Pito: Time for murder

1789 Words
“LUH, BHIE? BITCHESA KA PERO HINDI KA mamamatay tao! Nininerbyos akong tumawa. Ang totoo, ang gusto ko lang naman ay bawiin iyon ni Reign. Kahit naman ayaw na ayaw ko sa babaeng ito ay ayaw ko rin itong mapahamak. “Aira, I am not even joking.” Tinaasan ko lang siya ng kilay. Hindi pa rin naniniwala. “But I did! Aira, I did it! I killed her sister!"” Halos mag-echo ang sinabi niyang iyon sa buong lugar. Hindi ko na pinilit pang kontrahin iyon, totoo nga marahil. Totoo ngang all this time, ganitong uri ng mga tao ang kasama ko. But that doesn't mean they are not kind, right? Kasi naging mabait ang mga ito sa akin. Well, bukod nga sa pagtataray ni Reign. Tahimik ko lang siyang tiningnan, naiiyak na. Gusto ko siyang maintindihan. Alam kong hindi siya masamang tao. “I. . . I am not a good person, Aira. I am the worse. I am pathetic. I wanted fame! I wanted power. I wanted those to the point that it triggers me to kill kung sino man ang humarang sa kagustuhan kong iyon. I am the only cheerleader; I am the muse. But his sister came into the picture. Sakanya nalipat ang atensyon ng lahat. In that short time, I was alone again. The school was may palace. Having no parents at all is suffocating. Doon na lang ako nagiging masaya sa school na. . . na ako 'yung bida. Pero nu'ng dumating si Taia, nasa kanya na ang lahat. . . she's so pretty, intelligent and talented kaya bigla na lang akong naging basura. . .” “And this pathetic b***h? I poisoned her. I killed her, Aira! I'm a killer! I killed his sister at papatayin niya rin ako!” Wala akong ibang nagawa kundi yakapin ang natatarantang kasama. Wala na iyong babaeng 24/7 atang nakataas ang kilay. Hindi ko na makita kay Reign ngayon ang pagiging matapang. “Gaga ka talaga! You listen to me, okay? Manahimik ka dahil walang katotohanan ‘yang pinagsasasabi mo. Wala nang mamamatay ulit.” Pilit kong hinahawakan ang mga balikat ni Reign. Mas kailangan kong maging matatag ngayon dahil kung sasabay pa ako sa taranta ay mas malaki lang ang tsansang mahuli kami ni Toti. “Tatakas tayo ritong dalawa. Walang mamamatay. Hindi tayo maaabutan ni Toti. Reign, ano ka ba! Walang lugar dito ang mga mahihina. Lalo na sa sitwasyong 'to.” Laking pasasalamat ko na lang ng mabilis ko itong napapayag. Mabilis itong kumalma at sumang-ayon. At sa mabilis na oras lang ay naglalakad na kaming muli. Nakakapaghina lang lalo pa't mukhang wala itong katapusan. Now, I am praying for better days. Iilang araw lang kami sa lugar na ito pero iba ang pakiramdam ko. Parang ang tagal-tagal na, parang napakabagal umusad ng lahat. “I can't feel my legs! Pahinga na muna tayo!” singhal ni Reign habang nakahawak na sa mga binti. Sandali kong inilibot ang paningin sa paligid. Madilim na at wala pa kaming dala ni anong bagay para magamit namin bilang gabay kaya kahit may kaonting pangamba ay sumang-ayon na lang ako. Kailangan na lang naming maghanap nang maayos na mapagtataguan. Ngayon tuloy, kahit na bwisit na bwisit ako sa babaeng ito noon ay mas gusto ko na siyang matulungan. Kung totoo man marahil ang iniisip nito tungkol sa mga pagpatay ni Toti ay mas kailangan ko siyang bantayan. Dahil kung naplano nga ni Toti ang lahat ng ito ay paniguradong he has all the means to kill them all. At hindi ko na kakayanin kung mababawasan pa ang naging mga kaibigan kong itinuring kong pamilya. They don’t deserve any of these. Kung nakagawa man sila ng kasalanan ay marapat lamang na pagbayaran nila iyon sa batas. Nakahanap kami ng malaking tipak ng bato, sapat na para matakpan kaming dalawa ni Reign. Ito na muna siguro ang magiging depensa namin sa kalaban lalo pa't kailangan din namin ng pahinga. Nang tuluyang makaupo ay saka ko lang naramdamdaman ang lahat ng pagod. Sa sobrang daming umuukupa ng isipan ko simula pa kanina ay hindi ko na nga napansin na simula umaga pa kami naglalakad at tumatakbo. “Aira, thank you. . .” Agad kong sinamaan ng tingin ang kasama. Imbes na ma-touch sa sinabi nito ay mas nabwisit pa ata ako. “We're on trouble, b***h. Ngayon ka pa ba magdadrama?” Natawa ito sa sinabi ko pero agad ding bumalik sa pagiging seryoso ang ekspresyon sa mukha. Kung sa maayos na pagkakataon lang sana kami nagkita ni Reign, paniguradong magiging maganda ang turingan namin sa isa't isa. Alam kong mas magiging mabuting magkaibigan kami. She's not a vocal person. Mas gugustuhin ka na lang niyang tarayan kaysa magkwento ng problema. Pero kung tutuusin, malaki nga ang pasan-pasan nito. “I’m dead serious, Ai. Thank you. . .” “Nu’ng tumakas ako sa bahay, tanggap ko nang mas gusto kong mamatay kaysa makulong. Inantay ko na lang na lapain ako ng kung anong mabangis na hayop dito pero hindi nangyari. I found. . . Joshua. Ang sabi niya sa akin noon, naglayas siya. He told me; school life is toxic. Gusto niya na munang magpahinga kaya umalis siya. Napanatag ako, actually. “Hindi lang pala ako ang gustong tumakas. Hindi lang ako 'yung namomroblema. Then, we found Maxwell's place. We found you, guys. I may be the greatest b***h you all know but with you guys, I found comfort. I found a family. I realize how precious ‘friends’ are. I . . . I am just so glad that I met you–” I cutted her off with a few tears in my eyes, “Ano ba! Masyado lang makitid ang utak mo noon, okay? Once na makaalis tayo rito, mas malalaman mo kung gaano ka kamahal ng mga tao sa paligid mo. They value you. . . oo, pwedeng hindi nga lang sa paraang gusto mo pero mahalaga ka sakanila kaya dapat mas pahalagahan mo ‘yung sarili mo. Love yourself, ika nga, Reign. You don't need fame, power o kung ano man dyan. You need love. . . and you'll get it once you finally learn to love yourself.” Tinapunan ko siya nang matalim na titig noong marinig ko ang mga halakhak nito. “May ganyan ka pa lang side? Parang nanay!” Okay. Hinga. Pwede ko bang bawiin lahat ng sinabi ko sa babaeng ito? “Alam mo namang ikaw ang pinakaayaw kong makasama, ‘no? Napakamalas ko pa rin talaga. Mamamatay na lang ako, ikaw pa ang kahuli-hulihan kong makikita.” “Grajodas ka talaga!” pikon ko nang sigaw kaya lumabas na ang pagkalakas-lakas nitong tawa. “Pwede ba? Tigilan mo ako sa kakaganyan mo. It’s not even funny!” Tumagal pa ang naging pagtawa nito at talagang nakakaasar kaya napahalukipkip na lang ako, Wala rin naman akong magagawa kung papatulan ko pa ng babaeng kaharap na maluwag rin ang turnilyo sa utak. “I miss them,” sabi nito nang makakalma sa pagtawa. Napabuntong-hininga na lang ako bilang pagsang-ayon. Nakakamiss nga talaga. Nakaka-miss ang kakulitan ni Joshua na palaging inaasar si Maxwell. Nakakamiss din ang pambubwisit ni Angel sa akin. . . pati na si Toti — iyong dating Toti. Ang bawat gabing hindi matapos-tapos na hapunan dahil sa kulitan at pagta-trashtalk-an. Ang bawat umaga namang si Reign ang pinagpipyestahan sa pang-aasar. Miss ko na rin ang lahat ng iyon pero ang mahalaga muna sa ngayon ay maitakas ko si Reign at makatakbo kami. Kapag nagtagumpay kami sa pag-alis ay paniguradong hindi naman nagtagumpay si Toti sa plano niya. Kung totoong pumatay ang mga kaibigan ko, hindi dapat inilagay ni Toti ang batas sa mga kamay niya. He should've passed it to the authorities. “Tatakas tayo rito–Reign!” Ah, ang galing tinulugan ako. Sa isang iglap, agad ko na ring naramdaman ang pagbigat ng talukap ng mga mata. Sa pagod ay wala na akong ibang nagawa kundi ang ipikit ang mga ito. Tatakas kami and we'll be stronger tomorrow. Sana lang, bukas dahil maliwanag na, ay makita na naman ang daan paalis. *** Awtomatiko akong sinalakay ng takot nang matuklasang wala na si Reign sa tabi ko. Pasikat pa lang ang araw, imposible nagliwaliw na agad iyon. Imposibleng iniwan niya ako rito lalo pa at alas kwarto o alas-singko pa lang marahil ng umaga. Halos mayanig ang mundo ko nang marinig ko ang isang palahaw. It was Reign’s. Hindi ko na naisip kung ano ang magandang gawin at basta ko na lang sinundan ang sigaw. Nandito si Toti? Nasundan niya kami? Humahangos na ako pero patuloy pa rin akong nagtatatakbo. Pilit kong sinusundan ang mga sigaw ng kaibigan. Pilit din akong umuusal ng mumunting mga panalangin. “Ouch! You asshole!” Dumapo ang dalawa kong palad sa bibig. Gusto kong sumigaw, gusto kong sugurin ang demonyong iyon pero napako ako sa kinatatayuan. Para akong tinakasan ng lakas bigla. Nakatago ako sa malaking bato na may kalayuan ang distansya kay Toti at kay Reign. Mula rito, kitang-kita ko pa rin ang kilos ng dalawa, pati na ang mga palahaw ng kaibigan. “You done? Tapos ka na sa ingay mo? Pwede na ba kitang patayin?” Nakabibinging tili ulit ang narinig ko mula kay Reign. Hindi ko nakikita ang malinaw na mukha nito pero alam kong umiiyak siya at takot. I need to help her. I. . . I need to think properly. Taranta akong naghahanap ng matulis na bagay para magamit pandepensa kay Toti nang muling nagsalita si Reign. “Aira, don't you dare come out. Tumakbo ka na, b***h! ‘Wag na ‘wag mo akong tutulungan! I don’t need you. Go away! ‘Wag kang magpakabayani dyan, ‘di bagay sa’yo!” “Bitchesang-bitchesa,” bulong ko sa sarili ko kahit sumusipil ang mga ngiti. Alam ko naman ang ginagawa ng babaeng ito. “And you! Tarantado ka! I almost liked you! Ang gwapo-gwapo mo tapos pumapatay ka ng tao?” Napangiti ako nang malawak noong nakakuha ako malaking tipak ng salamin. Ilang beses akong huminga nang malalim bago mapanatag ang loob. “Reign. . . did you forget about it? Pareho lang tayo. You killed my sister, you b***h!” Bago ako tumakbo kitang-kita kong may ipinasok sa bibig ni Reign na kung ano si Toti. Hindi na nagawang makasigaw muli ni Reign kaya sinalakay ako ng kaba. “Toti!” Napapikit ako nang naramdaman ko mismo ang pagbaon ng salamin na hawak ko sa likod mismo ng lalaki. Natigil ito sa ginagawa kaya nagkaroon ako ng pagkakataong makita si Reign pero mas dinurog lang noon ang puso ko. Nangingisay na ang babae at bumubula na ang bibig. Lupaypay na rin ang katawan niya kaya wala na akong ibang ginawa kundi ang pumalahaw ng iyak. “Reign. . . no!” Nang makarinig ako ng mahihinang halakhak ay napabaling ako sa lalaking kaharap. Laking gulat ko nang hawak na nito ang malaking tipak ng salamin na binaon ko sa likod niya. “Hey, was that supposed to hurt?”
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD