang iyon na gusto pa akong patakasin at iwan siya. Wala rin itong ibang inisip sa dulo kundi ako.
Natigil ako sa pagpukpok nang bigla akong hinigit patayo ng kung sino. Doon ko lang halos nakitang durog na ang ulo nang lalaki dahil sa ginawa ko. Halos hindi na ito makilala. “Ano ba?!”
Mariin kong sininghalan ang lalaking pumigil sa akin. Hindi pa ako tapos at hindi pa ako kuntento sa paghihiganti sa Toti na iyon.
“Aira Farrales, you have the right to remain silent and refuse to answer questions. Anything you say may be used against you in a court of law. You have the right to consult an attorney before speaking to the police and to have an attorney present during questioning now or in the future.”
Kunot-noo ko silang binalingan. Hindi ko halos maintindihan ang sinasabi nito. Hindi ko rin mawari kung sino marahil ang nagsalita pero agad na nagliwanag ang mukha ko nang makita ko si mama na nasa gilid ko lang pero pilit hinihila ng isang lalaki palayo.
“Aira. . . bakit mo ginawa ‘yun sa papa mo?” Ramdam ko ang biglaang pag-inog ng mundo ko sa narinig bago ko pa maramdaman ang biglaang paglagay ng pabilog at malamig na bagay sa aking braso.